CHAPTER 56 DRAKE's POV: HALOS limang araw na ang nakalipas simula nang manatili ako rito sa bahay nila Cathy sa Bicol. Maraming nangyari sa buhay ko at marami rin akong naranasan na ngayon ko lang nagawa. Masasabi ko na talagang masarap manirahan sa Probinsya dahil bukod sa may magandang tanawin na at sariwang hangin ay talagang machachallenge ka sa mga gawain nila. Halos nagawa ko na nga ang pag-araro gamit ang kalabaw sa mismong tapat ng tirik ng araw. Nakapagsibak na rin ako ng malalaking kahoy kaya nagsilbing work out ko na ito kasama ang pag-igib ng tubig sa malayong gripo, at dahil dito ay pakiramdam ko lumalaki ang katawan ko at tumitigas ang muscles ko. Kaya masaya ang manirahan dito, dahil kompleto rekados din ang mga tao, may chismosa, may pakialamera at may mga inggitera