ALAS DIYES NA NG GABI at nasa dining table si Dianne. Hinipan na lang niya ang maliit na cake na binili niya sa sarili. May nakahandang spaghetti at niluto niyang adobo at kare-kare, may mga nakahiwang prutas. She wished a silent prayer, na sana dumating na si Rick. Hindi pa kasi nito nasi-seen ang message niya, siya na mismo ang nahiya sa pag-miscall dito ngunit kahit nahihiya na siya ay nag-miscall pa rin siya. Nag ring ito matapos ay biglang hindi na ma-kontak. Pinilit na lang niyang magpaka-chill kahit sa totoo lang ay hindi na niya talaga makontrol. “Sana okay lang siya, sana okay lang…” hingap niya. Pero bakit parang sa araw na maligaya sana siya at nakangiti lang ay napuno at napalitan ng pag-aalala at inis? Sa sobrang pag-aalala niya ay nauwi na sa inis ang nararamdaman niya.