Chapter 6: Caught

1551 Words
Kanina pa hindi mapakali si Belle sa likod ng sedan. Bukod kasi sa gulat pa rin at naguguluhan ang kalahati ng huwisyo niya dahil sa mga pangyayari, pakiramdam niya ay puputok na ang pantog niya dahil ihing-ihi na siyang talaga! They have been driving for a solid two hours now, non-stop! Ngayon siya talaga nagsisisi kung bakit pa niya tinanggap-tanggap ang offer ni Lee Ann. She was forced to do attend and socialize with people not within her crowd. She was persuaded to talk to Zyrone, the most infuriating man she had ever met, just to get an exclusive scoop for their magazine. And now she was forced to go with Zyrone to wherever godforasaken place he plans to go! Idagdag pa na malapit na siyang magkaroon ng sakit sa bato dahil sa pagpipigil niya ng ihi. Lihim siyang nagngitngit. Gigil niyang kinalabit ang likod nito. Sandaling gumewang ang sasakyan. “Dammit!” singhal nito bago inayos ang manibela. Mukhang nagulat ito sa ginawa niya. “H’wag mo nang uulitin ‘yon. Gusto mo bang mabangga tayo, Miss?” supladong paalala nito sa kanya. She rolled her eyes in annoyance. “E kasi Sir, hanggang kailan niyo ba balak mag-drive? Saan po ba talaga ang punta natin?” “Will you just shut up! I cannot think when you keep on talking” singhal nito sa kanya, lalo pang humigpit ang hawak sa manibela. She scoffed. No, she’s not going to have any of his bullshit anymore! She took in a sharp breath and lashed at him. “For your information, Sir, kanina pa po ako naiihi. At wala akong pakialam kahit abutin ka man ng isang century sa pagda-drive at pagmumuni-muni. Ang sa akin lang, pababain mo na ‘ko para makaihi na ‘ko, tapos!” Marahas itong nagbuga ng hininga. “You’re such a loud mouth, Restituta!” gigil na sabi nito, ipinukpok pa ang kamay sa manibela. Lalo siyang naimbyerna. “Kung ayaw mo pala sa maingay, sana hindi mo sinama-sama sa pagtakas mo! Bakit mo ba kasi sinama-sama sa pagtakas mo? E ‘di sana hindi ako naiihi ngayon!” “God, you just won’t shut up will you?” iritadong komento nito, bumulong-bulong pa nang hindi niya maintindihan. Hindi na siya sumagot nang mahagip ng paningin niya ang madaraanan nilang isang karinderya. Maya-maya na lang siya makikipagbangayan sa suplado. For now, she needs to damn pee! “Ipara mo d’yan sa karinderya,” aniya nang ilang metro na lang si karinderya. “Why?” “Anong why? Iihi nga po ako, ‘di ba?” Hindi sumagot si Zyrone. Subalit lihim siyang nagpasalamat nang marahan nitong ipinark ang sedan sa gilid ng karinderya. “Leave your bag and make it quick,” sabi pa nito bago siya bumaba ng sasakyan. Hindi na siya nakipagtalo dahil talagang ihing-ihi na siya talaga. Nagmamadali siyang umibis ng sasakyan at dumiretso sa counter. Nagpaalam siya sa ale na naroon sa kaha kung puwede ba siyang makigamit ng CR. Agad naman nitong tinuro sa kanya kung saan naroon ang CR. Nagmadali siyang humakbang patungo sa direksyong sinabi nito. And to her relief, nobody was using the comfort room and so she did her business with ease. Matapos niyon, naghugas siya ng kamay at humarap sa salamin. Ang dungis-dungis ng damit niya pero naka-on fleek ang kilay at lashes niya. At ang bibig niya, namumula pa rin dahil sa magandang klase ng lipstick na meron siya. Napabusangot siya maya-maya. Kaya siguro sabi ni Zyrone mukha siyang kaduda-duda. Sino ba namang hotel maid ang magme-make-up nang gaya sa kanya? Siyempre, wala. Napabuga siya ng hininga. Nararamdaman na ng katawan niya ang pagod. Sa dami ba naman ng pinagdaanan niya ngayong araw, kahit si Superman siguro, susuko. Idagdag pa na nakukunsumi siya nang husto kay Zyrone. Ano ba talagang plano kasi nito, isama siya da pagda-drive hanggang sa dulo nang walang hanggan? Jusko! lihim niyang usal, lalong nakunsumi. Maya-maya pa nakarinig siya ng malakas at sunod-sunod na busina sa labas. Ang suplado siguro iyon at hindi na makapaghintay. Nagmadali siyang tapusin ang ginagawa niya at lumabas ng CR. Pagbalik niya sa karinderya, nakatutok na ang mga mata ng aleng pinagtanungan niya at ng customers nito sa TV. She froze instantly when she saw a clip of herself on the TV screen. The short video clip showed the time when Zyrone was holding her hand before shoving her at the backseat of the car. Sunod namang ipinakita ang still photos na kuha noong nasa loob na silang sasakyan at tumatakas sa media! “The woman identified as lifestyle writer Belle Nolasco was seen escaping with Zyrone Craig, hours after he was stood-up by actress Audrey Enriquez on their supposed wedding at the Manila Cathedral. Fans of Audrey believes that their idol learned about the apparent cheating hence, she didn’t show up on her own wedding. We have yet to get the side of Mr. Craig or Ms. Nolasco’s side on the issue.” “Oh my god,” bulong niya. Tama ba ang dinig niya? Siya na ngayon ang kontrabida sa kuwento ng lovelife nina Zyrone at Audrey? Para siyang nabibingi. Gusto niyang magwala o ‘di kaya magwelga sa EDSA nang mag-isa. Paanong siya ang dahilan kung bakit hindi sinipot ni Audrey ang suplado e ngayon lang sila nagkita ni Zyrone nang harapan? Mabilis na bumangon ang inis sa dibdib niya. Kailangan niyang makausap si Lee Ann ngayon din. Magpapaliwanag siya. Hindi niya hahayaang masira siya dahil lang sa isang fake news na si Zyrone mismo dahilan! Noon tumingin sa kanya ang ale na nakabantay sa kaha. Sandali nitong pinaglipat-lipat ng tingin sa kanya at sa TV. “Miss, ikaw ba ‘yong kabit ng mapapangasawa sana ni Audrey Enriquez?” anito maya-maya. Kumurap siya. “H-hindi po, kamukha lang po siguro. S-sige po, t-thank you,” alanganing sabi niya bago nagmamadaling humakbang palabas ng karinderya. Subalit hindi pa man siya nakakarating sa sasakyan, lumabas na si Zyrone sa kotse at sinalubong siya. “Who are you?” tanong agad nito sa kanya, madilim ang mukha. Nagsalubong ang kilay niya. “Restituta—“ “Stop lying, dammit!” galit na putol nito sa kanya. Napalingon siya sa karinderya, lahat ng mga mata nasa kanilang dalawa na. Lihim siyang napamura. “Bakit ka ba sumisigaw?” gigil niyang baling dito. He scoffed. “I can recognize a lying face even from a mile away, Ms. Belle Nolasco.” He spoke her name like a sarcasm before throwing at her her corporate ID from Pastel. Agad siyang natigilan. Buking na siya. Buking na buking na siya! Oh well, mabuti na rin iyon dahil pagod na siyang magpanggap. Nagmamadali niyang pinulot ang ID niya. And then she realized, “Y-you went over my things?” “Why do you think I’ve asked you to leave your bag?” Kumuyom na ang mga kamay niya. Damn pee! She lifted her head a fraction, trying to recover to what seemed to be her downfall. “I’m not sorry for what I did. I was just doing my job,” sabi niya puno ng kumpiyansa. He scoffed. “And your job is to make an entertainment out of other’s misery? Is that called a job?” puno nang sarkasmong sabi nito. Kumibot ang labi niya, nag-init din ang pisngi niya. There’s truth to what he said and guilt filled her instantly. She used to be so proud of her job as a writer but that wasn’t one of her shining moments she must admit. Sana talaga, una pa lang, tinanggighan na niya ang alok ni Lee Ann. Zyrone is clearly devastated. Hindi lang ito nawalan ng kasintahan, napahiya pa ito at ang pamilya nito. It would take some time for him to recover. And she should’ve just waited for that time before she interfered with his life. “I-I’m s-sorr—“ He waved his hand to dismiss her apology. “I don’t need that,” anito bago ito bumalik sa kotse at pinaandar ang sasakyan. Nagmadali siyang humakbang. She tried to open the passenger’s side door subalit bago pa man niya iyon mahawakan, pinaharurot na ni Zyrone palayo ang kotse. “Hoy, ‘yong bag ko!” habol na sigaw niya rito. Subalit nagpatuloy lang sa paglayo ang sasakyan hanggang hindi na niya iyon matanaw sa kadiliman ng gabi. Napapadyak na siya sa inis. Totoo ngang iniwan siya nito pero tangay naman nito ang bag niya. Paano siya makakauwi nang wala siyang pera? Paano siya magtatawag ng tulong? Itinaas niya ang hawak niyang ID niya at lalong nagpapadyak. Ano namang gagawin niya ID niya? Pambugaw sa lamok? Panakot sa daga? Mangiyak-ngiyak siyang humarap sa karinderya. Nakamata pa rin ang lahat ng naroon sa kanya. Maya-maya pa, tumunog na ang tiyan niya sa gutom. Naglakas-loob siyang muling humakbang papasok sa karinderya at nagbaka-sakali. Balak niyang makisuyo ng text sa ale na nakausap niya kanina. She needs to let Lee Ann know where she is. “P-puwede po ba akong maki-text?” sabi niya, nakangiti. Umirap ang ale. “Hindi ako nakikipag-usap sa kabit,” sabi agad nito bago ito umalis sa puwesto nito at nagpunta sa kung saan. Ilang sandali pa, napuno na nang tawanan ang buong karinderya habang ang lahat ng mata nakatutok pa rin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD