Chapter Three

2310 Words
Chapter Three Maging ang mga anghel ay may buhay din. Hindi lamang sila nakikita ng mga tao ngunit ang ibig sabihin ay namamatay din sila. Kamatayan. Iyan ang nasa isip ni Regiena habang nadadala ng hangin. Hangin na dati'y kakampi nya sa paglipad.  Napagod na siyang sumigaw. Hinayaan na lamang niya ang sarili na mahulog. Kapag namatay naman ang isang anghel ay ikalawang buhay din ang handog sa kanila. Ngunit hindi sa paraiso ngunit sa mundo ng mga tao. Magiging mortal na ang isang anghel kapag ito'y pumanaw. Kapag ito ay pumanaw na kagustuhan ng langit, ang ibig sabihin ay matanda na ito. Isa itong sanggol na magsisimula ng bagong buhay bilang tao. Ngunit sa oras na pumanaw ito dahil sa isang aksidente o sa ibang paraan sa nauna ay mabubuhay ito bilang mortal kung ano ang edad nito bilang anghel. Wala nga lang itong matatandaan sa dati nitong buhay. Dahil nakita na nito ang buhay ng mga tao bilang anghel de la guardia ay madali na lamang nitong maibabagay ang sarili. Awtomatiko na iyon kahit wala pa itong maalala. Ang ikalawa ay isang maliit na porsyento lamang ang posibilidad na mangyari. Halos lahat ng anghel ay namamatay dahil kagustuhan na ng langit na dalhin sila sa lupa at maging mabuting tao. Sino ba naman ang mananadyang patayin ang isang anghel upang maganap ang ikalawang sitwasyon? Ipinikit ni Regiena ang kanyang mga mata. ..... "Omar ikaw na ang bahala kay Sonia. Ililigtas ko si Regiena!" Bulalas ni Jelor. "Sige!" Saka sila lumipad pababa. Parang ibon na sinasalubong ni Jelor ang hangin pababa. Napakabilis niya. Malapit na nyang maabutan si Regiena. Ngunit sa isang iglap ay humarang si Sonia sa himpapawid, sa kanyang direksyon. "Hindi ko hahayaang iligtas mo ang karibal ko sayo! Hayaan mo syang bumagsak sa lupa at mamatay!" Tila demonyo na ito sa tinuran nito. Demonyong may pakpak. "Patawarin mo ako. Ngunit kailangan kitang saktan. Para ito sa kabutihan!" Sinuntok niya ito dahilan upang mawala sa kanyang harapan. Pinagpatuloy niya ang paglipad pababa. "Wag kang susuko Regiena!" Sigaw niya sa anghel na ililigtas.  "Mamamatay ka Regiena! Isa itong kasaysayan! Isang anghel na namatay dahil pinatay!" Naagaw agad ni Sonia ang kanyang atensyon. Nabigla siya ng makita nyang may hawak itong punyal. Ang itim na punyal ni Satanas. Marahil ay si Jecoba rin ang nagbigay nito kay Sonia.  "A-ano'ng gagawin mo!?" "Papatayin siya!" Mas lalo pang bumilis ang kanilang paglipad. Kailangang maunahan nya si Sonia. Ngunit tuso ito. Nakuha na nito ang katangian ng mga demonyo.  "Nakakapuwing ang hangin! Mag-ingat ka!" Bigla naman itong nagsaboy ng itim na alikabok dahilan upang pansalamantala siyang mawalan ng paningin. "Aaahhh!" Nang mawala ang epekto ng alikabok ay bumalik siya sa paglipad pababa. Mas binilisan pa niya. Malapit na si Sonia kay Regiena. "Wag!" Ngunit nahuli na si Jelor. Naitarak na ni Sonia ang punyal sa dibdib ni Regiena. Dali-dali naman itong lumipad palayo. Ikinampay pa nya ang kanyang mga pakpak hanggang sa tuluyan nyang abutan si Regiena. Inalalayan nya ito. Nakuha pa nitong imulat ang mga mata.  "B-bakit?" Tanong nito bago muling isara ang mga mata. Isara ng tuluyan at harapin ang kamatayan.  Pumatak ang luha sa kanyang mga mata habang marahang nilalapag ang anghel sa lupa. Sa kauna-unahang pagkakataon ay may napatay na anghel. Kahit ang kalangitan ay lumuha sa nangyari. Literal na nagpaulan ang langit. Namuo ang makapal at madilim na ulap saka iyon ibinagsak sa kalupaan.  "Hindi ito maaari." Narinig nyang sambit ni Omar. Lumapag din ito sa lupa. "Hindi ko nahuli si Sonia. Hindi ko kayo nasundan dahil maraming itim na alikabok ang sinaboy niya sa akin. Patawad." "A-ako ang patawarin ninyo. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ako ang tagagabay nila Sonia at Regiena. Tapos ganito ang nangyari. Kasalanan ko ito." Mabigat para sa kanya ang mga pangyayari. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. "Tama na Jelor. Ang langit na ang bahala." Tinapik ni Omar ang kanyang balikat. ..... Binalik na nila sa ulap ang katawan ni Regiena. Doon ito binalot ng mga ulap hanggang sa tuluyan itong maglaho upang tuluyang maging tao. Binantayan lang ito ni Jelor. "Patawarin mo ako Regiena. Patawad." Patuloy siya sa paghihinagpis. "Jelor mawalang galang na." Dumating si Omar kaya naman inayos niya ang kanyang sarili. "Ano iyon?" kanyang tugon. "Hindi ka papatawan ng kaparusahan ng langit dahil sa mga nangyari. Kinikilala pa rin nila ang kahusayan mo. Ngunit buo na ang desisyon nilang itapon sa impyerno si Sonia sa oras na mahuli ito." Inihayag nito ang pasya ng nasa itaas. "Kung iyon ang desisyon nila. Ngunit may kahilingan ako." "Sabihin mo kung ano yon Jelor." "May dalawa akong gustong gawin. Una ay sundan sa lupa si Regiena at doon siya gabayan. Ikalawa ay ako ang tumugis kay Sonia upang ituwid ang kanyang mga kasalanan. Hindi ko maaaring basta-basta gawin ang una pero pwede ang ikalawa. Nais ko sanang ako ang tumugis kay Sonia." Mariin niyang ipinahayag ang kanyang nasa sa loob habang walang kurap na nakatitig sa kapwa anghel. "Sa tingin ko ay wala namang problema doon. Sige. Tugisin mo si Sonia sa lalong madaling panahon." "Salamat." Muli nyang binalik ang paningin sa naglalahong katawan ni Regiena. "Paalam." ..... Nang tuluyang mawala ang katawan ni Regiena ay sinimulan na ni Jelor ang paghahanap kay Sonia. Marahil nagsimula na rin sa mga sandaling iyon ang bagong buhay ni Regiena. Agad siyang lumipad pababa. Hindi na makakapanik pa si Sonia dahil marami ng nagbabantay sa himpapawid.  "Jelor Alexis, tila humahangos ka." Ang demonyong si Jecoba ang agad na bumungad sa kanya sa lupa. "Demonyo ka." Nanggagalaiti siya rito. "Oo naman. Siyang tunay!” may galak nitong tugon. “Fallen angel kung tawagin nila dito sa lupa sa mga anghel na tinanggalan ng pakpak  yan dapat ang parusa ko. Yan dapat ang parusa ko noong may demonyong umudyok sa akin para uminom ng itim na tubig. Matapos noon ay inibig kita. Tapos lahat ng mga taong ginabayan mo ay inudyukan ko ng kasamaan. Kaya binawi ng langit ang parusa sa akin. Pinatapon ninyo ako sa impyerno at doon nila ako ginawang demonyo. Matagal na panahon na hindi namin makanti ang langit. Ngayon nalang ulit. Ipinangako ko yan sa sarili ko kaya nagpakasama-sama ako. Nagpakademonyo." "Nandamay ka pa ng kapalarang pinagdaanan mo. Sana nagpasunog ka nalang sa kumukulong tubig sa impyerno." Mas masakit ang naging tugon niya rito upang ipamukha rito kung gaano ito kasama.  "Bawal yan. Hindi mo dapat hinihiling yan Jelor." Ngumisi pa ito. "Tigilan mo ako. Hindi ikaw ang ibinaba ko rito." "Si Sonia ang ibinaba mo rito. Nagtatago siya sa kabundukan sa gawing hilaga nitong bansang Pilipinas. Pwede mo siyang puntahan doon. Bwahahaha!" lumakad-lakad pa ito paikot sa kanya. "Pano kita paniniwalaan? Demonyo ka." "Iyon mismo ang dahilan para paniwalaan mo ako. Handa akong traydorin kahit ang kapwa demonyo ko. Bwahahaha! Alam ko rin na nakakadama ka ng pagpapantasya tulad ng pumanaw na si Regiena. Noong mga nakaraang araw palang ay ininsenso