"AHH.. MAMAYA na lang po ako uuwi. Pakisabi na lang po kay Besh." "Oh sige. Ikaw ang bahala anak. Panatag naman ang loob ko kasi magkakilala pala kayo ni Nonoy Bryce. Nagpaalam na rin ako sa kanya at ibinilin kita sa kanya." "Okay po. Salamat po Tatay Berting. Ingat po kayo sa pag-uwi." "Oh siya. Mag-iingat ka rin. Aalis na 'ko." "Sige po." Ngumiti ako at kumaway kay Tatay Berting bago ito tumalikod pauwi. Tapos na kasi silang magsibak ng kahoy na gagamitin sa pagluluto para sa gaganaping party dito bukas. Iyon daw kasi ang nakagawian dito sa tuwing umuuwi si Pangga. Nagpapaluto siya ng madaming pagkain at imbitado ang mga tauhan at buong sakop ng hacienda nila. Katatapos lang namin kumain at ang sabi ni Pangga ipapasyal niya raw ako sa buong hacienda. Sobrang saya ko kasi parang bi