MIRACULOUS
HINDI AKO MAPAKALI at kanina pa paikot-ikot sa aking kama. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Adam kanina.
I like Mira!
Para sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko. Matapos nga niyang sabihin 'yun ay nawala na yata ako sa sarili. Hindi ko nga alam paano ako natapos magluto. Sabayan pa nang pang-aasar ni Nognog. Buti na lang at hindi niya ikinuwento kina Papita. Sobra pa akong na-conscious—Oo alam ko na, sinearch ko kanina. Habang kumakain kasi kami ay hindi yata naalis ang titig niya sa akin.
Napabalikwas ako ng bangon.
"Hindi pwede ito. No! Hindi siya ang para sa akin, may iba pang nakalaan. I need to move, move it, move it," iginalaw ko pa ang katawan ko para gumiling—danceritas kaya ako.
Kailangan ko makaisip ng paraan para mawala sa isip ko si amerikanong hilaw. Ipinatong ko ang mga daliri sa may baba ko saka itinapik-tapik 'yun habang nakatingala at nakipagtitigan sa kisame.
"Ay palakang buntis," malakas kong tili nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng silid ko at iniluwal ang pinaka-scary esteh mabait kong friendship. Napahawak pa ako sa aking dibdib na hindi kalakihan pero hindi rin maliit. Medium size ba, ganon. Pero mabalik tayo sa friendship ko. Masama ang tingin ko na nilingon siya. Kung nakakamatay lang ang tingin, sigurado dedo na siya.
"Huwag mo ako tingnan ng ganyan, Friendship."
"Na ano?"
"Na para bang kakainin mo ako ng buhay. Maawa ka hindi ko pa natitikman ang luto ng Diyos." Napangiwi ako sa sinabi niya. "Friendship!" Napatakip ako ng tainga dahil sa sigaw tili niya. Parang ang layo-layo ko. Sumampa siya sa kama at humarap pa sa akin. "I think I'm inlove, friendship. Siya na talaga. Siya na ang aking mr.right."
Nasapo ko na lang ang aking noo. Heto na naman kami. Ilang beses na ba niya sinabi ang mga katagang 'yun.
"Kanino na naman?" kaswal ko lang na tanong sa kanya. Nag-twinkle-twinkle little star pa ang mga mata niya na talagang inlababo. Sarap ipamukha na walang forever. Oh, bakit ka natawa? Tinamaan ka ba?
"Si Andy, ang gwapo niya talaga tapos grabe ang katawan napaka-yummy," bakas ang kilig sa boses niya.
"Andy? Ano apelyido naman niyan?" wala sa sarili kong tanong.
"Lim, ang apelyido niya," mabilis niyang sagot na kinikilig pa.
Napakunot naman ang noo ko. Lim? "Andy Lim?"
"Anong ang dilim? Nakabukas ang ilaw mo tapos sasabihin mo ang dilim? Okay ka lang ba?" Hinawakan niya pa ang leeg ko na hinawi ko lang.
"Hindi ko sinabi na ang dilim. Binigkas ko ang pangalan ng jowa o kung sino man 'yan sinasabi mo." Nakita kong natigilan siya saka tila napaisip. Maya-maya ay namilog ang mga mata niya at mangha-mangha pang tumingin sa akin.
"Oo nga 'no. Andy Lim," malakas siyang tumawa. Slow din kasi minsan itong kaibigan ko, e. "Ang cute, 'no? Andy Lim ng buhay niya at ako ang magbibigay ng liwanag." Parang meralco lang?
Napaismid na lang ako sa banat niya. Ganito ba talaga nagagawa kapag inlab? Pero, bakit parang kada linggo inlab ang babaeng ito. Ganon ba kabilis tumibok ang puso niya. Nang maalala ko ang pagtibok ay bigla ako napahawak sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Bigla ko na naman naalala kung paano ito tumibok-t***k na parang t***k-t***k ay mali pala. Basta tumitibok nang mabilis kapag nasa malapit si Adam.
