BAHAGYA akong natulala at hindi agad nakagalaw. It was a subtle moment for both of us. Nagkatitigan kami. "What are you doing to me, Reign?" Saglit akong natulala sa kanyang titig. Bakit pakiramdam ko matutunaw ako! "Oy, wala akong ginagawa ah! Ikaw kaya ang nauna." painosenteng tugon ko. Baka mamaya itsitsismis niya pa akong magnanakaw. Mahirap na. Baka habulin pa ako ng itak ni Tito Joaquin. "Tss. I'm serious, Reign. Puwede ba? Magtino ka naman kahit ngayon lang." "Ano ka ba! Hindi ka si serious. Ikaw kaya si Pangga. Ang nag-iisang pangga ko." "Isa pa. Hahalikan kita." "Ay! Gusto ko 'yan Pangga---." Nagulat ako nang bigla niya akong pinitik sa ilong. "Wala talagang preno 'yang bunganga mo." "Sabi ko nga. Magtitino na ako Pangga." "Ang daldal talaga." "Tss. Ang sungit mo talaga,