Chapter 2

1554 Words
Napapitlag si Katarina sa huling sinabi ng aroganteng may-ari ng hotel, pero pinilit pa rin niyang maging kaswal dito. "I'm his newly hired model, or at least I was." Taas baba niyang sabi, at pilit naman niyang tinatago ang panginginig sa kanyang boses. "He want me to meet here one of the owner of the modelling agency I'm applying for. End of the story." aniya at agad pinutol ang sinabi. It's a long story at ayaw na niyang idetalye pa rito ang lahat. Sana lang bigyan na siya ng maayos na damit nito at hayaan na siyang umalis. Masyado kasing bumibilis ang t***k ng kanyang puso pag kaharap niya ito. At saka nakakawala sa tamang wisyo ang nakakatunaw na mga titig nito. Juicekolord! Paano ba naging 'delectable' sa paningin niya ang damuho na ito? Para bang ulam ito na kay sarap namnamin. But from what she'd seen so far, he was an over-confident, insensitive jerk, idagdag pang mahangin ito at sobrang bilib sa sarili. At kahit masarap na ulam pa ang tingin niya rito mukhang hindi pa rin siya matutunawan. So he owned the hotel. So what? Wala siyang paki kung sinong poncio pilato ito at wala rin itong karapatan na e-bully siya. "I see." he said in the same wry monotone, as if she were sitting here in her underwear for his personal amusement. "I'm just confused, kung bakit nakahubad ka nalang na hindi mo alam kung nasaan ang mga damit mo?" "Ahh, so Filipino ka rin pala sir. Good, at least magkakaintindihan tayo. Ganito kasi yon, sir, hindi ko talaga alam na he'd booked us into the same suite. At yong..ininum naming wine kagabi ay may pampatulog pala iyon. Nagtiwala rin naman ako sa kanya dahil bakla siya at mukhang hindi manloloko." Tears of frustration stung Katarina's eyes. Napakurap-kurap naman siya upang hindi tuluyang tumulo ang luha niya. Paano ba siya naging ganito ka tanga? Kung nalaman lang sana niya nong una ang intensyon ng baklang iyon, eh di sana hindi humantong sa ganito. But she'd been eager to impress him, to prove she was worthy of the opportunity he was offering her, tuloy nahulog siya sa bitag. Nahulog siya sa isang malaking scam! Napalunok si Katarina bago nagsalitang muli. "Then are you going to press charges or not?" Ang dalawang segundong paghihintay niya sa sagot ng lalaki ay para ng dalawang dekada. Saka nakita nalang niya na binitawan na nito ang hawak-hawak nitong ballpen. "I guess not." sagot nito sa wakas na ikinahinga niya ng maluwag. "Thank you." aniya at pilit niyang ipinapakita rito na sincere nga siya sa sinabi niya. Salamat naman at hindi na umabot sa punto na magmamakaawa pa siya rito. "Kung ganoon, maari na ba akong umalis?" aniya sabay tayo. "Hindi pa, dahil hindi pa tayo tapos." sabi nito. To her dismay, he stood up too and walked around the desk towards her. My goodness, ang tangkad pala ng lalaking ito. He was tall and lean with a very impressive pair of shoulders filling out his pricey linen shirt. She was five feet four kaya kinailangan pa talaga niyang tumingala para matingnan ang lalaki. Gosh, ang laki ng height advantage nilang dalawa. "Wala na akong nakita na pwede pa nating e-discuss." turan niya at medyo huminahon na ngayon ang pakiramdam niya. "How about...?" Naputol lang ang sasabihin nito nang tumunog ang intercom nito. "Stay put," mando nito na para bang isa siyang aso. Kinuha na nito ang awditibo at sinagot ito. "Bourdeux." bungad nito sa tumawag. Tumalima na lamang siya sa sinabi ng lalaki, sa tingin niya kasi kailangan pa talaga niyang magpaalam kay Mr. s*x God na pupunta muna siya sa suite niya. "Uh-huh." napatango-tango ito sa kausap, halatang engrossed ito sa anumang sinasabi ng kabilang linya. "Did he say where he was going?" Nakikinig lang ito sa kausap habang ang mga mata naman nito ay nakatutok sa kanya. His eyes hardened and his beautifully sculpted lips flattened into a thin line. "What about ID?" sabi nito sa kausap at tila ba naiinis ito. Saka napapasuklay ito sa maalon-alon nitong buhok gamit ang mga daliri. "Sure. No, don't bother. I'll figure it out." huling saad nito at pabagsak na ibinaba nito ang telepono. Iminuwestra naman siya nito na umupo. "You better sit down." Irritation edged his voice but there was a touch of warmth in those remarkable eyes that hadn't been there before. Tuloy nagrambulan na ang mga lamang loob niya sa katawan. Umupo na rin siya pabalik. Ano pa ba ang kailangan nito sa kanya? Leaning on the corner of the desk, he crossed his long legs at the ankle. He was so close that Katarina could smell the intimate scent of soap and man. Ngunit ibinaling na lamang niya ang tingin sa ibang bagay. "Mr. Castle checked out already." anito na nagpabaling ulit sa atensyon niya sa lalaki. "Kung mabibigyan mo ako ngayon ng maayos na damit, aalis na rin ako dito sa hotel mo." aniya pa. She'd expected him to look overjoyed at the prospect of her departure. But he didn't, instead he looked pained. "Hindi ganoon kadali." anito na napahalukipkip. "Dahil pati raw yong luggage mo ay dinala rin niya." "Ano? So lahat talaga ng kagamitan ko dinala niya?" Napatango-tango ito. "Everything, ang iniwan lang niya sa reception desk ay ang ID mo." "Pero bakit ganon? Mga gamit ko yon eh." frustrated niyang sabi. He uncrossed his arms and braced his hands on the desk behind him, tilting his upper body forward. "Ang sabi raw ni Mr. Castle, na sabihin sayo na hindi ka natanggap sa inaplayan mong modelling agency, at hindi ka pa raw bayad sa lahat ng nagastos niya sa pagpunta mo rito kaya kinuha niya ang lahat ng kagamitan mo bilang kabayaran." "Pero..." medyo napapanic na siya at hindi na niya alam kung anong dapat sabihin. Paano ba nagawa ng baklang iyon na lokohin siya? Pinagkatiwalaan pa naman niya ito ng lubos. "Hindi niya pwedeng gawin sakin to. Mga kagamitan ko yon." Umaasa siyang panaginip lang ang lahat ng ito. Kaya kinurot niya ang sarili, pero hindi. "Paano pa ako makakabalik nito sa Pilipinas?" ----- Inasahan na ni Zech na magagalit ulit sa kanya ang dalaga. In fact he'd been looking forward to seeing her eyes spark with temper. Pero nang makita niya ang pagkabalisa at pagkadesperada ng mukha nito, bigla nalang siyang nakaramdam ng awa rito. Kung totoo mang bakla si Mr. Castle at niloko siya, hindi talaga nakakatuwa yon. Lalo na't iniwan nito ang isang babae sa isang estrangherong lugar na walang itinira kahit saplot man lang nito. Nakita niyang napayuko ngayon ang dalaga, and her fingers clutched together. Nang mapaangat ulit ito ng mukha, hindi pa rin niya ito nakikitaan ng kahit anong galit, instead she looked so devastated. At tila nga may luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata nito. Napahingos ito saka napatuwid ng upo at parang pinipigilan talaga nitong hindi tumulo ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata nito. Parang piniga naman ang puso niya dahil alam niya na pinilit lang ng babae na maging matatag. "Gusto mong tumawag ako ng pulis?" tanong niya dahil baka iyon nga ang tamang gawin. Ngunit napapailing lamang ito. "Pwede ba akong humingi sayo ng pabor?" His chest loosened. Here it came. Ano naman kaya ang hihinging pabor nito? Pera ba? Well, hindi na siya magugulat kung ganon nga. "Sabihin mo lang." "Pwede mo ba akong bigyan ng trabaho?" "Trabaho?" Seryoso ba ito? "Yes, pwede ako sa bar-tending at maging waitress dito sa hotel mo, o di kaya pwede mo ako gawing chambermaid." "Nagbibiro ka ba?" Sa itsura palang kasi ng babaeng ito mukhang may kaya naman ito sa buhay kaya nga siguro ito niloko. "Hindi ako nagbibiro." mabilis nitong tugon. "May working visa ka ba?" tanong niya, although he didn't know why kasi hindi pa naman siya pumapayag sa gusto nito. Ang ideya kasi na maging bartender, waitress o chambermaid ito ay hindi niya sinang-ayunan. "Yes, because I have a dual nationality. Ipinanganak kasi ako sa California." "Okay, look, we could work something out for you if you want, kahit hindi mo na kailangang magtrabaho pa. Ang kailangan mo lang gawin ay tumawag ng pulis, ipapa-hold mo ang flight ng boyfriend mo kung aalis man ito ng bansa at pagkatapos ipaaresto ito." "Excuse me, hindi ko boyfriend si Mr. Castle, talent manager ko lang siya at isa pa hindi iyon pumapatol ng babae dahil bakla nga ito." "Whatever he is, pero mali pa rin na ninakawan ka niya." "Hindi, ayokong tumawag sa mga pulis." anito pa. "Anyway, wala naman siyang makukuha roon sa luggage ko dahil tanging damit ko lang ang mga nakalagay doon. As long as gagamitin niya ang mga damit na yon. Yong plane ticket ko rin, sa kanya na rin yon dahil siya naman talaga ang nagbayad non." "Sure ka na wala ka na talagang nakalimutan?" Annoyance flashed in her face, but she kept her gaze locked on his. "Ano yon?" "Hindi ka pwedeng magtrabaho dito kung naka underwear ka lang." Napakurap-kurap ito sa sinabi niya at saka lang ito nagbawi ng tingin. Ano na naman ba itong pinagsasabi niya? hindi naman ito isang tuta na basta-basta nalang niyang pagsasabihan ng ganyan. Naku, Zech. Maging gentle ka naman. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD