CHAPTER 57 CATHY's POV: ANG PUSO ko ngayon parang lumilipad sa tuwa at kilig dahil sa biglaang pag-propose ni Drake sa akin. Wala kasi akong ideya na ngayon niya mismo ito gagawin. Ang alam ko ay sumali siya sa akyatan ng buko para lang pahangain ako. Kaya sino bang mag-aakala na plano niya palang lumuhod sa akin ngayon at saksi ang maraming tao at ang pamilya ko kung gaano ako kamahal ng isang Mr. Drake Alejandro... Siya yung boss ko noon na ngayon ay fiance ko na. Hindi naman ako nag-atubling halikan ang binata sa kanyang labi bilang sagot sa tanong niyang 'will you marry me?'. Kaya heto, napasigaw at talon naman si Drake dahil sa kanyang kasiyahan matapos niya akong buhatin. "Salamat ho Kapitan... Pasensya na po pala kung dito ko pa ginawa ang proposal... Ito lang kasi ang naisip