CHAPTER 23 SIR DRAKE's POV: SINULIT ko ang minuto at oras na naka-yakap ako kay Cathy habang naka-kandong siya sa akin. Alam ko kasi na hindi na ito mauulit pa. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ako kung umasta sa babae. Pero tama siya, marahil ay hindi pa ako gaanong nakakalimot kay Aryana. Si Aryana kasi ang babaeng pinangakuan ko noon. Marami kaming pinagsamahan at marami rin kaming memories together na dalawa. Kaya lang ang lahat nang 'yon ay sinayang niya sapagkat nagawa niya akong lokohin sa mismong kaibigan ko pa. She cheated on me, nakita ko mismo na nakipag-s*x siya sa mismong barkada ko. Kaya ako na mismo ang siyang bumitaw at nakipaghiwalay sa kanya without even letting her to explain. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga paliwanag niya dahil sobra akong