Chapter 4

1649 Words
Chapter 4 Suzanne Medina Magkahalong takot at pag-alala ang bumalot sa 'king dibdib habang sinusundan ko ng tingin si Papa na sinalubong ang lima ka lalaki na bumaba mula sa itim na van na huminto sa harap ng gate namin. Sino ang mga ito? Sila ba 'yong tinutukoy ni Papa na gustong kumuha sa'kin? Bakit sinalubong pa sila ni Papa? Hindi ba dapat nga ay magmamadali na kaming umalis ngayon? Nakita kong may sinasabi si Papa sa mga ito pero ang mga lalaking kausap niya ay hindi ko nakikitaan ng kahit anong pagtutol o pagsang-ayon, ni hindi nga sila kumikibo. Base sa nakikita ko wala silang pakialam sa mga sinasabi ng ama ko. Nakatitig lang sila kay Papa na walang ka-ekspre-ekspresyon sa kanilang mga mukha. Nanginginig at napahigpit ang kapit ko sa bestidang suot nang makitang lahat sila maliban kay Papa ay nakatingin ng diretso sa direksyon ko. Bakit sila nakatingin dito? Kahit tinted itong kotse namin pakiramdam ko tumatagos ang mga tingin nila sa 'kin na parang nakikita nila kung ano man ang ginagawa ko sa loob. Napasinghap ako nang makitang hawak ng dalawang lalaki si Papa sa magkabilang balikat at sapilitang pinapaluhod sa harap ng isa pang lalaki na sa tingin ko ay siyang leader nila. "Papa," Naluluhang sambit ko. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang makitang papalapit ang dalawa pang lalaki sa direksyon ko. Anong gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng patakbuhin na lang ang kotseng 'to at iwan si Papa sa kamay ng mga demonyong 'to baka kung ano pang gawin nila kay Papa kapag umalis ako. Inilipat ko ang tingin ko kay Papa sa di kalayuan at sininyesanan niya akong tumakas. "I'm sorry, Pa. Hindi ko kayang iwan ka," Mahinang sabi ko. Nanlaki ang mata ko nang biglang bumukas ang pinto ng kotse sa tabi ko. Bumungad sa 'kin ang walang ekspresyon na mukha ng lalaki. "Bumababa ka na r'yan, Miss kung ayaw mong kaladkarin pa kita palabas d'yan," "Princess, 'wag kang bumaba. Tumakas ka na," Napalingon ako kay Papa at na sakto naman sa paglingon ko na sinuntok siya sa tiyan ng lalaking leader. "'Wag niyong saktan ang Papa ko," Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Matanda na si Papa at marami na siyang iniindang sakit. "Hindi lang isang suntok ang matatanggap ng ama mo kong hindi ka pa lumabas d'yan baka mapatay pa namin siya," Nakangising sabi ng lalaki. Nanlalamig at nanayo ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Mapatay? Si Papa? Wala ba silang ama kaya madali lang para sa kanila ang sabihin at gawin ang gano'ng bagay? "Princess, umalis ka na!" Sigaw ni Papa. Muli na namang nakatanggap ng isa pang suntok si Papa. "Ang dami mo pang arte lumabas ka r'yan!" Sabi nong lalaki saka hinatak ako palabas ng kotse. "'Wag niyong saktan ang anak ko," Sabi ni Papa. Maluha-luha akong napatingin kay Papa. Siya na nga 'tong nasa mas mahirap na kalagyan, kapakanan ko pa rin ang iniisip niya. "Kaya naman pala nagmamadali kang tumakas napakaganda at napakakinis naman pala nitong anak mo," Sabi ng lalaking kumaladkad sa 'kin. "Parang awa niyo na, 'wag niyo ng idamay pa ang anak ko rito. Diba sinabi ko sa inyo at sa boss niyo na magbabayad ako," "Papa," Mahinang sabi ko. "At diba sinabi rin sa 'yo ni Boss na hindi na niya