"Tigil-tigilan mo ako sa kabaduyan mo. Ano ba kasi ginagawa mo rito?" Pagtataray ko sa kanya saka ako bumangon at namaywang sa harap niya.
Ngumuso naman siya na akala mo naman ay ang cute-cute tingnan. Mukha siyang si chaka doll.
"E, kasi friendship. Itong si Andy my lalabs, 'yung kaibigan niya nagpapahanap din ng jowa. Kinukulit ako ayaw maniwala na wala akong kilala na kasing ganda ko." Tumikwas ang kilay ko sa sinabi niya. Talaga ba? "Tapos naalala kita…" Naging christmas light na naman ang mga mata niya. "Hindi mo naman gusto si Adam 'di ba? So, baka gusto mo siya i-try. Koreano ito friendship, oh, 'di ba bongga! Para lang tayo nasa k-drama," kinikilig niyang kwento.
Bigla ako napaisip. Oo nga pala, gusto kong mawala sa isip ko si Adam. Dahil naniniwala ako na wala sa kanya ang aking future. Napangisi tuloy ako. Minsan may pakinabang rin pala ang friendship kong ito.
"Anong inginisi-ngisi mo dyan? Para kang tanga dyan. Ano payag ka ba?" Nakasalampak na siya ng upo sa kama ko habang hawak ang cellphone at tila may ginagawa.
Tumabi ako sa kanya at nakiusyoso sa ginagawa niya. Napakunot ang noo ko habang binabasa ang convo niya sa kung sino mang halimaw esteh ka-chat niya.
Friendship: She said yes. You see her picture, beautiful like me and fresh from the farm.
Hindi ko napigilan matawa sa nabasa ko. Parang gulay lang kami na ibinebenta. Nang marinig niya ang pagtawa ko ay sinamaan niya ako ng tingin. Nagkibit balikat lang din ako saka itinuloy ang pakikipag-usyoso sa kanyang ka-chat na
JINJANG ang pangalan.
Jinjang: Yes, she's more beautiful than you. Tell her, I will message her now."
Tuluyan na akong natawa nang malakas dahil sa pagsimangot ni Jeena. Sino ba hindi maiinis kung ipamukha sayo na mas maganda ang ipinakilala mo?
"Aray ko, friendship," daing ko nang hampasin niya ako. Ang bigat ng kamay pa man din niya parang bakal.
"Huwag kang tumawa, magiging broken ka forever," asar niyang sabi sa akin.
Pinagdikit ko ang mga labi ko para pigilan ang aking pagtawa pero hindi ko talaga mapigilan sa sunod na nabasa ko.
Jinjang: Don't show it to Andy, maybe he will like her too. Andy like her type.
Malakas na sigaw ni Jeena ang tuluyan nagpakawala sa tawa ko.
"Nakakatawa? May nakakatawa doon, friendship? Ang kapal ng mukha. Hinanapan ko na nga nilait pa ako. Ayoko na sa kanya for you. Hanap tayo ng iba." Hindi na maipinta ang mukha niya kaya naman inakbayan ko siya.
"Huwag ka na magalit friendship. Sige ka ang beauty mo, oh." Inismiran niya lang ako pero tiningnan naman ang sarili sa baong maliit na salamin. Hindi nawawala 'yun sa kanya. Dapat raw kasi ay laging alerto may baon din siyang lipstick or lip balm ba 'yun basta saka powder na inilagay niya sa may panyo. Ayaw magbitbit ng bag kaya ganoon lang para kasya daw sa bulsa.
"Bawal ako ma-stress, magkikita pa kami ni Andy," sambit niya na ikinabilog ng aking mga mata.
"Wow? Talaga? Kailan? Saan? Sama ako," sunod-sunod kong tanong sa excited na boses. Ewan ko sadyang ipinanganak yata ako para maghabol sa mga ibang lahi na ito. 'Yung adrenalin ko biglang nabubuhay.
