KABANATA 2

1053 Words
  KABANATA 2:     MATAMLAY akong tumayo. Mas lulungkutan ko pa dahil kutob ko si Aling Cecil na naman ito. Totoo namang malungkot ako. Nawawalan ako ng gana magtrabaho kapag ganitong nabubuhay na lang ako para magbayad ng bills.   "Aling Cecil... wala talaga—" naputol ang sasabihin ko ng pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang matangkad na lalaki. Maganda ang pangangatawan. Malinis at maputi! Nanuot sa ilong ko ang pabango niya!   Dios mio! Ang bango-bango! Ang linis-linis!   Natulala ako sa ganda ng mukha niya. Sa lahat ng nanligaw sa akin may mga gwapo naman talaga. Pero iba siya... halatang naghuhumiyaw sa karangyaan ang awra at tindig niya. Ibang level up ng pagka-gwapo.   Rating: 9/10   Tumikhim ako. Abala ito sa pagpasada sa buong kwarto ko. Hala! Baka mamaya rapist 'to! Bakit ko binuksan ng malaki ang pinto!   Tanga naman, Anne! Ano ba!   Mabilis kong isinara ang pinto. Wala na sa gwapo-gwapo ngayon ang rapist! Mamaya nakaw pala iyong mga accesories niya! Hindi ako dapat magpasilaw!   "Anong kailangan mo?!" sigaw ko.   "Dito ba nakatira si Anne Bitangcol?"   Kumalabog ang puso ko sa kaba. Paano niya nalaman ang pangalan ko?! Wala naman akong utang sa ibang tao bukod sa mga kaibigan ko! Nakutkot ko ang kuko ng aking daliri.   "Bakit? Sino ka ba?!" tanong ko. Nasa likod ako ng pinto at panay ang hampas ng kaba sa aking dibdib. Umalis ako doon at binuksan ng kaunti ang jalousie na bintana. Naroon pa din siya. Kalmado at diretso ang tingin sa pinto.   "Hinahanap ko si Anne Bitangcol. Ako ho ay si Philip Enriquez, gobernador ho sa Batangas," aniya.   Napasinghap ako at mabilis na naisara ang bintana. Anong ginagawa ng gobernador dito at bakit ako ang hinahanap?!   Mabilis kong binuksan ang pinto at sinipat siya. Kumunot ang noo nito at pinasadahan ako ng tingin. Nakalimutan ko na ang suot ko lang pala ay malaki, mahaba at puting t-shirt. Kaya mukhang wala akong pang-ibaba. Tumikhim ako at humalukipkip.   Hindi ito gumalaw sa kinatatayuan kahit na sumilip na ko sa labas at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng may kasama pa siya! Bodyguard niya! Naka-barong pa. May suot na earphone. Napatingin tuloy ang dalawa sa akin.   Tumayo ako ng tuwid. Napakurap-kurap ako habang nakatitig kay Gov. Ang gwapo pala ng Gov ng taga-Batangas? Hindi ko kilala. Paano hindi naman ako nanunuod ng balita.   Pero baka mamaya joke time lang. Miyembro pala siya ng sindikato?   "P-patingin nga? ID mo? Kung si Gov ka?" Nakataas ang kilay ko.    Tinitigan niya ako na parang hindi makapaniwala na ni-re-request ko iyon sa kanya. Humalukipkip ako at sa ibang direksyon tumingin.    "Malay ko kung miyembro ka ng sindikato at nagpapanggap ka lang na Gobernador. At bakit ako hahanapin ng isang pulitko? Simpleng mamayan lang ako at hindi din ako involve sa drugs, ah! Wala akong nilabag na batas!" panay ang iling ko at sinimangutan ko siya.   Tinagilid nito ang ulo at napakurap-kurap. Marahil ay nagulat sa aking sinabi. Bumuntong-hininga siya at tahimik na kinuha ang wallet nito. Pasimple ko iyong sinundan ng tingin.   Nakagat ko ang ibabang-labi ng makita kung gaano kalaki ang kamay niya. May ugat-ugat pa. Napasulyap ako sa katawan ni Gov. Malapad na balikat pero hindi ko alam kung may abs bang nakatago sa suot nitong puting long sleeves. Bumaba ang tingin ko sa black jeans nito.    Hmm... palaban din. Totoo kayang malaki?   "Miss Bitangcol, sa taas ang tingin hindi sa iba-iba ka tumitingin," masungit niyang sabi.   Napatikhim ako at nag-iwas ng tingin. Wala sa sariling napakamot sa aking pisngi.   "Philip Ezekiel Enriquez, governor ng Batangas," matigas niyang sabi ng iniharap sa akin ang employee ID nito. Nakalagay nga doon. Governor!   Napanganga ako. Gayunpaman, hindi ako kumbinsido.   "Anong malay ko kung gawa-gawa mo lang 'yan, noh!" Sinimangutan ko siya.   Kumibot ang kilay nito. Pero ganoon pa man, kalmado pa din. Napakurap-kurap siya at nilabas ang mamahalin nitong cellphone. Wow, iPhone12 Pro Max! Mahal 'yan! Alam ko 'yan kahit hindi ko kayang bilhin kaya sana all na lang.   Humalukipkip ako at nanatili sa harap nito. Umihip ang malamig na hangin. Nanginig ang binti ko dahil nakasuot lang ako ng maigsing shorts. Matapos nitong may kalikutin sa cellphone ay ipinakita niya ulit iyon sa akin.   "Ayan, baka naniniwala ka na diyan?" aniya.   Tinitigan ko iyon. Balita ang ipinakita niya na kung saan sinabi na siya ang nanalo sa Batangas bilang Gobernador. May mukha pa niya. Ini-scroll pa ni Gov at nakita ko ang ilang charity works niya.   Napangiwi ako.   "Naku! Sorry, Gov! Ang dami kasing manloloko sa panahon ngayon. Pasensya na!" Natuptop ko ang bibig at panay ang hingi ng paumanhin sa kanya.   Walang reaksyong tumango lang ito.   "Pero bakit ho kayo nandito?" takang-tanong ko.   Sumenyas ito at inabot ng isang body guard nito ang maliit na litrato. Ipinakita niya iyon sa akin. Kunot-noo ko iyong tinignan.   "A-anong mayroon diyan? Ba't mo pinapakita sa akin ang picture ng sanggol?" lito kong tanong pero bakit tila nakakaramdam ako ng panlalamig ng tiyan dahil sa kaba.   "Titigan mong mabuti. Hindi ba ikaw ito?" aniya sabay abot ulit sa kanya ng isang litrato. Naguguluhan kong sinundan iyon ng tingin. Ipinakita niya ulit sa akin. This time napasinghap ako ng makita ang mukha kong nasa litrato!   "T-teka... ako 'yan! Ba't may picture ako sa'yo?!" Nag-angat ako ng tingin at nakatitig lang siya sa akin.   "Ikaw ang hinahanap matagal na ng pamilya Oraza," diretsyahang sabi niya.    Laglag ang panga ko maging ang kamay ko.   "Anong kalokohan ito?" sabi ko sabay natatawa. Baka kinuha lang niya ito sa photo album sa bahay ni Tiya Helena. Pero Gobernador siya. Magagawa ba niyang magsinungaling? Mag-effort na pupunta dito para lang lokohin ako?   "Ikaw ito. Hindi ba may nunal ka sa... puwitan," naiilang na sabi nito at hindi na makatingin sa akin.   Wala sa sarili akong napahawak sa aking puwit. Paano niya nalaman?!   "Kaliwa, kanan?" pailalim ko siya kung tignan. Tinatanong ko kung tama ba ang isasagot niya.   "Kaliwa," simple niyang sagot.   Napasinghap ako. Namilog ang mga mata. Na-amaze ako na nakuha niya ang tamang sagot! Pero agad akong napangiwi. Ano ba itong nangyayari?   "Hinahanap ka na ng tunay mong pamilya. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng Hacienda Oraza sa Batangas. Hindi ka si Anne Bitangcol. Ikaw si Stephanie Anne Oraza. Anak ni Senyor Wilfredo Oraza at Senyora Maricar Oraza."   Laglag ang aking panga ng sabihin niya iyon sa akin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD