Chloe’s POV Lumabas ako ng kwarto upang labhan ang mga lampin na ginamit ng aking anak. Personal kong ginagawa ito dahil sinabihan ni Agatha ang mga katulong na huwag akong tutulungan. Kasalukuyan na akong bumababa ng hagdan ng lumabas si Agatha mula sa kwarto ng aking asawa. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy ako sa paghakbang pababa ng hagdan. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang bigla na lang may tumulak sa akin, dahil sa labis na pagkagulat ay hindi ako kaagad nakahawak kaya dire-diretso akong gumulong pababa ng hagdan. “Ahhhh!” “MADAM CHLOE!” Kasabay ng sigaw ko ay narinig ko ang sigaw ng katulong na si Jess. “Augghhh...” umuungol ako dahil sa matinding sakit na naramdaman ko mula sa aking likuran at balakang. Naramdaman ko ang mga kamay ni ni Jess na humawak sa aking ba