kailangan ng pera mo. Itong maganda mong anak ang hinihingi niyang kabayaran," Sabi nong lalaki. "Pasalamat ka pa nga Tanda at kursanada ni Boss itong anak mo kung hindi matagal ka na niyang pinapabura sa mundong 'to," Sabi pa niya. "Patawarin mo ako, Princess," Nakatitig lang ako kay Papa parang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso ko nang makita ang luhaan niyang mga mata. Buong buhay ko ngayon ko lang nakitang umiyak si Papa ng ganito. Bakit sa amin pa nangyari 'to? "Tama na 'yang drama na 'yan. Isakay mo na ang babaeng 'yan kanina pa 'yan hinihintay ni Boss," Sabi nong lalaki. "Halika na," Mabilis akong kinaladkad ng lalaki papunta sa van na sinakyan nila. Nalampasan pa namin si Papa na hawak pa rin ng dalawa. "Hindi ako sasama sa inyo." Nagpupumiglas at pinagsusuntok ko ang braso ng lalaking kumakaladkad sa 'kin. "'Wag niyong kunin ang anak ko! Princess!" Napalingon muli ako kay ay Papa na kasalukuyang pinagtutulungang bugbugin ng dalawang lalaking may hawak sa kanya. "'Wag niyong saktan ang Papa ko parang awa niyo na," Sigaw ko pero parang walang narinig ang dalawa at patuloy pa rin nilang binugbug si Papa. Parang pinagpiraso-piraso ang puso ko habang pinagmamasdan si Papa. Kailanman hindi sumagi sa isip ko ang ganitong scenario. "Kung sasama ka sa :min ng matiwasay hindi na bubugbugin ng mga kasamahan ko ang ama mo," Sabi ng lalaking may hawak sa 'kin. "Anak!" Sigaw ni Papa habang inaabot ako. Pinikit ko ng mariin ang mata ko. May naisip na akong paraan para tigilan na nila si Papa. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng desisyon kong ito pero sana maging maganda ang kalalabasan kahit sa parte na lang ng Papa ko, 'wag na lang sa akin. Ang importante tigilan na nila si Papa at hayaang makaalis. "Tama na! Sasama na ako sa inyo 'wag niyong saktan ang Papa ko," Sigaw ko na siya namang ikinatigil ng dalawa. Gulat ang rumirehistro sa mukha ng Papa ko na may kasamang takot. Ningitian ko lang siya para sabihing ayos lang ako. "Kung kanina mo pa sinabi 'yan hindi na sana nabugbug ng husto ang Papa mo. Bitiwan niyo na ang matandang 'yan," Sabi nong lalaki na nasa tapat ni Papa. Mabilis na binitawan ng dalawang lalaki si Papa dahilan na mapasalampak ito sa sahig. Nang maramdaman ko ang pagkaluwag ng pagkakahawak sa akin kaya wala akong sinayang na oras at tinakbo ko agad ang distansya namin ni Papa. Inalalayan ko siyang mapaupo para magka-level kami. Naiiyak ako habang hinahawakan ang mukha ni Papa na nagsimula ng umitim dahil sa mga natamong suntok at may mangilan-ngilang sugat na nagsimula ng dumugo. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang ganitong eksena sa buhay namin. Hindi ko alam kung bakit ang pamilya ko pa ang sinubok ng ganito. Marami naman d'yang iba na mas masama pa ang ugali. "Princess, hindi mo kailangan gawin 'to. Ako ang may kasalanan kaya ako lang dapat ang magbabayad," "Papa, 'wag mo ng isipin 'yon. Pamilya tayo, ang pamilya nagtutulungan. Papa, salamat sa lahat-lahat. Mahal na mahal ko po kayo ni Mama," Mariin kong kinabisa ang mukha ni Papa. Nararamdaman kong matagal pa kami muling magkita. "Pasensiya at puputulin ko na ang reunion niyong mag-ama. Halika na Miss kanina ka pa hinihintay ni Boss," Muli naman akong