DUBAI AIRPORT Yinakap ng mahigpit ni Dianne si Micah, hindi napigilan ng dalawa na umiyak. “Kelan ka ba uuwi ng Pinas, pag uwi mo ng Pinas, magbabakasyon rin ako para magkita tayo,” ingos ni Dianne na pinusan ang pisngi ng kaibigan. Nagpunasan sila ng mga pisngi na hilam sa luha. “After six months siguro o one year, papaalam ako kay boss, para makita ko din mga anak ko. Para sa kanila naman tong lahat eh.” “Basta ha, magkikita pa tayo…Thank you dahil andiyan ka, nakaya ko dito na mag-isa dahil may kaibigan akong tulad mo.” “Grabe ka naman, Dianne. Kahit wala siguro ako, kaya mo. Isa ka sa pinaka strong na babae na nakilala ko. At salamat din, sa lahat lahat, naibsan lahat ng lungkot ko dahil may kaibigan akong malalapitan.” Ilang minuto pa ay tinawag na sil