Chapter 23

1549 Words

Kumain lang kami ng tanghalian ni Reece sa baba at mabilis ding umakyat patungong private room ni Third. Sa pagpasok ay naroon pa rin si Myles, tahimik lang na nakaupo sa sofa habang ang dalawang kamay ay naka-rest sa kaniyang hita. Nilingon nito ang gawi namin at dahil hawak ko na lang sa kamay si Reece ay nagbaba siya ng tingin dito. Doon ay tinitigan niya ang anak ko, ilang sandali pa nang mapangisi ito. "Hindi nga maipagkakailang anak 'yan ni Third. Kuhang-kuha pati hugis ng mukha," masayang sambit niya. Kahit papaano ay nakakahinga ako nang maluwag, dahil maging siya ay hindi pinagdududahan ang anak kong si Reece. Wala nga itong naging palag nang sabihin kong girlfriend ako ni Third. Mayamaya pa nang yumuko ito upang mapantayan ang mukha ni Reece nang makalapit kami sa pwesto niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD