Chloe’s POV Isang buwan na ang lumipas mula ng makausap namin si Mr. Hilton at hanggang ngayon ay hindi na ito muling nagpakita pa sa amin, kaya naging panatag na ang loob ko. Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili dahil may pasok ako ngayon sa school. Third year college na ako sa kursong Fashion design dahil talent ko ang lumikha ng mga iba’t -ibang disenyo ng damit. Marami akong collection ng mga mamahaling damit na nagmula pa sa iba’t-ibang bansa, iyon ang kinahihiligan ko simula ng bata pa lang ako. Kapag weekdays ay sumasabak ako sa pagmomodelo kaya kahit papaano ay may sarili akong income, hindi pa naman ako ganun ka-sikat dahil baguhan pa lang ako sa mundo ng modeling. Nang makuntento na ako sa aking ayos ay lumabas na ako ng kwarto, napahinto ako sa paghakbang ng marinig