kinaladkad. "Princess!" Hahabol pa sana si Papa nang pigilan siya ng dalawang lalaki may hawak sa kanya kanina. "Mahal kita, Papa kaya gagawin ko ito alang-alang sa kaligtasan mo, niyo," Hinahayaan ko na lang na lumandas ang mga luha ko hanggang sa maipasok nila ako sa van. Hindi lang pala sila lima, may tatlo pang lalaki pa pala rito sa loob ng van. Ang isa nasa driver seat at ang dalawa ay nakaupo sa pinakalikod. Wala pa rin pala kaming takas ni Papa kung sakaling pinilit naming umalis kanina baka walang ganitong eksenang mangyayari, baka nga pareho kami ni Papa na mawala sa mundong 'to. "Ngayong nandito na ako kasama niyo, nakikiusap ako 'wag niyo ng saktan ang Papa ko at hayaan niyo na siyang makaalis ng matiwasay," Kahit nanginginig ay pinilit ko pa ring sabihin ang mga katagang 'yon alang-alang kay Papa. Upang tigilan na siya ng mga taong 'to. "Bitiwan niyo na si Tanda at umalis na tayo," Sabi nong lalaking katabi ko. Nakatingin lang ako kay Papa. Napasinghap ako nang bigla siyang nabuwal matapos siya bitiwan ng dalawang lalaki. Bumukas ang pinto ng van at pumasok ang tatlong lalaki. 'Yong dalawang may hawak kay Papa kanina at 'yong leader. "Bilisan mo ang pagmamaneho. Masyado na tayong nagtatagal dito baka inip na inip na si Boss at pinagbabaril na kung sino man ang makita niya ro'n sa mansyon," Sabi nong leader. Napaigtad ako sa kinauupuan ko. Gano'n ba kawalang puso ang Boss nila? Papatay talaga kapag nai-inip. "'Wag kang magsalita ng ganyan leader tingnan mo si Miss Beautiful namumutla na," Sabi nong lalaki nakaupo sa likod. Naramdaman kong pinaandar na nito ang van. Muli akong napatingin sa kinaroroonan ni Papa. Agad dinumbol ng kaba ang dibdib ko nang makitang hindi na gumagalaw si Papa habang hawak ang dibdib nito. "Sandali! Ang Papa ko," Pilit kong binubuksan ang pinto ng van sa tabi ng leader ngunit hindi ko ito mabuksan. "'Wag ka ng magtangka, Miss hindi ka na makakababa rito," "Parang awa niyo na. Hindi na gumagalaw si Papa baka kung ano na ang nangyari sa kanya," Hindi ito pwede. Pilit ko pa rin binuksan ang pinto kahit na binibigyan ako ng nagyeyelong tingin ng leader. "Drew, tayo na," Mariing sabi niya. "Sandali lang, 'yong Papa ko. Dalhin na muna natin siya sa ospital baka napano na ang Papa ko," Hindi nila ako pinakinggan hanggang sa hindi ko na matanaw ang kinaroroonan ni Papa. "Wala akong pakialam sa Papa mo. Bilisan mo na ang pagmamaneho nang makauwi na tayo," Sabi nong leader "Ang sama-sama niyo. Mga hayop kayo," Pinagsusuntok ko 'yong leader na parang wala lang naman nito ang suntok ko. Hindi ko inalintana na baka patayin ako nito sa pinaggagawa ko. Ang importante sa 'kin ay mapuntahan ang ama ko. "Hindi ko kayo mapapatawad kapag may mangyaring masama sa Papa ko," "Leader, patahimikin mo na nga 'yang babaeng 'yan. Ang ingay-ingay hindi ako makatulog," Sabi nong isa pang lalaki sa likod. Mayamaya'y bigla akong nahilo at namimigat ang mga mata ko. Anong nangyayari sa 'kin? "Anong ginawa niyo sa 'kin?" Wala akong nakuhang sagot instead ningisan lang niya ako. Masama 'to. Hindi ako pwedeng makatulog. Bago ako tuluyang sinakop ng kadiliman nakarinig ako ng isang pagsabog at sunod-sunod na mura mula sa mga kasamahan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD