Mahigpit na ikinapit ni Belle ang isang kamay niya sa guard rail ng staircase. Bahagya siyang yumuko at itinukod naman ang isang kamay niya sa kanyang binti at doon naghabol ng hininga.
“Sa ngalan ng pera at pahinga. Sa ngalan ng pera… at pahinga,” paulit-ulit niyang bulong, hinihingal pa rin. She needed to tell that to herself kasi kung siya ang tatanungin, ayaw na niyang magpatuloy.
Suko na siyang talaga sa kahibangan ng araw na iyon! E kaso ambisyosa siya. Gusto niyang sumuweldo nang walang ginagawa kaya kahit na nanginginig na ang mga binti niya, sige pa rin siya sa pag-akyat makarating lang sa lintek na penthouse ni Zyrone.
She would’ve taken the lift, kaso ang sabi ni Marie, isa sa mga hotel maid na nakausap niya kanina sa ibaba ng hotel, mula raw 10th floor, mahigpit na ang security ng hotel. Utos daw iyon ni Zyrone upang maiwasan ang unnecessary media presence sa hotel. At dahil wala siyang choice kasi ambisyosa nga siya, mula 9th floor, pinili na niyang maghagdan hanggang sa marating niya ang penthouse sa 19th floor. It would have been an easy feat, for others. Pero dahil hindi naman siya athletic at never siyang nag-exercise sa tanang buhay niya, pakiramdam niya, imbes na hanggang sa ituktok lang ng hotel ang punta niya, diretso langit ang kakahantungan niya!
Tumunog ang cellphone niya sa bag niya. Muli, lihim siynag napamura. Kahit na hindi niya tignan ang text message, alam niya kung kanino iyon galing, kay Lee Ann na wala nang ginawa kundi ang mangulit sa kanya ng detalye sa nakalipas na halos dalawang oras mula nang sundan niya ang pamilyang Craig patungo sa Gold Hotel.
She’s only one of the few member of the media na nakatunog sa pag-alis ng mag-anak na Craig sa simbahan. At that point, she was very confident that her task would be easy. Subalit nang makarating sila sa Gold Hotel, ni hindi man lang siya nakalapit sa pamilyang Craig. Agad na kinordonan ng security team ng hotel ang lugar. Lahat ng entrances at exits ng hotel, bantay-sarado. Idagdag pa na nagdagsaan na rin ang iba pa niyang mga kasama na naghihintay din para sa anumang balita kay Zryone Craig, the ditched groom of the year.
She was about to give up when she saw a familiar face exiting the hotel, her neighbor, Marie. Then an idea sparked in her mind. It would be a little bit dangerous but if she would pull it off, garantisado naman niyang makukuha ang isang buong buwan na sweldo niya habang nakahilata lang sa kama.
She will disguise herself as a hotel maid like Marie.
Noong una, hindi pumayag si Marie sa plano niya. Natural, ilalagay niya sa alanganin ang trabahong ipinambubuhay nito sa pamilya nito. Pero nakiusap siya, nanuhol din ng tatlong-libo mapapayag lang si Marie sa plano niya.
Iginiya siya ni Marie sa likuran ng hotel-- sa bintana na ‘di-gaanong kataasan. Sinabihan siya nitong akyatin iyon at magkikita raw sila sa loob ng silid na iyon. She did as she was told while Marie entered the door intended for hotel employees only. Nang maakyat niya ang bintana, sinalubong siya ng dilim at alikabok. She reckon that she was in an old and dingy stock room when she used her cellphone to light the place. Matatakot na sana siya, subalit segundo lang ang binilang nang buksan ni Marie ang pinto ng silid, sa kamay nito ay ang isang pares ng hotel maid uniform. Nagmadali siyang nagbihis sa dilim habang nakikinig sa sinasabi ni Marie tungkol sa security measures ng hotel. Ang bilin ni Marie, kapag natapos na niya ang misyon niya, iwanan na lang niya ang uniform nito doon at babalikan nito kinabukasan. Umoo siya, punum-puno ng kumpiyansa sa sarili.
Pero heto siya ngayon, halos wala pa sa kalahati ng misyon niya, nanginginig na ang mga tuhod at malapit nang maubusan ng hininga.
Muli siyang nagngitngit. Ano ba na naman kasi itong napasok niya? Ngayon siya naniniwala sa laging pangaral ng Mama niya noong nabubuhay pa ito, “Ang taong magpaghangad, mapasakanya man ang lahat, hindi pa rin sasapat.”
Napabusangot na siya, may sundot sa kunsensiya niya ang pangaral na iyon ng nanay niya. Iba rin kasi talaga siya, masyado siyang ambisyosa!
Habol ang hininga niyang tiningala ang ilan pang palapag na aakyatin niya para lamang makarating sa lintek na penthouse ni Zyrone sa Gold Hotel-Manila. Kaya pa ba niyang umakyat?
For a while she contemplated again on giving up but then again, naroon na siya. All she needed to do is to reach the penthouse and get that damn exclusive interview with Zyrone or anyone close to him.
“Just one detail. Just one exclusive detail,” sabi niya sa sarili bago tumuwid ng tayo.
Nagsimula siya ulit humakbang hanggang sa marating niya ang landing ng kasunod na floor. She was about to step on the next plight of stairs leading to another floor when the door leading to the stairwell opened.
Agad siyang napasinghap. Humigpit din ang kapit niya sa balustre ng hagdan. Hindi siya kasi makapaniwala sa nakikita niya ngayon sa harap niya. Right in front of her was the ditched groom himself, Zyrone Craig.
His face was stern and red, like a raging god in all his fuming anger aura. He was looking at her with narrowed eyes and furrowed brows. At ni hindi niya magawang magsalita. Ayaw tumulay ng talino patungo sa bibig niya. Pakiramdam niya napipi siya pansamatala. At wala siyang magawa kundi ang makipagtitigan din dito.
She felt her knees buckled with his presence. Tama nga ang sabi nila, Zyrone’s presence is intimidating. He screams of money, class and power— all the things any other woman would be so weak for. But then again she’s not any other woman. Mayroon siyang paninindigan, matatag at maasahan.
“Who are you?” anang malagom na tinig ni Zyrone. Ang mga mata, nasa kanya pa rin. Naniningkit pa rin. “You’re a hotel maid? I don’t seem to recall your face amongst my employees,” sabi nito, humakbang na palapit sa kanya.
“Ha? A… e… b-bagong hire lang po ako, S-Sir,” kandautal na paliwanag niya, mahigpit pa rin ang kapit sa balustre ng hagdan.
Lalong nagdikit ang mga kilay nito. “What are you doing here?” tanong ulit nito.
Lumunok siya, kumurap, at mabilis na nag-isip. “M-may ano po… m-may nagtawag ng housecleaning sa ano… s-sa taas.”
“Why didn’t you use the lift then? At nasaan ang cleaning trolley mo?” tanong ulit nito, humakbang ulit palapit sa kanya.
My god! Question and answer portion!
Naramdaman niya ang muling pamamawis ng mga singit-singit ng katawan niya dahil sa mga tanong ni Zyrone. Mas masahol pa iyon sa panel interview noong nag-apply siya sa trabaho.
“A-ano po k-kasi… ano… takot po ako sa elevator. O-oo ‘yon! Takot ako sa elevator, S-sir,” alanganing paliwanag niya.
Sandali siyang tinitigan ni Zyrone, mukhang hindi pa rin kumbinsido.
“What’s your name again?”
Kumurap siya nang manginig ang ilang facial muscles niya. Madalas mangyari ‘yon tuwing nagsisinungaling siya.
“R-Restituta D-Dimaculangan po,” sagot niya sabay ngiwi. Hindi naman sa pag-aano, pero ang bantot ng pangalang naisip niya.
Zyrone huffed, murmuring something she doesn’t understand. Maya-maya pa, nakarinig sila ng mabibilis na kaluskos sa hallway.
Bumaling ito sa kanya bago mabilis na hinagip ang kamay niya at isinama siya sa pagbaba nito sa hagdan.
“E, S-sir, s-sandali,” reklamo niya. “Maglilinis pa po ako sa ano—“
“You look suspicious. You’re coming with me,” putol nito sa kanya habang madali itong bumaba ng hagdan. He was holding her wrist too tight, mukhang wala siyang balak pakawalan talaga. Wala tuloy siyang nagawa kundi sumunod na lang dito dahil kung hindi mangudngod siya sa hagdan. “You might come in handy when I get out of this building” dugtong pa nito.
Get out? Aalis ito. Saan ito pupunta? Tatakas ba ito? Magtatago? Pa’no na ang exclusive scoop niya? Dito na lang niya kaya ito interviewhin.
Ngumiwi siya. Baka mauna na siya sa first floor kapag ipinagulong siya nito sa hagdan dahil sa inis.
Malapit na nilang marating ang first floor landing ng staircase nang makarinig siya nang marahas na pagbukas ng pinto mula sa sa itaas ng stairwell.
Sabay silang napatingala.
“Sir!” sigaw ng lalaking kalbo na nakatunghay sa kanila ilang palapag ang layo mula sa kinaroroonan nila. Pamilyar ito sa kanya—kasama ito sa security ng hotel.
“s**t!” anas ni Zyrone, lalo pa itong nagmadaling bumaba ng hagdan. Pagdating sa first floor, tinulak siya nito palabas ng lobby. “Nand’yan pa ba?”
Naguguluhan siyang bumaling dito. “H-ha?”
“I mean the media people outside. Nand’yan pa ba sila?”
Bahagya siyang sumilip sa entrance ng hotel. Blockbuster and pila ng reporters sa labas—all looked desperate for a news scoop. And she can’t help but be proud of herself dahil sa dami nilang iyon, ang iba pa mga batikan na talaga sa news reporting, siya lang ang nakaisip na gawin ang ginawa niya.
Minsan talaga, naiisip niya na baka nga gifted child din siya, hindi lang halata.
“Hey, Miss! Quit daydreaming!’ gigil na pukaw ni Zyrone sa kanya maya-maya.
Agad na nalukot ang mukha niya.
Suplado pa rin talaga, lihim niyang usal. Pinigil niya ang umirap bago sumagot. “Marami pa po sila, Sir. Hindi po ‘yan sila mauubos hangga’t hindi kayo nakakausap. Kaya kung ako sa ‘yo, ikuwento niyo na lang sa ‘kin ang nangyari at ako nang magkukuwento sa kanila.”
Zyrone scoffed. Bumulong-bulong ulit. Maya-maya pa, lumingon ito bago nagmamadaling lumabas sa stairwell, hinila siya nito ulit patungo sa isang hallway malapit sa lobby ng hotel. They stood behind a big indoor plant—too big to hide both of them from passers by.
“My parent’s security team have been following me. Kailangan kong makaalis dito nang hindi ako napapansin. Think of a way,” utos nito bago nito inalis ang coat nito, ang naiwan na lang ang long sleeves polo nito na mabilis nitong inirolyo hanggang sa siko nito. “I’m giving you ten seconds to think,” sabi pa nito.
Lalong nalukot ang mukha niya. Wala sa sarili siyang namaywang. Ito ang tatakas tapos siya ang mag-iisip ng paraan? At may time pressure. Ano iyon, quiz bee?
Pabukas na sana ang bibig niya para magprotesta nang bigla siya nitong isinandal sa dingding at niyuko. Air became scarce in an instant when his face hover just a couple of inches away from hers.
“They’re here. The security team is near and looking for me. Be still, Miss,” he declared, his breath fanning on her face. He smelled of mint, lemon and a little bit brandy. And she found his scent domineering—sexy and lethal.
Nanatili sila sa ganoong ayos hanggang sa marinig niya ang mabilis na pagdaan ng mabibigat na yabag. After that, Zyrone eased and took a couple of steps away from her. He looked at his watch. “That’s it. You’re time is up. Tell me, paano ako makakalabas dito sa hotel nang hindi ako napapansin.”
Kumibot-kibot ang labi niya. Gustong-gusto niya talagang magreklamo but that will blow her cover off. She willed her brain to think until an idea clicked in her mind.
“May alam kong labasan, Sir pero sabihin niyo muna kung bakit kayo tumatakas,” dire-diretsong sabi niya. Nanalim agad ang mga mata nito.
“And who are you to question me?” gigil na sabi nito.
Napakurap siya sa gulat. “S-sabi nga, Sir, mag-iisip na,” aniya alanganin.
Mukhang kailangan na talaga niyang tanggapin, hindi siya makakakuha ng exclusive interview sa ubod ng antipatiko na si Zyrone.
“Miss, I’m waiting,” untag nito sa kanya maya-maya. Nang hindi siya makasagot, muli itong sumilip sa mga uwang ng halaman kung saan sila nagtatago.
Umirap siya. Talagang kunsumido na siya. She doesn’t care anymore about her disguise. Kung wala rin lang siyang mahihita sa suplado, mabuti nga sigurong umuwi na siya. Walang imik siyang naglakad pabalik sa stock room na pinanggalingan niya kanina.
Uuwi na siya. Bahala na.
Itutulak na lang niya ang pinto ng stock room nang may magsalita sa likuran niya. “Maalikabok d’yan. Papasok tayo d’yan?”
Gulat siyang humarap dito. “S-sumunod ka?”
Nalukot na ang mukha nito. “Of course, I asked you to take me out here haven’t I?”
Mas lalo siyang nakunsumi. Paano siya papasok sa stockroom nang nakasunod ito? Paano siya magpapalit?
“What are you waiting for? Open it, now!” nagmamadaling utos pa nito. Nang hindi siya gumalaw ito na ang nagbukas ng pinto. Nagmamadali itong pumasok sa stock room at nakita ang bintana kung saan siya pumasok kanina. She had left it open for just in case moments. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito.
“You go first,” anito, tinuro ang bintana.
“Ha?”
“I said you go first. I want to make sure that it’s safe to climb out of this window, kaya mauna ka,” anito.
She scoffed. Ibang klase talaga ang suplado, mahilig manigurado. Siguro kung ito ang kasama niya sa isang zombie apocalypse, baka siya ang ginawa nitong alay.
Nagngingitngit man, sumunod na rin siya. Ibabalik na lang niya kay Marie ang uniporme nito pag-uwi niya mamaya. Kahit wala na siyang makuha sa mga ipinangako ni Lee Ann sa kanya. Ang importante, makauwi na siya. Kunsomido na siyang talaga kay Zyrone. Kaunti na lang hindi na niya ito matitiis pa.
“Antipatiko,” bulong niya, habang inilulusot niya ang hita niya palabas ng bintana.
“What did you say?” anito, inis.
“Wala, Sir. Ito na nga palabas na ko sa lungga,” sabi niya, pairap. Nang makalabas siya, nagmadali naman itong sumunod.
“Now what?” anito habang nagpapagpag ito ng alikabok damit nito.
“Nakalabas ka na, Sir. Tapos na ang misyon ko, uuwi na ‘ko,” supladang pahayag niya bago sinubukang humakbang palayo. Subalit mabilis nitong hinuli ang isang kamay niya at pinigilan siya.
“You cannot leave just yet. You need to get me a car,” nagmamadaling utos nito.
Namaywang na siya. “Naku, Sir. Pasensiya na. Laking riles lang ako pero hindi ako carnapper.”
He scoffed. “s**t!” anas nito maya-maya bago siya hinila sa mga service cars ng hotel na naroon lang sa malapit. Sumakto namang mayroong dumating na itim na sedan at nagbaba ng ilang tauhan ng hotel.
“Give me the car,” nagmamadaling utos ni Zyrone sa driver ng kotse.
“Sir Zyrone!” malakas na sabi ng isang empleyadong kababababa lang.
The yell caught the attention of a reporter smoking on the side of the hotel. Next thing she knew, tumatakbo na sa direksiyon nila ang mga reports na nasa harapan ng hotel.
“Give me the damn car, now!” gigil na sabi ni Zyrone sa driver. Taranta namang tumalima ang driver. Bumaling si Zyrone sa kanya. “Get inside the car!” sabi nito sa kanya.
Sandali siyang nataranta, bakit siya nito isasama?
She would’ve protested but Zyrone hurriedly opened the car's backseat door and pushed her inside the car. After that, he quickly settled himself at the driver’s seat. Ilang sandali pa, pinaharurot na nito ang sasakyan palayo.