“Ingatan mo ang anak ko Rome,” sabi ni Daddy sa binata. “Di pa nga po ako um-oo dad,” sabat ko dahil parang ina-assume na talaga nito ang pag-oo ko. “Ayaw mo ba?” tanong ni Rome sa akin at nagkatitigan lamang kami. Ano nga bang isasagot ko sa kanilang lahat? Natakot akong sabihin niyang may nangyari na sa amin. Natatakot akong mag iba ang tingin sa akin ng aking mga magulang kung malalaman nilang nagsiping na kami ng lalaking ito. Hindi lang isang beses kundi dalawa pa. Nakakahiya kung malalaman ni Tito na nakuha na ako ni Rome noon pa. “Ok,” napasagot ako agad. Gusto ko ring sya na ang makasama ko dahil sya ang nakauna sa akin. Payag na rin ako dahil ayoko na ng ibang lalaki. Ayoko na nang may iba pang makasiping. Ang una ko ay ang huli na rin. Tsaka baka tsismoso sya at ipagkalat yu