"Ayoko nga! Nabasa mo ba 'yung sinabi ng hilaw na koreanong 'yan! Nilait-lait ako. Saka bawal ka sumama sa akin baka mamaya, imbes na ako ang ka-date mapunta pa sayo," sambakol ang mukha niya habang sinasabi ang mga 'yun.
"Friendship naman, behave lang ako, promise!" Itinaas ko pa ang kaliwang kamay ay kanan pala dapat para ipakitang nagsasabi ako ng katotohanan at pawang katotohanan lamang. "Malay mo scamer 'yan, first time mo pa man din makipag-meet not like me na expert na ako at alam ko na agad kung s—"
"Expert? Tinatawag mong expert ang sarili mo? Anyare? Bakit may Adam na naligaw dito sa kalye natin?" Putol niya sa iba ko pang sasabihin.
Bigla akong napasimangot nang ipaalala niya sa akin ang amerikanong hilaw na 'yun. "Pwede ba friendship, hayaan na natin siya. It's an unfortunate accident lang." Napangiwi ako sa aking sinabi, meron bang ganun? Ah basta, isa siyang malaking ekis sa akin. "Isama mo na ako, please. Bored ako," nagpa-cute pa ako sa kanya.
"Tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo. Hindi mo ikinaganda ang pag-beautypul eyes mo dyan. Mukha kang manika na de-kontrol." Hindi pa siya nakuntento sa panlalait at itinulak pa ako. Ilaglag ko kaya siya sa bintana ng kwarto ko. "Pero sige na nga, isasama na kita. I need support, friendship." Sabay pa kaming tumiling dalawa at nagyakapan. Para kaming mga baliw na nasa loob ng mental.
DAHIL madadaanan namin ang canteen bago makarating sa kanto kung saan kami mag-aabang ng dyip ay napilitan akong dumaan upang magpaalam kay Papita.
Pagkapasok ko pa lang ay rinig na rinig ko na ang malakas na tawa ni Mamita Venus. Napailing na lang ako nang makita siya kausap si Adam. Nagkakaintindihan kaya ang dalawa.
"Papita," agaw ko sa atensyon ni Papita na abala sa kung ano kinukwenta niya. Nag-angat siya ng tingin at nagtatakang tiningnan ako. Nakabihis kasi ako, natural dapat pretty.
"Saan lakad mo?" tanong agad ni Papita.
"Sasamahan ko lang po si Jeena sa may BJ mall."
"Anong gagawin niya doon?" tanong muli ni Papita. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Hindi naman masyado mausisa si Papita kapag nagpapaalam ako pero ngayon para na itong isang imbestigador. "Huwag mo akong tingnan ng ganya. Sagutin mo ang tanong ko."
Napanguso tuloy ako saka hinawakan ang dulo ng damit ko. Kung iba makakakita sa akin ay baka pinagtawanan na ako sa ayos ko na parang bata na nagpapaalam na gustong makipaglaro sa labas sa katanghalian ng araw.
"Papita, you let her na. I will kita-kita a koreano today," sabat ni Jeena na siya na rin sumagot sa tanong ni Papita. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Papita. .
"Ikaw ang makikipagkita, Jeena? Hindi ba si Mira?" Nagdududang tanong ni Papita.
"No. No. No. Papita. It's me, only by myself. I will kita-kita my love of life." Nagkislapan na naman ang mga mata niya at tila nilamon na naman ng kanyang malawak na imahinasyon.
Napaismid na lang ako. "Papita, alis na po kami," muli kong paalam.
"Are you not afraid of meeting a person you did not know?" Sabat ni Adam na nakalapit na sa amin. Kasunod niya si Nognog at Mamita Venus na kung makatingin sa amin ni Jeena ay parang ang laki ng aming kasalanan.
"No, he is my love," mabilis naman depensa ni Jeena.
