Mhina KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Gusto ko sanang bumangon ng maaga dahil plano kong mag-jogging sa labas pero ang may sapi kong asawa ay nakayakap ng mahigpit sa akin. Nakasubsob pa ang mukha niya sa leeg ko at nararamdaman ko ang lalim ng kanyang paghinga. Napakahimbing nang pagkakatulog niya. Mukhang napagod na naman siya sa buong magdamag naming pagniniig kagabi. At mukhang wala na rin siyang palalampasin pang mga gabing daraan sa amin simula ngayon. Sana nga lang ay ganito na lang siya palagi. Nagkunwari akong kagigising lang at umayos nang pagkakahiga. Kumilos din naman siya nang maramdaman niya ako ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Gusto yata ng lalaking ito na ibaon na niya ako sa katawan niya! "D-Daemon, naiihi ako," mahina kong sabi sa