Chapter 5

1762 Words
Chloe’s POV “Bakit ganyan ang itsura mo? Sinong may gawa sa’yo niyan?” Galit na tanong ni Emerzon sa akin. Madilim ang awra ng mukha nito habang sinusuring mabuti ang aking kabuuan, tiim-bagâng ito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay. Marumi kasi ang suot kong bestida at mayroon pang naka dikit na chewing gum sa likurang bahagi ng aking damit. “Tsk, hindi lang kita nasundo ngayong araw ganyan na kaagad ang inabot mo? Bakit ba hindi ka marunong lumaban? Hanggang kailan mo sila hahayaan na apihin ka?” Magkasunod na tanong nito sa akin. Nanatili akong walang imik habang tahimik na umiiyak nagmukha tuloy akong bata na sinisermunan ng kan’yang ama. Ayokong magtaas ng tingin dahil alam ko naman na awa lang ang makikita ko sa mga mata ni Emerzon. Kinabig ako nito sa kan’yang dibdib saka mahigpit na niyakap, naramdaman kong hinalikan ako nito sa bunbunan habang masuyong hinahaplos ang aking likod. Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng makulong sa mga bisig nito, dahil nakasumpong ako ng kaligtasan at kapanatagan loob mula sa kan’yang mga bisig. “Sorry, hindi kaagad kita nasundo kasi may part time job pa ako, halika na malelate ka na sa practice mo.” Masuyo niyang sabi bago kinalas ang mga braso nito sa aking katawan. “Okay lang, basta ang importante ay nandito ka na, salamat.” Nakangiti kong pasalamat sa kanya bago inabot ang kamay nito at masuyong hinawakan. Isang matamis na ngiti ang tugon niya sa akin saka pinatakan ng isang banayad na halik nito ang aking noo. Pagkatapos ng sampung hakbang ay huminto kami sa tapat ng motor nito, kinuha ang helmet mula sa loob ng compartment ng motor at saka isinuot sa aking ulo. Nauna siyang sumakay sa motor bago ako inalalayan nito na umangkas sa kanyang likuran. Tanging si Emerzon lang ang taong malapit sa akin, at bukod tanging siya lang ang nagbibigay importansya sa akin. Ewan ko ba kung bakit ayaw sa akin ng lahat at kung bakit ako ang paboritong bulihin ng mga kabataang tulad ko. Wala naman akong masamang ginagawa sa kanila, kung ano ang gusto nila ay maayos ko namang binibigay ngunit sa tuwina ay hindi pa rin sila makuntento. “Sa tingin mo, bakit ayaw sa akin ng lahat?” Wala sa loob na tanong ko kay Emerzon habang nakayakap sa likod nito ngunit patuloy sa marahang pagtakbo ang motor. “Because your so beautiful not only in outside but also inside, dahil sa labis na inggit nila sa ganda mo ay idinadaan nila ang lahat sa pang-aapi sa’yo.” Malumanay na sagot niya sa akin. Humigpit ang yakap ko sa katawan nito bago isinandig ang ulo ko sa likod nito. “Ikaw, hindi ka ba naiinggit sa ganda ko?” Wala sa loob na naitanong ko kay Emerzon. “Hahaha, nope, because I love you.” Natawa ito sa tanong ko bago malambing na sumagot, napangiti ako at mas hinigpitan pa ang yakap sa katawan nito. Huminto kami sa tapat ng isang malaking gusali, ang A&Z modeling agency, Saturday ngayon at may practice kami para sa isang sikat na kumpanya na magrirelease ng mga bago nilang produkto at isa ako sa mga napili para irampa ang kanilang mga mamahaling collection. Lagi akong sinasamahan ni Emerzon sa bawat lakad ko kaya kampante ang loob ko. Matiyaga itong naghihintay sa labas ng dressing room habang nagbibihis ako ng damit. Abalâ ang lahat sa pag-aayos habang ang mga kasamahan ko ay may kanya-kanyang grupo, samantalang ako ay mag-isang inaayusan ang aking sarili. “Chloe, sweetheart, ikaw na ang susunod na sasalang, you still have 10 minutes so, be ready.” Napalingon ako mula sa pintuan ng marinig ko ang sinabi ng aking manager. Nagmamadaling inayos ang sarili, kahit na baguhan pa lang ako ay napakarami ng project ang iniooffer sa akin ngunit mas prioritize ko pa rin ang aking pag-aaral. Habang naglalakad patungo sa pintuan ay hindi nakaligtas sa akin ang mga matang mapanuri. Ang ilan naman ay matalim ang tinging ipinupukol sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at nagmamadaling lumabas ng dressing room. “Wow! Perfect, Chloe, I think hindi mo na kailangan pang magpractise dahil nagawa mo ng maayos ang lahat.” Nakangiting puri sa akin ng aming manager, isa itong bakla kaya medyo malandi itong magsalita gayun pa man ay napakabait nito sa akin. “Maraming salamat po,” nakangiti kong sagot, bumaling ako sa direksyon ni Emerzon at napangiti ako ng kumaway ito sa akin. “Hmm, alam ko ang mga ngiti na yan, boyfriend mo na ba ang lalaking iyon?” Tanong ng manager ko habang nakatingin sa nakatayong si Emerzon. “O-Opo.” Nahihiya kong sagot. “Infairness ang gwapo, pero huwag munang ibibigay ang bataan, hmm?” Anya na bahagya akong pinandilatan ng mga mata nito. Lumalim ang gatla ng aking noo dahil sa sinabi nito, at kahit hindi ko lubos na nauunawaan ang sinasabi nito ay tumango na lang ako bilang tugon. Nagpaalam na ako sa kanya at tumungo na sa dressing room upang magpalit ng damit. “Chloe, pwede mo ba akong tulungan, hindi ko kasi maabot ang zipper ng damit ko.” Nakangiti naman akong lumapit kay Melinda at izinipper ang damit nito sa likod. “Pakitapon na rin ito sa basurahan kailangan ko na kasing lumabas, thank you.” Utos niya sa akin pagkatapos kong izipper ang kan’yang damit. “Pasuyo na rin ako nito, total tapos ka naman na, thank you.” Sabat ng isa sa kanila na sa pagka-tanda ko ay kaibigan ito ni Melinda. Inilagay niya ang isang plastic na basura sa kamya ko bago ako tinalikuran nito. Maayos kong pinulot ang mga basura sa gilid upang itapon ngunit sa pagharap ko ay napasinghap ako ng may biglang nagtapon ng isang basong juice sa aking dibdib. Nabitawan ko ang mga basura na hawak ko kaya nagsabog ito sa sahig. Kaagad na inilayo ang damit sa aking katawan. Halos manginig ang katawan ko sa sobrang lamig ng juice. “Oh my, Jasper! Look nabasa na si Chloe.” Saad ni Melinda ngunit kapansin-pansin ang pasimpleng pagngiti nito habang nakataas ang kaliwang kilay. “Ops sorry, hindi ko sinasadya,” Nakangiting sagot ni Jasper, isa rin siya sa mga modelo dito at sa pagkakaalam ko ay boyfriend siya ni Melinda. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang malagkit na tingin nito sa dibdib ko na bumakat sa manipis na tela ng suot kong blouse. Halos nasa akin na ang lahat ng atensyon at hindi ko na alam kung ano ang gagawin. “Blag!” Nagulat ang lahat ng biglang bumagsak si Jasper sa sahig, sa pag-angat ng aking mga mata ay ang galit na mukha ni Emerzon ang sumalubong sa akin. “Akala mo hindi ko nakita ang lahat! Hayop ka sinadya mong buhusan ng juice ang girlfriend ko! Bakla kang hayop ka! Tumayo ka d’yan para malaman mo kung sinong binabastos mo!” Galit na bulyaw ni Emerzon dito. Natataranta na lumapit ako sa kan’ya at mahigpit na niyakap ang katawan nito. “T-tama na, please, Emerzon umalis na tayo dito.” Naluluha kong sabi na pilit itong hinihila palabas ng dressing room. “Kaya ka pinagsasamantalahan ng mga ‘yan dahil hinahayaan mo na ginaganyan ka nila.” Galit ng singhal niya sa akin, nagsimula ng manginig ang katawan ko dahil sa matinding nerbiyos at nagmamakaawa na tumitig sa kan’yang mga mata. Naramdaman yata nito ang matinding tensyon sa aking katawan kaya humigit ito ng isang malalim na hininga at sinikap na kalmahin ang sarili. “Tumawag kayo ng Guard at palayasin n’yo dito ang tagasquater na yan!” Nanggigigil na sigaw ni Melinda, namumula na ng husto ang mukha nito habang matalim na nakatitig kay Emerzon. “Hindi pa tayo tapos,” baling ni Emerzon kay Jasper na kasalukuyang nakaupo sa sahig. Nakita ko na marahas na dinampot ni Emerzon ang aking bag habang nakayakap ang kanang kamay nito sa akin. Iginiya ako nito palabas ng dressing room, halos hindi na maipinta ang mukha ng lahat habang masama ang tingin sa aming dalawa. “Okay ka lang?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Emerzon, tipid akong ngumiti sa kan’ya bago kinuha ang isang kamay nito. Kasalukuyan na kaming nandito ngayon sa tapat ng Mansion, hinatid na ako nito pagkagaling namin sa A&Z company. “Nang dahil sa akin napaaway ka, pasensya ka na kung pati ikaw ay nadadamay sa mga gulong kinasasangkutan ko.” Naiiyak kong wika habang mahigpit na hawak ang kanang kamay nito. Inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi. “Hindi ko hahayaan na saktan ka ng iba, mananatili ako sa tabi mo habang buhay, Mahal ko.” Malambing nitong saad habang hinahaplos ng hinlalaking daliri nito ang kaliwang pisngi ko. “Salamat, maraming salamat.” Puno ng kasiyahan ang puso ko dahil sa lalaking handa akong ipagtanggol kahit kanino. “Pumasok ka na sa loob ng bahay n’yo, saka na lang ako magpapakita sa daddy mo, nakakahiya kasi ang ayos ko.” Nakangiti niyang sabi, isang banayad na halik ang aming pinagsaluhan bago ko ito iniwan at pumasok na sa loob ng aming tahanan. Papasok na sana ako sa aking kwarto ng mapansin ko ang isang bulto ng tao mula sa veranda. Kahit madilim ay kilala ko kung sino ito kaya nilapitan ko siya at niyakap ito sa baywang. “Mukhang malalim na naman ang iniisip ng daddy ko, ah.” Malambing kong wika, kumilos ito at niyakap ako, saka masuyong hinalikan sa ulo,. “Iniisip ko lang kung nasaan na kaya ang kapatid mo, sana buhay pa s’ya, at dumating ang panahon na makita ko man lang siya bago ako mawala sa mundong ito.” Malungkot na saad niya. “Dad, nararamdaman ko na buhay pa si Alisha, maging ako ay umaasa rin na balang araw ay makita na natin siya.” Mahigpit na niyakap ako ng aking ama at ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Natigilan ako saglit at napahawak sa aking dibdib, bigla akong hiningal at kusang pumatak ang mga luha ko. “C-Chloe, Anak? Anong nangyayari sayo?” Nag-aalala na tanong ng aking Ama. “Dad, hindi ko alam pero bakit ang bigat ng dibdib ko, parang nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan.” Anya sa pagitan ng pagluha. “Si Alisha, Dad, nararamdaman ko s’ya.” Anya sa malungkot na tinig.” Binalot ng matinding pag-aalala ang puso ni Elias para sa nawawala niyang anak ngunit wala silang magagawa at tanging dasal na lang ang maaari nilang gawin para sa kaligtasan ni Alisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD