Flint's POV:
“Oh, you’re here na. Kumain ka na ba? Ipaghahain kita?” Sunod-sunod na tanong ni mama. Base sa marka ng tumalsik na tubig sa apron niya at nangingintab niyang kamay, katatapos lang niya maghugas ng mga pinggan.
“Okay lang po ma. Mamaya na po pag-uwi. Kailangan niyo po ba ng tulong?” Tanong ko at ibinaba ang bag ko sa pinakadulong mesa. Lumapit ako sa mga ulam at inayos ang pagkakatakip nito. Sunod kong inayos ang mga upuan at pinunasan ang mga mesa na may naiwang mga dumi.
“May gagawin ka pa ba? You should rest first, let me handle the rest. Mamaya pa naman uli ang dagsa ng costumers.” Mama said and gave me a soft smile. At the age of 46 she’s still in her prime. And still beautiful. Parang hindi nga siya tumatanda dahil wala namang nagbago sa itsura niya. Iyon lang smile lines niya na mas visible na ngayon. Palagi ba namang nakangiti na animoy walang kaproble-problema sa buhay.
If only that’s the case.
“Okay, fine. Magpapahinga na po.” Nakangiting sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. Nagtungo ako sa mesa kung saan ko iniwan ang bag ko at naupo ron. I opened my bag and took my laptop out. I opened my email and checked what Mr. Santos sent me.
I’ve seen these information already so I just skimmed until I got to the last part of the info. It says there that Edrix is currently working at TS Co. Hmm, an intern maybe?
I researched some information about the company. It’s a supplying company of medicines and other drugs. I dug some more information about it, like who’s the CEO. It’s someone named Theodore Salazar, 40 years of age, half Filipino and half Japanese. I continued gathering informations when I suddenly came across a site named TS Co. I thought it’s the company’s site so I clicked it.
Nagtaka ako nang makita na ang laman niyon ay…mga hose? Like gardening tools, varieties of hose, and even ropes. I was about to exit the site when I sensed something strange about the site. At the lower left corner of the site there’s a power button. It is noticeable, so I clicked it. Akala ko ay namatay ang laptop ko dahil biglang nag black ang screen ko. Ayun pala ay dinala lang ako sa ibang tab. Inexit ko ang tab na iyon at binalik sa previous site. Pinindot ko uli yung power button at ganun nanaman ang nangyari. Out of curiousity I stayed in that tab. Muling lumiwanag ang screen ko. In this tab mas maraming varieties ng ropes ang ipinakita. The name per product is weird. There’s shift, déjà vu, memory and many more. The names are somewhat connected to the mind, I think?
I clicked one of the products and even got more confused when it says access denied. Huh? Bakit ganito? Inulit ko iyon sa ibang products pero puro access denied. Paano makakabili ang costumers kung puro access denied? Baliw ba ‘tong site na ‘to?
And because it fed my curiosity, I tried to open the site. Yes, I’m now hacking the site to fix it. Baka naman kasi nag bug lang kaya ganito. I downloaded the resources and tried to access the server. It was almost done but I was…blocked?
Mas lumalim ang kunot sa noo ko nang hindi ko na ma-access uli yung site na yun. Binalik ako sa main site nito. Nawala na rin yung power button sa gilid na lalong pinagtaka ko. If I was blocked on the process, then that must mean someone’s in the site taking care of it. Like may nakabantay na ron. Then I realized there’s nothing wrong on the outside, because it’s hiding something in the inside. The shop was like a front to hide some other business underneath it. But what?
“Mas mauuna ka pang magka-wrinkles saakin kapag hindi mo winala ‘yang kunot sa noo mo.” Napapitlag ako nang biglang magsalita sa tabi ko si mama. Natawa nalang ako at inexit ang page. I’d look into it some other day. Noon ko lang din kasi napansin ang oras at nakitang dumadami na rin ang costumers.
“I’ll help you na ma.” I said and stood up. I worked on serving and entertaining the costumers while she stayed at the counter. Paminsan-minsan ay binabantayan ko ang niluluto niya, hinahango at nagsasalang ng panibago.
“Nak can you turn on the tv? Para makakinig salita ng balita.” Mom asked and I nodded. I turned on the tv and set it in a volume that everyone can hear despite the noises.
Habang abala ako sa pagluluto ay tumabi saakin si mama. Mukhang wala naman nang umo-order kasi. Nakikinig din siya ng balita all while frying the fish.
“Kadarating lamang na balita. Mag-asawa, patay matapos tadtarin ng saksak ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sto. Nino, Marikina. Ang lalaki na nagngangalang Jesper Manuel ay nagttrabaho sa isang bangko at ang asawa naman nitong si Olivia Manuel ay secretary ng malaking kumpanya. Tinitingnan pa ang motibo ng may sala. Hinihikayat ng mga pulisya na kung sino man ang nakasaksi ng karumaldumal na krimen na ito ay dumulog sa kanilang tanggapan. Sa ngayon inaabisuhan ng mga awtoridad ang bawat mamamayan ng Marikina na mag-ingat.”
“Hay naku. Talamak nanaman ang p*****n. At dito pa talaga sa atin ah!” One of our costumers exclaimed. Dumoble ang ingay sa paligid sa kani-kaniyang kumento nila sa napanood na balita.
“Mag-iingat ka kapag umaalis ka ha. Baka magulat ako ikaw na ang susunod na ibabalita.” Bulong ni mama. Tinawanan ko siya at inakbayan.
“Ma mauuna pang pumuti ang buhok mo bago ako mamatay ‘no. Ikaw po ang dapat mag-ingat lalo na pag iniiwan kita mag-isa.” Sabi ko at tiningnan ang mga taong kumakain sa harapan namin. “Mabuti nga’t nariyan ang mga bff nating tambay na maaasahan naman.”
“Pero diba kilala mo ‘yan? Si Jesper at Olivia? Yung lagi mong binabanatan?” Awtomatikong napangiwi ako sa sinabing iyon ni mama.
“Grabe ka naman sa lagging binabanatan ma. Eh hindi ko naman ‘yan papatulan kung maayos sila.” Sabi ko at napakamot sa aking ulo.
Iniwan ako ni mama dahil may umo-order ng ulam kaya naman natahimik ako sa tabi at muling napaisip. Based on what I’ve heard nagbago naman sila. Hindi katulad noon na pumapasok sa eskwela para manakot at manakit. Someone told me they’re now living a decent life after they almost got killed in an accident that happened I think 2 years after they graduated. So what’s the motive? What’s the reason behind their death?
Kahit ano pa man iyon, it doesn’t change the fact that the killer is out there. And no one knows yet if this is a one-time scenario only.
---
“Ma! Aalis na po ako! You sure you don’t need anything else?” Palabas na ako ng pinto nang marinig ko ang mabibilis na yabag ni mama mula sa kusina. Kasalukuyan siyang nag-aayos bago magbukas ng karinderya.
“Wala naman.” Hingal na sagot niya nang makalapit saakin. I looked at her with disbelief before shaking my head.
“So, nagmadali ka for?” Natatawang tanong ko at hinimas ang likuran niya. Nang makabawi na siya ng hininga ay tumayo na siya nag deretso at hinalikan ang noo ko.
“Nothing. Mag-ingat ka. Sa karinderya ka na dumiretso, okay? Dalhin ko nalang din yung gamit mo ron.” She said and tapped my shoulder. I chuckled and kissed her cheeks before waving off a goodbye.
“Oh, alis ka? Ingat!” Bati saakin nina kuya Tim. Isa siya sa mga tambay na nagpapanatili ng kaayusan sa street namin. Isa siyang dating pulis kaso nahuling gumagawa ng kalokohan, ayun natanggal. Pero nagbagong buhay naman na siya sa tulong ni mama. Naliwanagan siya sa mga dapat niyang gawin sa buhay niya kaya ayan. Professional tambay na siya ngayon! Haha joke. He’s helping our officials in keeping our people safe.
“Opo kuya. Kayo na po muna bahala kay mama ah. Paki hatid nalang po, baka madapa habang naglalakad.” Ani ko. Tumawa lang siya at sinabing siya na ang bahalang sumama kay mama at magbantay. Nagpaalam na rin ako sakaniya at nagpatuloy sa paglalakad.
Mr. Santos sent me the address of the tailor shop where my uniform is. I already know what it would look like, based on what I saw from his bodyguards. And all I can say is, I, for sure, will not enjoy wearing it. I hate wearing uniforms, especially those costum-made ones to make everyone look the same.
“Hi. Order of Mr. Santos?” The lady on the counter nodded and went inside a room. While waiting I roamed my eyes inside the shop. A few moments later she came back with three pairs of uniforms. It has a slacks, a vest, blazer, and a tie, all in black color. Yep. I’m not gonna like this. Mainit yung tela, mainit pa yung kulay!
I thanked the lady and was about to walk out of the shop but she stopped me.
“Maam wait lang po!” Sigaw niya. Paglingon ko ay may dala siyang paper bag na may tatak ng Gucci. Sa loob nito ay box ng sapatos. “Pinapabigay rin po pala ‘to ni Mr. Santos.”
Tumango nalang ako at nagpasalamat bago kinuha iyon sakaniya. Medyo mabigat ang laman kaya for sure mabigat na klase rin itong sapatos na ‘to.
Dumaan pa muna ako sa malapit na pharmacy at bumili ng pang first aid para kay mama at para na rin saakin. Just in case. Bakas ang pagtataka sa mukha nung cashier nang makita kung gaano karaming rubbing alcohol, betadine at bandages ang binili ko, but she never bothered to ask, thankfully.
Pabalik na ako ng karendirya nang mapansing wala ang mga tambay sa dati nilang pwesto. Pero may mga gamit pa ron tulad ng tshirt, ilang mga plastic na baso at pitsel na may laman pa. Gayun din ang ibang mga bahay na naiwang nakabukas ang mga pinto at tila wala rin ang mga nakatira ron. Biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan at kusang bumilis ang lakad ko.
Habang papalapit ako sa karendirya ay napansin kong may mga magagarang sasakyan naka park sa gilid. Maayos naman ang pagkaka park ng mga iyon pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit dito naka park. Napatingin pa aq sa kulay puting sasakyan na nasa pinakaharapan nang marinig na parang umangat ang bintana nito pero hindi ko na iyon pinansin. Natanaw ko rin na parang may van sa tapat ng karinderya namin. Nasa pinaka kanto kasi naka locate ang business ni mama.
Saktong pagliko ko ay bumulaga saakin ang likod ni Timo, isa rin sa mga tambay. Mabuti nalang at naitulak ko siya paharap kaya hindi siya tuluyang natumba. Nagulat pa ako nang humarap siya saakin at itinaas ang kamao niya kaya agad kong ipinangtakip ang braso ko sa aking mukha.
“Flint? Ay g*go Flint!” Gulat na aniya at binaba ang kamao niya.
“Timo! Anong nangyayari?!” Naguguuhang tanong ko. Noon ko lang din napagtanto na kaya wala nawala ang mga tambay at iba naming mga kapitbahay dahil nagkakagyera na pala rito. Sa harapan pa ng karinderya ni mama!
“Pumunta ka na ron sa mama mo! Bilisan mo! Sinusubukan nitong mga g*g*ng ‘to na kunin si ate Brienna!”