ko na ng itim na usok si Sonia. Hindi agad ang naging epekto pero sa oras na gumana iyon lahat ng anghel na mahawakan niya ay magkakaroon ng emosyon ng pag-ibig gayundi ng kahalayaan. Nahawakan niya kayo ni Regiena, tama ba? Nabanggit nya iyon sa akin. Marahil ay napaginipan niyo na rin ang bawal na panaginip na hindi na kayo patatahimikin. Na magiging simula ng inyong mga makamundong naisin at pantasya." Saka ito umalis na humahalakhak. Nag-isip siya ng sandali. Maging siya ay nadulutan na ng kasamaan kung gayon. Hindi niya mapasubalian ang mga rebelasyon nito. Alam niya sa kanyang sarili na humanga siya kay Regiena. Tunay din na hindi  lamang si Regiena ang nagkaroon ng panaginip. Maging si Jelor ay nanaginip din. Lingid sa kanilang kaalaman ay pareho lamang ang laman ng kanilang mga panaginip. Ngayo’y wala na siyang pagpipilian pa. Tinungo na niya ang kabundukan sa hilaga. Kailangang matigil ang lahat ng mga mali. Pagdating doon ay isang itim na enerhiya ang kanyang naramdaman sa gitna ng isa sa mga bundok. Jelor. Nandito ako. Isang mapanghalinang boses ang kanyang narinig. Sinundan niya iyon. Lumipad siya at saka bumaba sa gitna ng gubat. Napupuno iyon ng itim na usok. "Itim na usok? Hindi maaari. Nalinlang nila ako." Ang itim na usok ay may kakayahang magpasunod sa kahit na sinong anghel o demonyo. Kaya rin nitong ibalik ang emosyon ng isang anghel upang umibig at makadama ng kalaswaan. Ang kanilang mga natatanging kakayahan ay walang epekto sa mga tao. Paggabay lang ang may epekto sa mga ito.  "Maligayang pagdating mahal ko." Mula sa usok ay lumabas si Sonia. "Pinaghirapan ni Jecoba na muling makabuo ng mga usok para sa paghihiganti niya sayo. Heto't pinagamit niya sa akin." Bilang bahagi kasi ng pakikibaka ng kabutihan laban sa kasamaan ay inuubos nilang ipatapon at itago ang mga itim na mahika ng dilim. Ngunit heto’t hindi tumitigil ang mga demonyo upang ibalik ang kanilang huwad na kapangyarihan. "Ano'ng pinaplano mo?" tanong niya ng buong tapang. "Pasunurin ka. Kaya tumayo ka lang diyan." Agad na sumunod ang kanyang mga paa. Hindi sya makaalis sa kanyang kinatatayuan. "Ipaparamdam ko sayo ang nararamdaman ko ngayon. Ipapadama ko sayo ang langit. Matapos ng gagawin natin ay paparusahan ka na ng langit dahil naging mahina ka." Lumapit ito sa kanya habang hinuhubad ang saplot. "Patibukin mo ang iyong puso Jelor. Maakit ka sa akin. Patigasin mo to." Saka nito hinawakan ang kanyang p*********i. Hindi niya makontrol ang kanyang sarili. Wala dapat siyang emosyon sa mga ganitong bagay ngunit dahil nasa loob sila ng itim na usok kaya ang mga bawal na emosyon ay kanyang nadarama. Gusto niyang pigilan pero masyadong malakas ang itim na kapangyarihang bumabalot dito. "Ayan sige pa." Kahit nasa loob pa ng kanyang kasuotan ay alam niyang lumalaki at nagbabagong anyo na rin ang kanyang p*********i. "Tigilan mo ito Sonia. Huwag mong hayaang sumpain ka." Nanginginig niyang pakiusap at babala rito. "Matikman lang kita. Wala akong pakialam sa kaparusahang pwede kong kaharapin. Magugustuhan mo ang gagawin natin. Wag kang mangamba." Dinilaan nito ang kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg. Saka nito hinubad ang puti niyang saplot.  "Pakiusap wag mo itong gawin Sonia." "Ayoko. Ayoko. Ibibigay ko sayo ang totoong langit." Sa isang iglap ay naglaho ang itim na usok. "Sa bisa ng kautusan ng langit! Dalhin ka sa impyerno! Hindi ka karapat-dapat maging isang anghel!" Dumating si Omar upang siya ay iligtas. Bumuka ang lupa at saka nahulog si Sonia papunta sa impyerno. "Hindi! Hindi!" Doon na sa ilalim susunugin ng buhay si Sonia. Hindi na siya makakatakas doon. Nadala na ang langit kay Jecoba kaya naman mas matindi ang kaparusahan ni Sonia. "Isuot mo na ang kasuotan mo Jelor." "O-oo." Nawala na ang kakaibang tawag ng laman na kanyang naramdaman ngunit alam niyang siya ay nagkasala.  ..... Pag-akyat sa langit ay hinanda na niya ang sarili sa tiyak na kaparusahan. Pinagmasdan na muna ni Jelor ang mga ulap. Sumilip sa lupa, karagatan at sa kalawakan. Handa na niyang iwan ang lahat ng ito. "Jelor." Lumingon siya sa tumawag sa kanya.  "Omar." "Noon pa man bago maging masama si Jecoba ay nilalabanan mo na ang kasamaan. Hanggang sa ngayon ay alam naming kabutihan ang nasa loob mo. Ngunit mali na makaramdam ka ng mga emosyonong ipinagbabawal sa mga anghel. Nagpalinlang ka sa kasamaan. Nilihim mo rin na nakakadama ka na pala ng ng mga bawal na emosyon. Ayoko man ngunit may parusang inihatol sayo ang langit." Pagtatapat nito. "Alam ko. Alam kong dapat akong maparusahan. Nabighani ako kay Regiena sa sandaling panahon. Naakit ako sa kanya." Pag-amin niya. Bumuntong hininga si Omar. "Dahil dyan kaya tatanggalan ka ng pakpak at magiging isang mortal." "Fallen angel." Napayuko naman siya matapos sambitin ang bagong katauhang kanyang kahihinatnan bilang parusa. "Ngunit may regalo sa iyo ang langit para sa lahat ng kabutihang nagawa mo. Upang maipagpatuloy mo ang iyong naisin." Muli niyang itinaas ang ulo. "A-ano ang regalo?" Interesado niyang tanong dito. "Malalaman mo pagbaba mo sa lupa. Kapag handa ka na ay sabihan mo lang ako. Ako ang maghahatid sayo." Nakangiting tugon nito. Minsan pa'y pinagmasdan niya ang paligid sa himpapawid. Isang tahanan na kanyang lilisanin. "Handa na po ako." ..... "Nasan ako? Sino ako?" Nagising si Regiena sa isang eskenita sa squatter area. Wala na siyang matandaan. Isa na syang mortal. Magsisimula na ang kanyang bagong buhay bilang isang tao. Ito ang unang pagkakataon na may isang anghel na naging tao na ang edad nito ay nanatili. Fallen angel din siya kung tutuusin ngunit hindi ito kaparusahan dahil dulot ito ng kamatayan. Naglakad-lakad siya sa paligid. Malalim na ang gabi. Mga masasamang loob na lamang ang mga tao sa paligid kapag ganong oras sa lugar na iyon.  Sa pagikot-ikot niya sa lugar ay napatigil siya sa isang bukas pa na sari-sari store. May salamin sa labas niyon. Tiningnan niya ang kanyang sarili. Hinawakan niya ang kanyang mahabang buhok. Pinagmasdan niya ang kanyang matangos na ilong, maputing kutis. Malaanghel sa amo ang kanyang mukha. "Pre! Bumaba ang langit oh! May anghel na binigay sa atin oh! Nakasuot pa nga ng pang-anghel oh! Ang sexy! Ang ganda pre! Ang yummy!" Narinig nya ang tawanan ng mga lalaking nag-iinuman. Alam nyang panganib ang dulot ng mga iyon kaya naman umalis na siya. "Pre mukhang aalis na oh. Miss! Pakain naman oh! Dalin mo kami sa rurok ng langit!"  Paglingon niya sa kanyang likod ay sinusundan na siya ng tatlong lalaki. Gumegewang ang mga ito sa paglalakad. "Mapanganib." Bulong niya sa sarili saka binilisan ang paglakad. "Hoy miss! Tumigil ka! Masasaktan ka kapag di ka tumigil!" "Ibang sakit no pre? Sakit na masarap! Hahaha!" Bumilis din ang paglalakad ng mga lalaki. Iyon na ang hudyat upang siya ay tumakbo palayo sa mga ito. Tumakbo siya ng ubod ng bilis saka pumasok sa isang pinto na tela lamang ang takip. Naghahabol pa siya ng hininga habang takip ang kanyang bibig. Sana naman ay ligtas na ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD