“BA’T NAMAN GANIYAN, anak, hindi naman kita pinalaki na para maging kabit,” umiiyak ang nanay niya sa kabilang linya. “Hindi pa ba sapat sa iyo na andiyan na si Sam?” “Hindi niyo po naiintindihan ma,” esplikar niya. “Ako po ang niloko ni Sam! Niloko niya ko-“ “Pero bakit nakiki-apid ka? May asawa o girlfriend na ang kinakasama mo ngayon, pero hindi mo sinabi sa amin. Tinago mo yan nak, kelan pa kita pinalaki na ganiyan?” “Ma, hindi niyo ba ‘ko naririnig? Niloko ako ni Sam. Kilala niyo si Kaye? Nagtaksil sila ni Kaye at tinago niya sa akin!” “Pero hindi naman ibig sabihin non nak na gagawa ka rin ng masama. Nagsasama na ba kayo ng lalaki mo ngayon, nak?” garalgal na boses ng ina niya na mukhang iiyak ulit. “Nak, andito lang ako, sana sinabi mo sa akin.”