Chapter 21

1574 Words

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sakit ng ulo, kaya sapo-sapo ko iyon nang mapaupo ako sa kama. Idamay mo pa iyong telepono na paulit-ulit sa pag-ring. Tch, sino ba 'yon? Ang aga-aga namang mambulabog. Binalingan ko si Reece na mahimbing pa rin ang tulog sa tabi ko at doon ko lang naalala iyong nangyari kagabi sa bar. Fuck! Nakatulog nga pala ako at hindi na namalayan kung sino ang nagdala sa akin dito sa unit. Napahinga ako nang malalim at kamuntikan pang madapa nang makababa ako sa kama. Dala ng alak kagabi ay sobrang sakit ng lalamunan ko, pati ang paningin ko ay nanlalabo pa rin hanggang ngayon. Nahihilo rin ako kaya minabuti ko munang dumeretso ng kusina upang kumuha ng isang basong tubig. Halos laklakin ko iyon dahil masyadong natutuyo ang lalamunan ko, para akong namalat at pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD