“BOSS MO BA TALAGA YUN?” silip ng ina niya sa bintana ng inupahan nilang taxi ng maunang mapababa na si Jordan sa hotel na tutuluyan nito. Nasa harapan ng taxi si Jordan kasama ang drayber at ito na ang nagprisintang bayaran pati sila hanggang sa kanto nila. “Oo ma, nagba-bakasyon lang din yun dito kaya wag na kayong bumuo ng kung anu-ano sa utak niyo,” saway nito. “Gwapo yun anak, bakit hindi na lang yun?” Napailing nalang siya. “Ikaw talaga ma.” Kinukulit rin siya ng kapatid niya kung ano ang dala niyang pasalubong pero sinabi lang niya na secret. “Ay naku si Tinay, umabsent lang para makita ka talaga,” sumbong ng mama niya. “Siyempre, si ate na yan. Matagal ko na syang hindi nakikita, eh.” “Aww,” yinakap niya ang kapatid. “Oh siya, so