Chapter Two

2456 Words
Chapter Two Kinagabihan ay muling bumalik sina Regiena sa kaulapan. Nagpahinga siya sa kanyang tahanan na gawa sa walang bahid dungis na mga ulap hanggang sa dinalaw siya ng antok habang nakadukdok sa unang sa ulap din ang yari. Masyado siyang napagod sa unang araw ng kanyang pagsasanay bilang anghel dela guardia. Isang hindi inaasahang panaginip ang dumalaw sa kanyang pagtulog. “Bakit ba nila tayo pinagbabawalang umibig?” lumapit si Regiena sa likod ni Jelor. Makahulugan niyang hinaplos ang mga balikat nito. “Mahal kita.” Bulong niya rito. Matagal na silang umiibig sa isa’t-isa ngunit saksi ang langit sa bawal na pag-iibigan. Hindi nila iyon mailabas. Sinisikil nila ang kanilang mga damdamin. Mga lihim na pagtatagpo. Nakaw na halik at mga patagong pagkikita. Ang mga iyon lang ang kaya nilang ibigay sa isa’t-isa. Limitado. Bantay-sarado. Delikado.  Humarap ito sa kanya saka hinaplos ang kanyang pisngi. Hindi matibag ang mga titig nito na nag-uumapaw sa pag-ibig. “Mahal na mahal din kita Regiena. Hayaan mo’t alam kong darating din ang panahon kung kalian maipapahayag na natin ang pag-ibig natin para sa isa’t-isa na walang hahadlang at walang mga limitasyon. Hindi lihim kundi pinagsisigawan. Pangako yan.” Sa kanilang sitwasyon ang pangakong iyon ay napakahalaga para sa kanya. Panghahawakan niya iyon kasama ang pag-ibig ng makisig na anghel. Kinuha nito ang kanyang kanang kamay saka sila nagtatakbo sa ilalim ng mga ulap. Nakabaligtad silang naglalakad sa karaniwan. Doon sila dumaan upang walang makakita sa kanila sa ibabaw ng ulap. Nakalahad din ang kanilang mga pakpak upang hindi sila mawalan ng balanse. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Regiena. “May surpresa ako para sa iyo.” Tugon ni Jelor. “Ano ang iyong surpresa?” bigla siyang nakaramdam ng pananabik. Hindi pa man din basta-basta ang mga pakulo ng kanyang kasintahan pagdating sa mga surpresa nito para sa kanya. “Kapag sinabi ko sayo’y hindi na ito surpresa.” Sambit nito.  Bumilis pa ang kanilang paglakad hanggang sa bitawan nito ang kanyang kamay. Naiwan siyang nakatayo ng baligtad. Kumuha si Jelor ng malaking tumpok ng ulap sa bahaging maitim kung saan posibleng may tubig saka lumipad sa himpapawid kung saan nakatakip ang ulap na kinaroroonan niya. Doon ito lumipad at gumawa ng korteng puso gamit ang tumpok ng ulap na kinuha nito. Napangiti siya. Diretso sa kanyang puso ang ginawa nito. Halos lumabas na iyon sa kanyang dibdib at saka tumalon pababa.  Alam nilang posibleng may makakita sa ginawa nito kaya naman binuka ng lalaki ang mga pakpak saka buong lakas na kinampay ang mga ‘yon. Unti-unting nagbagong anyo ang ulap dahil sa hangin na nagmumula sa mga pakpak ni Jelor. Naging itong tubig at dahil nakaharap ito sa kanya habang ginagawa iyon ay sa kanya tumatalsik ang tubig. Hanggang sa tuluyan na siyang maligo sa dapat sanay ulan na ibabagsak sa lupa. Ang mga katulad ni Jelor na may mataas ng ranggo bilang tagapagsanay ng mga anghel dela guardia ay may kakayahang kontrolin ang mga ulap. Kung tutuusin ay tirahin iyon ng mga anghel. Malambot ngunit maaring maging katumbas ng semento at mga bakal sa lupa kung ang gamit ay kanilang tahanan. Kung ang ulap ay makapal at maitim ay pihong may lamang tubig iyon na handang maging ulan para sa mga tao. Kung ito ay makapal ngunit labis ang kaputian, lingid sa kaalaman ng mortal ay para itong bulak sa lambot at walang tubig sa loob. Kapag ganoon ang ulap ay kadalsang ginagawang pahingahan at parke ng mga anghel ang ulap. Saglit siyang nilamig dahil sa nahihipan din siya ng hangin. Ilang sandali pa’y nakadama na siya ng init. Nakalipad na patungo sa kanya ang lalaking anghel. Nakayakap ito sa kanya hindi lang ang mga kamay nito ang nakapalibot sa kanya maging ang mga pakpak nito. Kung titingnan sila sa malayuan ay para silang cocoon ng paru-paro sa ilalim ng ulap na ang nasa loob ay dalawang anghel na nagmamahalan. Sinisipsip ng tela ng kasuotan nito ang tubig na nasa kanyang kasuotan. Halos maramdaman na ni Regiena ang makisig nitong pangangatawan. Ang balat nitong nag-iinit tulad ng sa kanya. Nagsimula sa isang malagkit na pagtititigan saka dahan-dahan nitong nilapit ang labi sa kanya. Dumampi ang kamay nito sa kanyang baba humagod patungo sa kanyang leeg hanggang sa naging mas mapusok iyon. Sinimulan nitong kapain ang kanyang dibdib. Bawat pagpisil nito ay nagpapadagdag sa masidhing pagnanasang gustong kumawala sa kanyang loob. “Napakakapal ng mga ulap ngayon. Labis din ang kanilang puti.” Narinig nilang sambit ng isa sa mga anghel na nasa ibabaw at malamang ay naglalakad-lakad. Marahil ay malapit iyon sa kanilang kinaroroonan. Napatigil sila sa ginagawa at pansamantalang pinagpaliban ang pagpapalitan ng mapupusok na halik. “Itigil na natin ito Jelor. Tayo na sa taas.” Anyaya ni Regiena. “Hindi mahal ko.” Kinuha nito ang kanyang mga kamay. “May naisip ako.” Saglit siya nitong binitawan habang pinapanuod ito sa naisip na paraan. Marahang pinasok ni Jelor ang ulap ng hindi kinakampay ang mga pakpak. Sapat na upang makagawa ng butas. Para itong higanteng bulak na ginawan ng lagusan. Sinundan naman niya ito. Dahil masyadong malaki ang ulap na iyon ay nakagawa sila ng tila lihim na silid sa loob. “Ganito ang ginagawa ko noong bata pa ako kapag napagalitan ako ng aking tagapagsanay.” Mahinang sambit ni Jelor habang nakangiting binabalikan ang nakaraan. Marahan itong lumapit sa kanya upang muling haplusin ang kanyang pisngi. “Ngayon ay dito tayo magtatago. Magiging saksi ang loob ng ulap sa ating pagmamahalan?” “Mali ito.” Umiwas si Regiena ng tingin sa lalaki. Ngunit sa loob niya anumang sandali ay bibigay siya sa temptasyon. “Mali ito oo. Pero…” lumapit pa ito sa kanya habang inaamoy ang kanyang leeg hanggang sa dumadampi na ang mga labi nito. Nakikiliti siya. Kumakalat ang init sa kanyang katawan. “Pero bakit tama ang nararamdaman ko. Kasi alam kong tama na mahalin ka.” “H-hindi ko alam.” Nauutal niyang tugon. Hindi na niya alam ang gagawin hanggang sa labi na niya ang muling inaangkin nito. Tama nga ang pagkakamaling ito. Nais niyang usalin habang unti-unting nanunuot ang ligaya at init habang nagsasalo sila sa halik na iyon. Gamit ang mga pakpak nito ay hinubad ni Jelor ang kanyang damit. Nililis nito ang magkabilang manggas ng kanyang kasuotan. Nakaramdam pa siya ng kiliti dahil sa mga balahibo sa pakpak nito. Ang dalawang kamay naman nito ay nagsimulang magbagtas patungo sa kanyang mga hinaharap. Sinalo ng mga iyon ng buung-buo ang kanyang dibdib. Bawat pagpisil nito ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa kanyang buong sistema. Ilang saglit pa’y sumunod na ito sa paghuhubad. Ang Adonis nitong kakisigan ang tumambad sa kanya. Hindi niya napigilan ang sarili sa pagkagat ng labi. Masarap ang nakahain sa kanyang harapan. Habang magkadikit ang kanilang mga katawan at damang-dama ang naglalagablab na apoy na naglalandas sa kanilang mga balat ay nagsimulang halikan ng lalaking anghel ang kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Buong lambing nitong niromansa ang kanyang mga rosas sa pamamagitan ng bibig nito. Tila lalong nagtayuan ang mga iyon. Sabay sa pagtayo ng kahandaan nito na humahampas malapit sa kanyang p********e. Hindi na lamang sila literal na malapit sa kalangitan. Tila maabot nila sa mga sandaling iyon ang trono ng kaluwalhatian. Hindi na nga silang nagpaawat at lalo pang lumipad sa pantasyang pilit nila noong tinatakasan. “Handa ka na ba mahal ko?” bulong ni Jelor. “Mmmmm….” Ungol ang tanging naitugon ni Regiena habang sinisimulan nitong ipasok ang p*********i sa kanyang p********e. Lalo iyong lumakas ng halos kalahati na nito ang nakabagtas sa kanyang loob. Hindi biro ang sakit na gumihit patungo sa kanyang balakang. Sa unang paghugot nito at muling pag-entrada ay nadama naman niya ang kaakibat na ligaya sa kabila ng sakit. Hanggang sa ang kanya ng inuusal ay… “Sige pa…” Nakahiga siya sa malambot na ulap, malayang nakalatag ang kanyang mga pakpak habang nasa ibabaw niya’t bumabayo ang lalaki. May mga pagkakataong hinahagkan nito at pinipisil ng buung-buo ang kanyang malulusog na hinaharap. Nagpapadagdag iyon sa kakaibang kuryente na dumadaloy sa kanyang sistema. Habang pinagmamasdan niya ang mala-anghel nitong kakisigan at kagwapuhan ay hindi siya makapaniwalang ginagawa nila ang bagay na iyon. Ang anghel na nagpadama sa kanya ng pag-ibig ang siya ring nagparamdam sa kanya ng bawal na kaligayahang dulot ng pakikipagtalik. Ngayo’y sabay pa nilang mararating ang rurok. “Aaaaaahhhhhh.” Pareho silang napaungol. Hanggang sa tuluyang nagising si Regiena. Pawisan siya. Nangangamba siya kung bakit niya napaginpan ang bagay na iyon tungkol sa kanila ni Jelor. Kahit sa isang panaginip ay hindi iyon dapat. Pero mas hindi dapat na paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isipan ang bawat eksena sa panaginip na iyon. Nagbibigay ng init tulad ng naramdaman niya sa mismong pangitain. Ang pantasyang naglalaro sa kanyang ulo ay tila hinihiling na sana’y totoo ang lahat. "Ano'ng masasabi mo sa unang araw ng iyong misyon? Nakatulog ka yata dahil sa labis na pagod?" Tanong ni Jelor sa kanya bilang pag-aanalisa. Bigla nalang itong sumulpot sa kanyang bahay-ulap. Bukas naman kasi ang kanilang mga tahanan. Bukas para sa lahat lalo pa’t mga anghel sila. Wala naman ito sa loob. Nasa labas pa rin ito at nakasandal lang ito sa isang pader na gawa rin sa ulap. “K-kanina pa po ba kayo riyan?” Dahil sa kanyang panaginip kaya hindi siya makatingin ng diretso sa lalaki. Nabubuhay ang mga pantasya na kahit anong pilit niya ay hindi mawaksi sa kanyang isipan. “Hindi naman. Kadarating ko lang. Inabutan kitang pagising na.” tugon nito. Sa hindi niya malamang dahilan ay hindi rin ito makatingin ng tuwid sa kanya. Ayaw na niyang magpadala sa bumabagabag sa kanya. Pilit na itinago ni Regiena ang pagkabalisa. "Nakakatuwa po si Mark Jade bilang anghel de la guardia. Nagawa nyang pasunurin si Roland kaya hindi natuloy ang sulsol ni Jecoba kay Jecka." Nabigay na lamang siya ng katugunan sa unang katanungan nito ng dumating. "Mabuting tao si Roland. Makipag-usap ka kay Mark Jade kung ano ang pwede nyong gawin. Si Roland ang maaaring makatulong kay Jecka upang magbago ito. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna ulit." "Maraming salamat po Jelor Alexis." Yumukod si Regiena rito.Lumapit naman ito sa kanya at saka hinawakan ang kanyang mga pisngi. Nag-init ang balat niya sa bahaging iyon. May kakaibang kuryente rin ang dumaloy sa kanya. Sa lapit ng kanilang mga mukha ay mas naaakit sya rito. Hindi niya mapigilan ang kanyang mga kamay. Hinaplos niya rin ang mga kamay nito. Halatang nabigla ito sa kanyang ginawa. Halos amoyin na nila ang isa't-isa. Naging mapusok din ang bawat haplos. Patuloy siyang naaakit dito. Mas gwapo ito sa malapitan. Tila sisimulan nilang gwaing totoo ang kanyang napaginipan. "Magpakatatag ka Regiena Nicolle. Ang kabutihan ay dapat na manaig." Huling bilin nito matapos tila magising sa katotohanang mali ang ginagawa nila. Saka ito dumistansya sa kanya at nagpigil sa mga pangyayari. "Bakit mo pa siya kailangang hawakan?!" Nabigla sila ng biglang dumating ang nagngangalit na si Sonia.  "Sonia? Ano'ng problema?" Tanong ni Jelor sa babaeng anghel. "Gusto kita Jelor. Inalisan lang nila ako ng emosyon pero gusto kita. Ipinagkakait nila sa ating mga anghel ang umibig! Pero ngayon alam ko na. Napakisig mo. Napakabait. Noong ako pa ang tinuturuan mo ay nahulog na ako sa'yo." Lumapit ang babae sa kanila. Dinunggol siya ng pakpak nito. Gamit ang kamay nito ay hinagod nito ang matipunong braso ni Jelor. Tinangka ring hubarin ni Sonia ang kasuotan nito ngunit umiwas ito. "Ano'ng ginagawa mo Sonia? Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ni Jelor.  "Tinanggalan nila tayo ng emosyon upang magmahal at humanga upang hindi tayo makaramdam ng tawag ng katawan. Pero mali iyon! Pinagkakaitan nila tayo!" "Ano pong nangyayari sa kanya Jelor? Mukhang hindi nya alam ang kanyang sinasabi." Naawang komento ni Regiena sa lagay ni Sonia.  "Alam ko ang mga sinasabi ko Regiena. Kasi nakakaramdam na ako ng paghanga. At ngayon ko napagtanto na gusto ko si Jelor. Kapag sabay kaming lumilipad noon. Pinagpapantasyahan ko na pala siya. Ngayon ko lang napagtanto. Malamang ikaw din Regiena! Gusto mong agawin sa akin si Jelor!" "A-ano kamo? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Nauutal nyang tugon dito. "Hindi na tama to." Saad ni Jelor. "Hindi talaga tama." Dumating naman mula sa mas mataas na bahagi ng kaulapan si Omar Enri. Ito ang imbestigador ng mga anghel. "Napag-alaman namin matapos ang matagal na panahon ay may nalinlang muli na isang anghel ang isang demonyo. Nagbalat-kayong anghel si Jecoba Rubia at napainom niya ng itim na tubig si Sonia Marie. Ang itim na tubig ang makapagbibigay ng emosyon upang umibig, humanga at mag-isip ng kalaswaan ang isang anghel. Iyon ngayon ang pinagdadaanan ni Sonia Marie." "Kung gayon kaya naglagas ang mga balahibo ng ating pakpak kanina at kung bakit tayo nanghina ay dahil kay Sonia. Pero napapadalas yata ang paglalagas ng ating mga pakpak. Marahil may iba pang ginawa si Jecoba." Pahayag niya ng mapagtanto ang mga bagay-bagay.  "Tama. Nangyayari iyon kapag napasok tayo ng kasamaan. Kaya rin nahuli ng dating si Jecoba kanina ay marahil isinakatuparan muna niya ang kanyang masamang hangarin." Dugtong naman ni Jelor na halatang hindi natutuwa sa nangyari. Halata iyon sa walang ekspresyon nitong mukha ngunit nagsasalubong ang mga kilay. "Ibang klase talaga ang kalangitan. Walang sikretong maililihim!" Pasigaw na pahayag ni Sonia. "Ngunit Sonia may pag-asa pa. Sasanayin ka ng mas mabuti upang malaman mo kung nagpapangap lamang ang isang demonyo. At papainumin ka ng asul na tubig upang mawala na ang emosyon mo. Sumama ka na sa akin." Mahinahong pangungumbinse ni Omar.  "Sumama ka na Sonia. Siguro nagkulang ako sa pagsasanay sayo." Nanlulumo si Jelor sa huminang tono ng boses nito. "Wag mong sisihin ang sarili mo Jelor. Masyadong mautak at mapanlinlang si Jecoba. Isa kang mahusay na tagapagsanay." Pampalubag loob ni Omar. "At dahil sa kahusayan mo kaya ako nahulog sa iyo." Kinagat pa ni Sonia ang ilalim ng labi nito habang sinasabi iyon sa harap ni Jelor. "Tigilan mo na yan Sonia. Sumama ka na sa akin." Lumapit na si Omar sa kanila. "Kung mahuhuli mo ako." Sa isang iglap ay ibinukas nito ang mga pakpak. Nabigla si Regiena ng sa direksyon nya ito lumipad.  "S-sonia? B-bakit?" Saka nito hinawakan ang kanyang kanang pakpak at binali ang buto sa itaas na bahagi niyon. "Aaaaahhhh!" Napasigaw nalang siya sa sakit. "Ililigtas ka nila? O huhulihin ako?" Pagkasabi nito niyon ay saka siya sinikmuraan pababa. Lumipad ito ng ubod ng bilis. Siya rin mabilis na bumubulusok pababa. Hindi nya maikampay ang kanyang kanang pakpak. Mahuhulog siya sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD