“Nabeel, wait lang! Bakit ka ba nagmamadali?” Madapa-dapa si Gervis sa paghabol sa kaibigan. He looked back from where they came from, he can only see little of Hebron. Looking around, he knows they will encounter shallit any time soon.
“Oi! San ba tayo pupunta?” Muntik bumangga si Gervis ng biglang humarap si Nabeel sa kanya
“Ay puso ng papayang hilaw!” Bumagsak ang lalaki paupo sa lupa. Under normal circumstances, matatawa si Nabeel. Si Gervis lang ang nakakapagpatawa sa kanya, pero hindi Ngayon.
“Ako lang ang may pupuntahan, umuwi ka na!”
“Sobra ka naman kung ipagtabuyan mo ako, it hurts ha!.” Tumayo si Gervis at pinagpagan ang sarili.
“Eww kadiri, ang dumi ko na, kainis!”
Huminga ng malalim si Nabeel, kung panong pumasa na maging Jabezzite warrior ang kaharap ay hindi nya Lubos maisip. Gervis is not a typical man. Mas malambot pa sa tunay na babae kung kumilos ito at ni hindi sigurado ni Nabeel kung handa ba ito sa isang tunay na labanan.
“Kaya nga umuwi ka na!” Bulyaw ni Nabeel
“Ayoko nga, kung hanapin ka nila sa akin anong sasabihin ko?” Patuloy pa rin sa paglalakad ang Dalawa. Si Nabeel ang naglalakad, si Gervis ay habol lakad dahil mapilantik ang balakang nitong parang diring-diri sa daan.
“Sabihin mo, igaganti ko si Ama.” Punong-puno ng galit ang boses ni Nabeel.
“HUWAAAAT?!? Alamat!" Napatili si Gervis sa gulat.
"Frieeeend wag ganun. No! No! I can’t.” Hinatak ni Gervis ang braso ni Nabeel para pigilan ito.
“In fairness namatay na hero ang tatay mo, kaya please lang umuwi na tayo boyfriend. Mag-aalala ang nanay mo.” Gervis begged na may kasama pang pagpadyak sa lupa na parang bata. Pilit kinakalas ni Nabeel ang kamay ni Gervis para makapaglakad ulit ito.
“Anong silbi ng Patay na hero? Ni hindi nga nila nailigtas pati ang bago nating magiging pinuno.”
“Pero sabi ni boss Cortez, marami ring napatay ang iyong fadir na mga rafa, kaya di naman totally walang silbi si pinunong Ahab.”
“Pero sabi rin ni Cortez na may nakatakas na isa, kailangan naming mag-harap. Bitiwan mo nga ako!” Binalya ni Nabeel si Gervis pero lumuhod lang ito at parang batang kumapit sa binti ni Nabeel, nagmamakaawa.
“Please…nag-aaral pa lang tayo, pano tayo makakalaban sa mga rafa.”
“Para kang t*nga!” Nabeel tried to wiggle Gervis off his leg.
Like his father Ahab, Nabeel is one of the smartest and strongest 3rd level trainee who is studying the Prayer of Jabez as a warrior. Malaking lalaki si Nabeel sa height na 6’2. Contrary sa maamo nitong mukha ay napakasungit nito kung magalit at palaging seryoso sa buhay.
“Bitiw sabi! Isa!”
“Dalawa!”
“Hindi ako nagbibiro Gervis!”
"AYYYY!" Sumubsob si Gervis lalo sa binti ni Nabeel nang akala nitong sasapakin sya ng kaibigan. Pero hindi tinuloy ni Nabeel ang akma. Ganun lang sila ni Gervis parang aso't pusa.
Kumalas din si Gervis eventually, kumpara kay Nabeel, maliit ito at payat, although sa edad na 25 ay matanda ito ng tatlong taon sa lalaki. Alam nitong isang malakas na sipa lang ng kaibigan ay lilipad sya malayo.
Nang makawala ay muling naglakad palayo si Nabeel. Tumayo si Gervis at Tahimik na sumunod sa kaibigan ng pakendeng kendeng.
“Umuwi ka na!” Singhal na naman ni Nabeel pero hindi tiningnan ang kaibigan. Tumaas lang ang kilay ni Gervis na nakasimangot, saka unti-unti itong Ngumiti.
“Laban ko ito! Kung hindi ako lalabas sa Hebron, hindi ako matututo bilang warrior, kaya umuwi ka na!”
Patlang. Marami pang rantings si Nabeel pero parang wala syang kausap. Aminin o hindi na-puzzle si Nabeel sa hindi pagkibo ng kaibigan pero ramdam nyang sumusunod ito sa kanya.
“Hindi ka talaga uuwi?” Biglang humarap si Nabeel kay Gervis galit na galit, noon sinunggaban ni Gervis ang kaibigan at hinalikan ito sa labi.
Malakas na sigaw ang umagaw ng pansin sa kumpulan ng mga shallit hindi kalayuan kung saan naroon ang magkaibigan.
******
Tirik na ang araw nang marating nila Mona at Vera ang malaking gate palabas sa Agar. Vera's heart is pounding in fear while Mona is clutching her hands, dragging her farther and farther away from her house.
"Kailangan nating makita ang bagong bukas na mall sa labas. Walking distance lang ito sa gate, promise uuwi tayo agad." Pamimilit ni Mona. Vera thought she'd be hanging out with Mona in their usual spot near their houses.
"H..hindi ako pwedeng lumayo Mons, alam mo naman na wala akong tatak. Pag may nangyari sa akin eh hindi ako pwedeng tulungan ng kahit sino." Bulong ni Vera sa kaibigan
"Ano ka ba? Kasama mo ako! Isuot mo ito para isipin nilang markadong pagkain ka na, dali!" Mona handed Vera a hoodie. Ito ang madalas suot ng mga markadong pagkaing gumagala sa community nila. Sensitive na sa sikat ng mainit na araw ang mga markado kahit hindi pa ito mga rafa.
Mona is Vera's only friend in Agar who approached her when she first arrived in the community. Though two years younger than her, she likes Mona, who at 18 knows more about the new world. Vera is fascinated with things she learned from her. Gustong-gusto naman ni Mona ang kainosentehan at pagiging sheltered ni Vera, pakiramdam nya ay superior sya sa tuwing kasama ito.
"Hoy Mona lakwatsera! San ka na naman pupunta ha?" Si Chico na bantay sa gate, gaya ni Mona ay may tatak ito pero hindi pa markado.
"Ewan ko sa iyo!" sinimangutan ni Mona ang lalaki at nilampasan lang.
"Bumalik kayo kaagad kundi sasaraduhan ko kayo ng gate." sigaw nito
"M...Mons..." Vera tried to pull Mona away from the gate. Takot na takot sya
"Ano ka ba? Joke lang yun! Kilala ko yang si Chico."
"Ba't ang sungit mo sa kanya? B..baka magalit sya tapos...yung gate..."
"Hmp! May gusto sa akin yun. Kaya panay ang papansin. Nakukulitan lang ako."
"Ayaw mo ba sa kanya?"
They are already outside of Agar's protective gate.
“Asus! Bakit ako magkakagusto sa kanya eh mahirap din yun gaya natin. Sayang naman ang ganda ko. Tapos ano? Magkaka-anak kami? Anong ipakakain namin? Hay naku Vera sa panahon ngayon kailangan maging praktikal ka!"
It's true, with her emerald chinky eyes, light complexion, and blonde long straight hair, Mona is very pretty just like most of the girls in Agar. Minsan na-i-insecure si Vera sa kaibahan ng itsura nya, bukod sa illegal sya dahil wala syang tatak Sobrang angat din ang kakaiba nyang anyo. Her bronzed skin shimmers against any light. With deep set of expressive hazel eyes too big for her small heart-shaped face, her thick and lush eyebrows and eyelashes don't help tone down her appearance. Not to mention her wild of a luxuriantly frizzy brunette hair that flows to the level of her breasts. Palagi nya itong tinatali pero lumalaban ang katigasan ng ulo ng kanyang makapal na buhok. Ugh! How can she remain discreetly hidden when everything about her is screaming for attention.
Sa labas ng gate ay nakasalubong sila ng delivery cart na hatak ng kasno.
"Aling Marie, ang dami nyan ah!" Sigaw ni Mona sa babaing nag-uutos sa sakay ng kasno kung san dapat i-deliver ang mga dumating na supplies. Napalunok si Vera, nagutom sya bigla sa daming balot ng mga pagkaing nakita sa delivery box.
"Alam mo na, padala ni Enrico. Ang ate mo ba ay nagpadala na rin ng package sa inyo?"
"Sa isang linggo pa siguro..."
Tumango lang si Aling Marie at saka kumaway sa kanila habang papasok ng gate.
Several meters away from the gate, Vera saw the mall that Mona is talking about. Several people are coming in and out of the structure that looks like a warehouse. Nakampante si Vera sa pakiramdam na safe naman pala sya. For 6 years she imagined the place crawling with shallit, pero maraming tao at markadong nasa paligid ng mall, malaya at mukhang masasaya.
Mona walked ahead of her dancing in her summer dress with spaghetti strap and knee high semi balloon skirt. Samantalang init na init naman si Vera sa suot nyang hoodie. Inggit na inggit sya kay Mona na parang batang Malayang nag-ti-twirl pa sa kalsada. Hinipan nya ang sarili para may pumasok na konting lamig sa kanyang hoodie, pero pati hininga nya ay mainit din.
”Di bah? Kaka-excite! Ang balita, i-e-extend ang gate natin at magpapatayo pa ng mga bagong kabahayan sa paligid ng Agar. Mukhang umaasenso na ang community natin Vera dahil parami na ng parami ang population natin.“ Huminto si Mona para hintayin si Vera. Up close, Vera saw Mona’s numbers marked on her shoulder.
Napanganga si Vera nang makalalapit sa mall.She can see through the glass door and portion of the wall that there's fresh food, grocery supplies, and clothes inside. Malapit na sila sa entrance ng mall nang nahatak ni Vera si Mona pabalik, muntik pang madapa ang kaibigan.
"A..ay! Oo nga pala…”. Napaatras si Mona bago ma-scan ng gwardya ang tatak nya. Iritable naman Silang pinatabi ng mama para i-scan ang tatak ng ibang customers.
Bukod sa tatak ng tao, kagat ng bampira naman ang pinapakita ng mga markadong pagkain sa gwardya para makapasok sa loob.
"Okay lang ako dito sa labas... hihintayin na lang kita." Sabi ni Vera
Huminga ng malalim si Mona.
"Kasi naman girl, patatak ka na. Anong petsa na? Either mabilasa ka dahil tumanda ka na lang or malosyang ka kakaanak. Ayaw mo bang pumunta sa ibang lugar maliban sa Agar?"
"Eh...hindi kasi kami... ang tito ko kasi...alam mo naman na hindi kami..." Vera doesn't know how to explain her situation to Mona.
"Oh sige na, wag ka nang ma-depress. Wait lang, ako ang bahala sa iyo." Mona pulled Vera's hand once again and dragged her on the side where they saw a row of dispensing machines.
"Pati ito hindi ka pwede no?"
Pinasok ni Mona ang kanang kamay hanggang braso sa loob ng butas ng machine. Pagkatapos ay maraming pinindot ito, maya-maya ay malaking karayom ang gumalaw sa Loob ng butas at tinusok ang braso ni Mona. Vera's eyes widened when she saw the needle pierced through Mona's skin and generous amount of blood is extracted out of her.
"Ouch!" Mona winced and blinked at her at the same time.
“M…masakit?” Nag-aalalang tanong ni Vera bago sya umiwas ng tingin sa ginagawa ni Mona. She felt weak on her knees just looking at how Mona's blood is being transferred to a glass bottle connected to the large needle.
“Sanayan lang.”
Matapos ay nilinis ng machine ang sugat ni Mona at binendahan na rin ito. Nang ilabas ang kamay ay may pinindon na button ulit ang kaibigan saka pina-scan Nito ang marka sa balikat.
On the screen, Vera saw Mona's picture from when she was only 13 and bunch of symbols she cannot read.
“May credit points ka na sa iyong tatak. Pwede ka nang mamili. Enjoy!” Nagulat si Vera sa automatic voice na lumabas sa machine. Natawa naman si Mona sa kainosentihan ng kaibigan.
“Viola! Dugo para sa credit points, may pang shopping na tayo!”
"S..sino ang umiinom ng dugong naiipon sa dispenser?"
“Mga markado, lalo yung malapit nang maging rafa. Gusto na rin nila ng dugo pero hindi pa sila pwedeng uminom mula sa buhay na tao. Hindi rin naman sila pwedeng bumili sa Kamara dahil wala pa silang malaking pera. Pero oras na maging rafa sila, yown… instant richness, ang saya di ba?!”
Vera's mind is racing, what if she sells her blood this way and credit the points to Mona's mark? Eh di hindi na nya kailangan pang pumunta sa Kamara para magpa-register or ibenta ang dugo sa rafa. Payagan kaya sya ng uncle nya? Gusto nya lang namang sumaya ang tita Yna nya.
“Hoy! Bibili ka ba o ano?!?” Galit na Boses ang narinig ni Vera sa likuran nya. Bago makatingin ay naramdaman ng dalagang tinabig sya ng nasa likod para patabihin sa gilid. Pulang hoodie na lang ang nakita ni Vera na nagpa-scan ng kagat sa machine. Mula dito ay gumalaw ang mga bote at bumagsak sa dispenser na agad namang Kinuha ng markado.
Mesmerized by all the new information she's learning, she can't take her eyes off what the marked slave is doing. Kung hindi pa sya hinatak ni Mona ay mapapanood pa ni Vera pati ang pag-inom ng markado ng dugong nasa bote.
“Anong gusto mong regalo ko sa iyo, birthday mo di ba?” Tanong ni Mona habang naglalakad sila pabalik sa entrance ng mall. Vera is actually glad that Mona grabbed her away from watching the marked slave drink blood. She knew she'd passed out in disgust if she witnessed it.
“H..huh? Wag na Mons, sobrang nakakahiya na…”. Yung isiping binenta ni Mona ang dugo Nito para lang regaluhan sya, grabe naman!
"Hmp! Basta dito ka lang ha at umarte ka na isang markadong pagkain.” Mona just sighed in frustration dahil hindi nya masama si Vera sa loob ng mall.
"Dun tayo sa likod magkita, may ginawa daw magandang park dun." Yun lang at pumasok na si Mona sa loob after nyang ipa-scan ang tatak nya sa gwardya.
Vera likes the park, kahit fake ang mga puno at damong naka-landscape dito. Marami-raming tao at bata ring naglalaro habang ang iba ay naka-upo sa benches at masayang nagpi-picnic. She wished pwede ang mga pinsan nyang maging malaya gaya nila.
Humanap si Vera ng pwestong hindi masyadong matao. Wala lang scenery sa park, except endless desert. Mabuti na lang at makapal ang facemask na suot ni Vera kaya protected sya sa tuwing humahangin ng alikabok sa paligid.
Alone in her thoughts, Vera remembers her parents. She's miles away from her own community where her parents are burried. There's no way for her to visit them. Gamit ang ilang pirasong batong may simbolong pinagbabawal na sinulat gamit ang dugo ni Gideon, ay nagawa ni Samuel na maayos ang libingan ng mga magulang ni Vera para hindi ito hukayin at babuyin ng mga shallit o rufus.
"Balang araw ay mabibisita ko kayo, inay... itay..." Sambit ni Vera sa kanyang isip sabay patak ng luha dahil sa sobrang lungkot at pangungulila.
"Nay, tay... sorry po. Nagdesisyon na akong...hindi ko na matutupad ang pangako ko na hindi ko dudumihan ang dugo ko. Hindi ako matapang at malakas na kagaya mo tay. Siguro ito talaga ang tinakda ng tadhana para sa akin." Vera discreetly wiped her tears, fearing others may see her.
"Nahihirapan na rin si tito Samuel. Ako na ang magpapalaya sa kanya sa pangako nya sa inyo. Sinubukan nya naman nay... tay... pero super unfair na. Tama si tita Yna, sobra-sobra na..." Vera sighed deeply. The defeat is painful to accept but her heart grew lighter somehow.
"S..shallit...horde ng mga shallit!" Sigaw ng mga taong gaya ni Vera ay nakatambay lang. Noon natanaw ni Vera mula sa malayo ang maraming taong tumatakbo sa gitna ng mainit na tuyong desyerto. Mga taong hindi mukhang tao ang pasugod na tumatakbo palapit sa kanila.
Nakipanic si Vera sa nagkakagulong mga tao. Most of them were able to enter the mall before the metal walls are pulled down to lock the people safely inside. Everyone can enter, except Vera.
The unlucky ones who were too far away to get inside the mall, like Vera, run around screaming for help. Vera tried to look for Mona, not knowing if she's to wait for her or not. Ito ang first time nyang makaka-encounter ng mga shallit. Sa takot ay nakisigaw at nakitakbo lang si Vera habang kinakapa ang nakatagong kwintas na may simbolong pinagbabawal sa loob ng hoodie nya.
In panic, Vera failed to see someone following her until it's too late. She was grabbed from behind and forcefully turned around in the opposite direction.
"Hindi ka markado!" Ito ang sabi ng lalaking dumakma kay Vera nang binaba nito ang facemask nya. Nakahoodie ito ng pula. Nanlaki ang mga mata ni Vera, naalala ang pulang hoodie.
"B..bitiwan mo ako!" Sigaw ng dalaga. The hoodie covering her head was also removed due to their struggle.
Ngayon lang nakakita ng markado si Vera nang malapitan. There's occasional visitors in their house when Gido is drinking with them, but she only heard of them not see them up close. Samuel is very protective of everyone especially when Gido's visitors are rafa.
Nanlilisik ang sobrang yellow orange na mata ng markado na tila puputok at dudugo anytime. Pero hindi ito ang nakakatakot sa paningin ni Vera kundi ang tila buko-bukol sa mukha nitong lumalakad sa balat ng lalaki na animo'y maliliit na ahas.
"AHHHHH! B..bitiwan mo ako!" Lalong sumigaw si Vera nang amuyin sya sa leeg at singhutin ang kanyang balat ng lalaking mukhang demonyo ang distorted na mukha.
“Hmmm ang bango bango mo. Ikaw yung mabango na naamoy ko kaya inubos ko lahat ng dugo sa dispenser.” The slave is hugging her tightly that Vera couldn't breath or even struggle anymore to break free. The marked slave is too strong.
In between the horde of shallit nearby and the marked slave licking her neck, Vera felt her end.
“Akin ka! Akin ka na lang!” Hayok na hayok na bulong nito sa kanya sabay ungol nito na parang hayop.
Vera's eyes widened as the marked slave looked at her again. The face of the man is swarming with moving wormlike bulges and his eyes are now bloody red.
"Ayokoooo!" Vera screamed as he carried her on his shoulder like an animal.