Chapter 29 Clay Hayes Nagmamadali akong lumayo sa mga tao para sagutin ang tawag. Hindi pa ako nakakalayo nang bigla na lang may sumabog. Kinulukob ng kaba ang dibdib ko nang makita ang mga taong hindi magkandamayaw sa pagtakbo. F*ck! Si Suzanne! Agad akong bumalik kung saan ko siya iniwan kanina pero hindi ko na siya makita. Naalala ko pinapapunta ko siya sa booth ng mga estudyante niya. Agad akong tumakbo papunta ro'n. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanya. "Prime, sa'n ka pupunta? Delikado ng pumunta ro'n," Sabi ni Sebastian nang makasalubong ko. "Si Suzanne, pinapapunta ko siya ro'n sa booth nila," "Nando'n lang kami ni Richard bago pa may sumabog. Hindi ko siya nakita ro'n," Sh*t! Sh*t! Nasa'n ka na Suzanne? "Nasa'n si Richard?" "Tumulong n