Parang wala lang ako sa harapan nila kung magpakita sila ng ka-sweet-an. “Ikaw. Kahit anong gusto mong panoorin,” malambing na saad ng lalaki sa ka-date niyang babae. “Tara na. Bilisan na natin,” anyaya ng babae sa lalaki habang naroon lang ako sa harap nila. Para namang bata ang babae na nagmamadali. Ang arte. Naglakad na sila at umakyat papaunta sa taas ng mall kung saan naroon ang sinehan. Di ako umalis sa aking kinatatayuan at tiningnan lang kung saan sila papunta. Ano pa bang gagawin ko? May kasama naman pala syang iba at pinamumukha pang mayka-date talaga syang iba. Pinipigilan kong maluha. Hindi pwede dahil public place iyon. Rome: Sumunod ka. (Text ng lalaki sa akin.) Bakit pa ako susunod? May ka date naman pala syang iba. Nakakaloko ha. Nag-ayos ako at naghintay tapos gani