Chapter 13

1635 Words
MIRACULOUS SINUNDAN KO na lang si Adam na ihatid ang pagkain kay Tope. Nang tanungin niya ako kanina ay hindi ko siya sinagot bagkus ay ipinaubaya ko na ang tray sa kanya. Tumingin sa gawi namin si Tope na malapad ang pagkakangiti. Samantala kanina ay halos hindi na maipinta ang mukha niya. Inilapag ni Adam ang tray sa harap ni Tope na napatingin naman kay Adam. Tingin na may pagtataka at tila hindi makapaniwala. "Totoo nga na may bago kayong waiter rito. At talaga Afam pa. Saan mo naman nakuha ito Mira," tanong niya habang kinukuha ang pagkain mula sa tray. "Wow! Talagang alam na alam mo ang paborito ko. Hindi mo naman sinabing may lihim ka rin pagsinta sa akin." Nagsipagtawanan ang ibang mga kumakain sa sinabi ni Tope. Habang ako ay napaismid na lang. Ang lakas din ng tama niya, e. "Si Papita nagpatabi niyan at hindi ako." Natawa ako nang bigla nawala ang ngiti sa mga labi ni Tope. Napakamot pa ito sa batok. "May problema ba, Tope?" tanong ni Papita na mukhang sinakyan ang sinabi ko. Dahil ako naman talaga ang nagtabi ng pagkain niya. Baka kasi matuluyan kapag nagutuman. "Wala po Papita. Maraming salamat po." "Why do you need to follow here?" tanong sa akin ni Adam na ikinataas ko ng kilay. Problema ng amerikanong hilaw na ito? "Go back in the kitchen," utos niya pa. Aba! Akala mo kung sino, ah. Namaywang ako saka siya hinarap. "What is your problem to me? Don't you see, I-I—" Ano nga kasi 'yun. "She wants to see me," sabad ni Tope na ikinaikot ng aking mga mata. Masama siyang tiningnan ni Adam. "Hey, I'm joking only. Why your eyes like angry birds." Nagtawanan na naman sila. Pati ako ay natawa sa kalokohan ni Tope. "Who are you?" tanong ni Adam kay Tope na hindi inaalis ang angry birds look daw niya. "I'm Tope, Mira future boyfriend," mayabang niyang sagot na napa-ohhh sa mga kumakain. Ang lakas ng hangin. Ano ba nakain ng lalaking ito at parang ang taas ng kumpyansa sa sarili. Lalong kumunot ang noo ni Adam sa sagot ni Tope. Habang si Tope naman ay maganang-magana nang kumakain. "And who told you that she will be your girlfriend? Are you courting her?" tanong na naman ni Adam. Ano ba problema niya? At kung makapag-usisa akala mo naman close kami. Napansin ko na nasa amin na ang atensyon ng mga kumakain. Mukhang makikimarites pa yata sa nagaganap. Linunok muna ni Tope ang pagkain na nasa bibig saka uminom ng tubig. Hinarap niya si Adam. "Why you asking? Who you too?" Napangiti ako sa mga sagot ni Tope. Hindi ko alam na may ibubuga rin naman pala siya sa pag-e-english kahit papaano. "It's none of your business. And stop hoping that she will be your girlfriend, because she is…" Tiningnan ako ni Adam na sinalubong ko naman ng pagtaas ng kilay ko. Binalik niya ang tingin kay Tope. "She is lesbian." Nanlaki ang mga mata ko habang narinig ko ang singhapan ng mga tao. Si Tope naman ay tinitigan ako na para bang hinihintay niya akong kumontra. Pero bago ko pa maibuka ang bibig ko ay hinila na ako ni Adam pabalik sa kusina. Nakasimangot itong humarap sa akin. "Is he courting you?" Napatitig ako sa seryoso niyang mukha. Hindi ko nga narinig nang maayos ang tanong niya. Dahil naglalakbay ang aking utak sa napakagwapo niyang mukha na kahit nakasimangot ay mas lalo yatang lumakas ang appeal niya. "What? Answer me?" Dahil sa medyo paglakas ng boses niya ay nabalik ako sa aking ulirat. At doon ay naalala ko ang sinabi niya kanina. Ako? Tomboy? Namaywang ako saka pinanlakihan siya ng mga mata. "What did you say? Me?" Itinuro ko pa ang sarili. "Lesbian? Tomboy? Babae ang gusto? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?" Gigil kong tanong sa kanya. Pero imbes na sagutin ako ay nanatili siyang nakatitig sa mukha ko. Bigla tuloy ako nakaramdam ng concise—hindi ano kasi 'yun sa english 'yun nailang? Basta 'yun na. Malakas akong tumikhim para kunin ang atensyon niya pero ni wala man reaksyon ang gwapong mukha niya. Nanatili lang ang mariin niyang pagkakatitig sa akin. Hindi ko na nakayanan kaya naman sinampal ko ang face niya pero mahina lang naman. "Why did you slap me?" Kunot ang noong tanong niya sa akin. Pero ang mga mata ko ay nakatuon sa kamay ko na hawak-hawak niya. Ayun na naman ang puso ko na nag-thump-thump nang mabilis. Juice colored! Para aatakehin ako sa puso sa bilis ng pagtibok nito. Muli nagtagpo ang mga mata namin. At talagang nakakawala sa ulirat ang mga mata nitong bughaw. Magpapalamon na ba ako? "Mga taksil!" Ang boses ni Nognog ang pumutol sa aming titigan. Mabilis kong binawi ang kamay ko na hawak niya at lumayo rin. "Sabi ko na, e. Gumagawa lang talaga kayo ng dah—" Mabilis ko siyang nilapitan at tinakpan ang bibig