CHAPTER 24 CATHY's POV: "SA WAKAS, makakabalik na ako sa mansion!" Ito ang lumabas sa aking bibig nang bumaba kami ni sir Drake ng bus. Pikit ang aking mata habang nakataas ang aking mga kamay para langhapin ang hangin. Saka lang ako napadilat nang akbayan ni sir Drake dahilan para alisin ko ang braso niya. "Huwag kang pakampante Cathy, malayo pa tayo. Ni hindi pa nga tayo nakakalabas ng mismong Zambales," wika ng binata para alisin ang karapatan ko na maging masaya. "Alam mo ikaw, engot ka!" singhal ko na lamang. "Matagal na akong engot Cathy. Ewan ko ba sa'yo at ngayon mo lang yata nahalata ang pagiging engot ko... Anyway, alam ko namang nagugutom ka lang, kaya mas maigi kung kumain muna tayo. Mag-date tayong dalawa at hayaan mong sulitin natin ang oras na nandito tayo sa Zambales