"Love? But the first meeting? Is that really possible?" Patuloy pa ring usisa ni Adam na hindi ko alam kung ano ba problema niya.
"True. I always said that to them. They no paniwala me. How you love love the person you no kita in person," nakisabat na rin si nognog at tila may pinaglalaban din.
"You know Adam, these two ladies need to wake up. Next time I will tapon na malamig na tubig sa face nila to wake them up. Gosh! I'm stressing myself." Ibinukas pa ni mamita Venus ang pamaypay niyang hawak saka mataray na sinimulan pagalawin 'yun.
"Pwede ba, tigilan n'yo nga kami sa mga kadramahan n'yo. 'Yan napapala n'yo sa kakapanood ng mga teledrama sa tv. Halika na nga Jeena, umalis na tayo." Hinila ko na si Jeena para lumabas. Bigla kasi ako nainis dahil sa dami nilang sinasabi.
Oo, alam ko naman na delikado ang ginagawa namin pakikipag-meet sa nakilala lang namin sa f*******:, sa mga dating apps at kung ano-ano pa. Pero alam din naman namin kung paano pangalagaan ang aming sarili. Kaya nga sa mall ako lagi nakikipagkita para sure ang safety at hindi sa kung saan gusto nila.
Nakakainis lang kasi na ginagawa pa kaming bata. Kasalanan ni Adam 'yun dahil siya ang nagpasimuno sa mga tanungan na 'yun. Ang pinagtataka ko kailan pa naging close si nognog at mamita Venus kay Adam parang mag-second to the opinion sila rito.
"Ui, friendship, ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Jeena na kinalabit pa ako sa braso. Nandito na kami sa kanto at naghihintay ng dyip.
"Ayos lang ako."
"Huwag mo nga seryosohin ang sinasabi nila. Ikaw naman parang hindi ka na sanay sa mga ganitong patutsada nila."
Sinulyapan ko lang siya na busy sa kung sino man ang ka-chat nito sa cellphone. Multi-tasking talaga ang drama niya. Habang kinakausap ako ay may kausap rin na iba. Humalukipkip na lang habang naghihintay.
Nang may nakita na akong paparating na dyip ay siniko ko na si Jeena na busy pa rin sa cellphone niya. "Tara na."
Nang huminto ang dyip ay sumakay na kami muntik pang matisod si Jeena dahil nasa cellphone pa rin ang mga mata niya. Mabuti na lang at 'yung kanto namin ay kung saan nagsisimula kumuha ng mga pasahero kaya hindi agad puno at hindi namin kailangan makipagsiksikan.
"Diyan ka na sa tabi ni mira, 'tol." Mabilis akong napalingon nang marinig ang pangalan ko at ang pamilyar na boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Adam sa tabi ko habang si Nognog naman ay katabi naman niya.
"Anong ginagawa n'yo rito?" Rinig kong tanong ni Jeena na sa wakas ay inalis ang mga mata sa cellphone. Narinig din siguro niya ang boses ni nognog.
"Bakit dyip n'yo?" Pilosopong sagot ni Nognog at ngumisi pa. Sarap ipasagasa sa ten wheeler truck.
Inirapan ko si Nognog saka napalingon kay Adam na may pinipigilang ngiti. Tumikwas ang kilay ko saka inirapan rin siya.
"Manong, bayad po, apat sa BJ mall." Muli akong napalingon kay nognog nang mag-abot siya ng bayad. Apat? Napalingon ako sa mga kasama namin sa dyip wala naman ako mamukhaan na kakilala niya. "Pambabayad ko na kayo ni Jeena at nakakahiya naman sa inyo. I'm gentleman, you are welcome." Yumuko pa siya na parang tanga lang. May balak ba siyang tumakbong kapitan?
"We will go with you," bulong ni Adam sa may tainga ko nang magsimulang umandar ang dyip. Nabingi yata ako sa sinabi niya.
Ano raw?
Sasama sila sa amin?
Anak ng sampung bibe!