niya. Ang lakas-lakas ng boses baka ano isipin ng mga tao sa labas na siguradong narinig siya. Eskandaloso ang nognog na ito. "Pwede ba ang bunganga mo! Para kang may microphone na nakasaksak dyan sa bibig mo," sita ko sa kanya. Inalis niya ang kamay kong itinakip sa bibig niya saka parang ewan lang na hinihingal. "Papatayin mo ba ako? Para ano? Maging malaya na kayo?" Mahina na niyang sabi pero ano daw? Baliw ba siya? Bakit parang lumalala ang saltik ng mga tao sa paligid ko. Kanina si Tope ang lakas ng Kumyansa sa sarili ngayon naman itong si Nognog na nangangarap yata ng gising. "Nalipasan ka ba ng gutom at tila nag-hahallucinate ka na dyan," inis kong sabi. Napahawak sa tiyan si Nognog. "Oo, hindi pa ako kumakain ng tanghalian. Tapos pagdating ko rito, ito pa maaabutan ko—salamat sa saging." Napailing na lang ako matapos kong isubo ang kinuha kong saging sa lamesa. Hindi pa nakabalat 'yun pero ang baliw nginuya na. Mababaliw talaga ako sa kanya. "Sabay-sabay na tayong kumain mamaya kapag umalis na ang mga kumakain. May pasok ka pa ba?" tanong ko sa kanya saka binuksan ang refrigerator upang maghanda ng aming tanghalian. Dati kasi kung ano matira ay 'yun ang kakainin pero mukhang ngayon ay mapapaluto ako ulit. "I go outside to help," rinig kong paalam ni Adam pero naramdaman ko naman na sinulyapan niya ako. May third eye kasi ako, char! "Ok, bro. You clean very good, ok." Napailing na lang ako sa sagot ni nognog na trying hard talaga sa pag-english. "Ano gusto mo kainin?" "Ako ba?" Humarap ako kay nognog. "Ay, hindi! 'Yung kaluluwa mo, baka sakaling sumagot," pilosopo kong sagot sa kanya. "Grabe ka naman sa akin, Mira. Porket may Afam ka na, ginaganyan mo na ako," pinalungkot niya pa talaga ang boses na parang aping-api. "Magluluto na lang ako ng ampalaya mukhang bitter ka, e." "Nooo!" Natawa ako sa mabilis niyang sagot at talagang hinila pa ako palayo sa ampalaya na kukuhanin ko sana sa may mga pinaglalagyan ng gulay. "Mira naman, e. Ang dami-dami pwedeng lutuin, ampalaya talaga. Gutom na gutom na ako, talaga gusto mo na ako mamatay 'no." Binawi ko ang kamay sa kanya. "Huwag kang o.a, nognog. Kahit isang linggo kang hindi kumain hindi ka mamatay," sabay irap ko sa kanya at muling bumalik sa ref upang maglabas ng manok. Adobo na lang para mabilis. "Ang sama mo talaga sa akin. Mababawasan ang kapogian ko kapag nangayayat ako. Bahala ka ikaw ang ituturo ko kapag tinanong bakit nabawasan ang—anong gagawin ko rito?" Nagtataka niyang tanong nang iabot ko ang tatlong sibuyas sa kanya. "Ilaga mo." "Mira—" "Natural hiwain mo at magluluto ako." Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi niya at sinimulan ko na ring ayusin ang ibang sangkap. Naglaga ako ng limang itlog, gusto ko kasi kumain ng itlog. Itlog ng manok. Inuunahan ko na ang marurumi n'yong isip. "Mahal naman kita pero bakit mo ako sinasaktan ng ganito," rinig kong bulong ni nognog, "kulang pa ba ang ibinigay ko? Ano pa ang kulang? Sabihin mo! Sabihin m—" "What are you doing?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Adam na hindi ko man lang napansin na pumasok pala. Hindi ako lumingon, nanatili ako sa mga itlog na sumasayaw sa tubig. Dancing egg, parang narinig ko na 'yun. Saan kasi? Ah, oo sa mga ofw kapag nagpapaluto raw ang mga boss nila ng nilagang itlog. 'Cook me a dancing egg' ganun daw. Natawa tuloy ako sa sarili kong kalokohan. "You no kita-kita? I cut this onion," sagot ni Nognog. Akala ko ay lumabas na ulit si Adam kaya ganoon na lang ang gulat ko nang magsalita siya mula sa likuran ko. "What are you cooking?" Huminto yata sa pagtibok ang puso ko sa gulat. Lalo na at pakiramdam ko ay ang lapit-lapit niya lang sa akin. Para bang isang maling galaw ko lang ay may magtatamaan na. "You really smell so good." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ako? Mabango? E, halo-halo na nga yata ang amoy ko dahil sa mga iniluto kong ulam. Tapos mabango pa ako. May sira yata ang pang-amoy niya eh. "Hey, Adam." Naramdaman ko ang paglayo ni Adam sa akin. "No dikit-dikit like that. Spaceship," natawa ako sa sinabi ni Nognog, "huwag kang tumawa dyan, ano ba dapat?" "Space lang 'yun, nognog," pagtatama ko sa kanya. "Ah, ok. Adam Space ok Capital S.P. — basta Space. Don't lapit-lapit to her." "Why? Is she your girlfriend?" "No, but I jellyfish, you know jellyfish? Like, one fish like one fish then another fish epal-epal to one fish." Mababaliw yata ako kay nognog sa mga pinagsasabi niya. Kaya bago pa ako mabaliw ay aawatin ko na sana siya nang mabingi ako sa sinabi ni Adam. "Then, you be the epal-epal, because I like Mira."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD