Consequences 018

1361 Words
Flint's POV: When I finally closed the door, I turned to my left and finally saw what I looked like. I stared at my reflection, checking the bruises on my face and neck. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang leeg ko dahil sa pagkakasakal saakin ni Lucas. Iginilid ko ang mukha ko at nakitang may pasa ang gilid ng panga ko. Nakuha ko naman kay Lyle. Iyon pala yung matagal niyang ginagamot kagabi. Bumuntong hininga na lamang ako dahil kahit anong titig ko riyan ay hindi naman sila magically mawawala. I opened the shower and put it in mid-hot temperature before taking my clothes off and stepping under it. I sighed in relief as the water releases the tensions on my shoulders and other parts of my body. I closed my eyes and enjoyed the shower. Flashes of what happened that day suddenly invaded my mind. It was like I’m stuck in replay. The heavy rain, the bombing, and the gunshots. I was watching it in a third person’s point of view and it made my heart sank. Guilt is eating my whole system as I watch how those bodies fell with the sounds of gunshots. Our gunshots. And then there I am, inside the woods, my hand holding a gun as we scream at each other. BANG! I gasped as I opened my eyes, catching the breath I didn’t realize I was holding. Napaubo pa ako nang maramdamang may pumasok na tubig sa ilong at bibig ko habang hinahabol ko ang hininga ko. I stared at the tiles in front of me, hugging my body. My heart felt heavy and before I knew it I’m already a sobbing mess. My tears fell like waterfalls along the water coming from the shower. I buried my face to the palm of my hands as I cried harder. I’m sorry. I’m really f*cking sorry. A knock on the door made me hush my sobs. “Hey, are you okay? You’ve been in there for 30 minutes already.” Lyle’s worried voice said outside the door. I gulped and cleared my throat. “Yeah. Patapos na.” Sigaw ko. He didn’t answer, but he didn’t leave. I know he’s still outside the door as I didn’t hear any footsteps. Huminga nalang ako nang malalim at mabilis na tinapos ang pagligo. Iika-ika akong kumuha ng tuwalya sa cabinet sa ilalim ng lababo at tinuyo ang katawan ko at ipulupot sa aking buhok. Kinuha ko rin ang bathrobe na nakasabit sa likuran ng pinto at ibinalot sa katawan ko bago lumabas. Napaatras pa ako nang bumungad saakin ang blangkong mukha ni Lyle. He didn’t say anything and just stared at my face. “Bakit?” Tanong ko nang hindi manlang siya gumalaw. Hindi pa rin siya sumasagot at nanatiling nakatitig lang saakin kaya umiling na lamang ako at lumusot sa gilid niya. I walked towards the bed and saw the clothes laid out on top of it. May tatlong options akong nakalatag doon. Hindi ko napigilang mangiti bago tumingin kay Lyle. “You picked these out yourself?” Tanging pag-tango lang ang sinagot niya na ikinailing ko at muling tumingin sa mga damit. Dalawa doon ay simpleng dress na hanggang itaas ng tuhod pero magkaibang cut, design at kulay. Ang isa naman ay cotton shirt paired with maong shorts. Sa huli ay napagdesisyunan kong yung t-shirt at shorts nalang ang suotin. “Were you crying?” Napatigil ako sa pagtitiklop ng dress at napalingon sakaniya. Nakapamulsa siya at mariing nakatingin saakin. Agad akong umiling at umiwas ng tingin nang hindi makayanan bigat ng kaniyang pagtitig. “Hindi ah.” Sagot ko at ipinagpatuloy ang ginagawa. Naramdaman kong mas lumapit siya saakin pero hindi na ako nag-abalang tumingin uli sakaniya. “Your eyes are all red and puffy.” He said, stating the obvious. Nagkibit balikat lang ako at iginilid ang mga dress na tiniklop ko. “I didn’t cry. Mainit lang sa loob, and napunta kasi sa mata ko yung shampoo tapos kinuskos ko. No big deal.” Sagot ko bago tumingin uli sakaniya. Hawak ang damit ay babalik sana ako ng banyo nang pigilan niya ako. “Where are you going?” He asked. Itinaas ko ang hawak ko at tinuro ang banyo. “Magbibihis. Alangan sa harap mo ako magbihis?” Ani ko at tinaasan siya ng kilay nang makitang ngumisi siya. “Pwede naman—aray!” Mabilis siyang humakbang paatras at hinimas ang braso niyang sinuntok ko. Maski ako ay nasaktan dahil sa tigas ng biceps niya pero hindi ko na iyon pinahalata. Baka lalong mang-asar eh. “T*ng*na mo. Manyak!” Singhal ko na ikinatawa niya. Umirap ako at akmang hahakbang uli nang pigilan nanaman niya ako. “Dito ka na nga kasi magbihis. Malayo ang banyo at namamaga ‘yang paa mo.” Aniya. Sarkastiko akong napasinghap at tinakpan ang bibig ko. “Omg. My kidnapper cares for me! Grabe, ang sweet naman ng isang Lyandyle.” Saad ko at nagkunwaring kinikilig. Sumimangot siya dahil doon. “You kept on saying kidnapper. Nakak-offend ah. I’m too handsome to be a kidnapper.” Sagot niya. Ako naman ang sumimangot at hindi napigilang umirap. “Grabe. Ang hangin. May malakas pa kesa sa aircon.” Ani ko. “Heh tumabi ka na nga riyan. ‘Wag mong alalahanin ang paa ko dahil sanay nga ako rito.” “Ito na nga oh I’ll get out na. Dito ka na magbihis. Don’t worry, there are no security cams here. You’re goods.” He says as he walks away. Binuksan niya ang pinto palabas ng kwarto at lumabas na. “Oh, and if you’re done you can come out. Kaya mo naman, diba?” Hindi na niya ko hinintay na sumagot at isinara na ang pinto. Napairap na lamang ako sa hangin at inilapag sa kama ang hawak kong damit. Saglit lang akong nagbihis at ngayon ay nakaupo na habang pinupunasan ang buhok ko. I exhaled out a breath when I felt the throbbing pain on my ankle. I looked at the paper bags beside me and decided to open them all. One of it contains some undergarments, the others are daily clothes, some feminine supplies and medicines. May nakita rin akong katinko oil at bandage na inilabas ko at ginamit. While I was applying the oil on the swollen part the door opened and revealed Edrix. “Hi.” He greeted and entered. I didn’t bother to answer him and continued massaging my swollen ankle. “Flint—“ “What do you want?” Inis na tanong ko at tiningnan siya nang masama. Pinanood ko siyang ngumiwi at umatras abante sa pwesto niya. Parang nagdadalawang isip kung lalapitan ba ako, or lalabas, or mags-stay lang sa pwesto niya. Nang hindi siya nagsalita ay muli akong umirap at ibinalik sa paa ko ang tingin. “That’s not how you do it.” He suddenly said. Napatigil ako sa ginagawa at muling tumingin sakaniya. Wala sa mukha ko ang tingin niya kundi sa namamaga kong paa. “You’re supposed to massage the whole swollen area, not just one part. Pati yung gilid, and dapat mas less yung pressure.” “What are you? A doctor?” Tanong ko at tinaas ang kilay niya. “Yes. I am.” Kusang bumaba ang kilay ko at nag-iwas ng tingin. Shet pahiya ako ron ah. Narinig ko ang yabag ng paa niya palapit saakin bago naupo. “Akin na.” Bago pa man ako makaprotesta ay nakuah na niya ang paa ko at siya na ang naghilot. I couldn’t help but wince everytime he’d hit the spot where the pain exactly is. His hands are soft and gentle as he massaged my ankle. We were quiet the whole time, only the sound of our breathing was heard. Nang matapos siya ay kinuha na niya ang bandage at ibinalot sa paa ko. “Ano, pwede ba ako mag-explain?” Biglang basag niya sa katahimikan. Bumuntong hininga lang ako at hindi nagsalita. He took that as a yes so he started speaking again. “Your work isn’t a part of the plan.” He started. “Ha?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD