She can’t stop biting the bloody fruit.
“Ayoko na!” Gustong sumigaw ni Vera pero punong-puno ng dugo ang bibig nya.
Ayaw pero muling kinagat ng dalaga ang duguan prutas, ramdam nya ang pag-agos ng napakapulang likido mula rito patungo sa kanyang mga labi. Nang Titigan ang prutas ay isang malaking ahas ang lumabas sa pinagkagatan nya rito. Ang malaking bibig ng ahas na kakagat sa mukha nya ang nagpabalikwas kay Vera. Hingal at pawisan ang dalaga nang magising.
Andoon na ang mga pinsan sa loob ng kanyang kwarto. Abot-abot pasalamat ni Vera na panaginip lang pala ang lahat. She slept late despite her uncle’s assurance na babantayan sya Nito. Takot pa rin sya sa nangyaring pagpasok ni Gido sa kanyang silid Kagabi. Sinundan pa ito ng isang bangungot.
“Gising ka na?” Malambing na Tanong ni Steph, ang toddler na bunso ng tito Samuel nya. Utal-utal pa ito pero naintindihan naman ni Vera.
Umakyat si Vera sa itaas ng bahay kasama ang tatlong bata. Gutom na ang mga ito kay pinasok na sya sa kanyang kwarto. She discreetly went outside the house to get their daily food ration from Laabtha, group of rafa and marked slaves in-charge of protecting their community. Iniiwan na ng lupon ang supot ng pagkain sa kanilang pintuan kada umaga.
Nabungaran ni Vera si Corazon, ang asawa ni Gido, kasama Nito ang Dalawang batang anak. It’s obvious from Corazon’s puffy eyes that she’s been crying all night. May mga pasa at kagat itong nakita ni Vera nang hindi sinasadyang lumaglag ang suot nitong pashmina.
Gido is violent with Corazon, specially in bed. The whole house can hear Corazon screaming in pain every-time Gido is having s*x with her.
Rejected bilang markado si Corazon sa Kamara, ang shopping center kung saan namilili ang mga bampira ng pagkain. Dahil mababang uri ang dugo nito, hindi rin ito nakakuha ng rafa na mag-i-sponsor sa pagpapalahi sa kanya. Sakitin at payat na payat kasi si Corazon dala ng kahirapan at malnutrition.
Corazon's parents sold her to Gido instead and became his third wife. Like his first, Gido's second wife died mysteriously. Matandang byudo man, malaki ang batong bahay ni Gido sa Agar dahil maraming anak itong naibenta sa Kamara mula sa kanyang mga naunang asawa.
The government provided Gido with regular compensation coming from his children who are working as marked slaves to the rafa who bought them.
Umiyak ang bunsong anak ni Corazon, habang ginagamot ang numerong tatak sa balikat ng bata.
"Shhh.. tahan na..." inabutan ni Corazon ng pagkain mula sa kanilang food pantry ang bata para tumahan ito habang ginagamot ang sunog nito sa balat.
"Mukhang patuyo na..." sabi ni Vera.
"Mabuti nga, kabado ako ng ilang araw. Pag na-impeksyon kasi ang tatak eh posibleng malason ang dugo ng anak ko at ikamatay nya."
"Nasurvive nga ng panganay mo..." pag-alo ni Vera, pero ang totoo, awang-awa sya dahil sobrang bata pa para matatakan at maparegister sa Kamara ang mga anak ni Corazon.
"Si Gido kasi. Sinabi ko nang hintayin na namin ang legal age na 13, ayaw naman pumayag. Sobrang hayok sa sustento ng gobyerno. Kala mo naman ikinayaman nya ang bayad sa pagpapatatak ng mga bata. Siguro kung pwede nang ibentang markadong pagkain ang mga anak namin kahit ganito kabata eh gagawin nya." Reklamo ni Corazon.
In spite of his regular pension from the government, Gido always lacks fund credit points due to his drinking and gambling vices.
"Gusto ko yun..." tinuro ni Sammy ang kinakain ng anak ni Corazon.
"Hindi ka pwede dun..." saway ni Jean. Bawal ang mga anak ni Samuel kumuha ng pagkain sa food pantry nila Gido.
"Masarap ang luto ko, kain na.” Nilapag ni Vera ang nilutong lugaw sa lamesa.
"Paulit-ulit na pagkain... umay!" reklamo ni Sammy.
Since Samuel refused to mark his kids, they have no food supply from the government. HIndi kasi sila legally registered. Yung araw-araw lang na rasyon para kina Gido ang inuutang at kinakain ng pamilya ni Samuel.
Inabutan ni Corazon ng konting pagkain ang mga pamangkin ni Vera
"S..salamat." Sabi ng dalaga.
"Kainin nyo na agad, baka makita pa ni Gido." Bulong ni Corazon.
Hindi kumakain ng rasyon ang mga anak ni Gido. Pinapataba ang mga ito para sa bentahan sa Kamara kaya pili at binibili ni Gido ang pagkain ng mga anak.
"Okay ka lang?" Maya-maya ay tanong ni Vera kay Corazon, napansin kasi nitong nagpahid ng luha ang babae.
"Natatakot ako Vera, mukhang may balak sa akin si Gido para maipalit ka bilang asawa nya. Halos patayin na nya ako sa tuwing... sa kama. I..ikaw na sana ang bahala sa mga anak ko sakaling may mangyari sa akin." Suminghot si Corazon.
Vera felt the shocking impact of Corazon's words.
"H..hindi! Hindi ako papayag! Walang mangyayari sa iyo!" Si Vera naman ang biglang naiyak.
The kids are now playing outside while the toddlers are asleep habang nagliligpit naman ang dalawa ng mga pinagkainan. Tulog pa ang ibang tao sa baba at maagang umalis si Gido.
"Mabuti pang mamatay kesa maging asawa ni...ng asawa mo!" Mariing sabi ni Vera.
"Yan din ang sinabi ko noon bago ako ibenta ng mga magulang ko sa kanya..."
Vera can't help but wonder in fear if his uncle can sell her. Bigla syang nangatog sa takot.
"Anong gusto mong gawin ko? Dugo ko sya Yna, wag mo akong igaya sa kapatid mong napakadali magtapon ng pamilya sa Kamara!"
Natigilan sina Corazon at Vera sa pag-uusap. Tinig sa baba ng bahay ang narinig nila.
"Silipin ko lang, paki-tingnan naman ang alaga ko." Bilin ni Vera kay Corazon. Nasa kuna ang alaga ni Vera habang karga ni Corazon ang bunso nya.
"Para lang makatulong sya sa atin. Alin? Kung aasa ako sa rasyong nakukuha ni kuya araw-araw sa Lupon, eh mamamatay sa pagkaing basura ang mga anak mo!" Mariing sabi ni Yna.
"Pinangako ko sa kapatid kong aalagaan ko si Vera..."
Vera stopped halfway the staircase down to the basement, when she heard her name. Clearly her uncle is having an argument with her aunt.
"Oo nga pero anim na taong patay na ang kapatid mo! Anim na taong palamon natin yang pamangkin mo! Aba'y bente na yan dapat na nating pakinabangan yan! Dalhin mo sa Kamara, ipa-test mo man lang ang dugo. Kung pagkain sya eh ibenta, kung hindi naman ay paanakan na natin para mapakinabangan naman. Gustong-gusto sya ni kuya Gido, ipaasawa natin at pabayaran natin ng mahal."
Vera covered her mouth to stifle her cry. Napigil nya ang ingay pero hindi ang dagsa ng kanyang luhang kumawala.
"Yna! Mandiri ka nga sa sinasabi mo, parang pamangkin na rin ni kuya si Vera."
"Anong pamangkin? Ako ang kadugo ng kuya, ikaw ang kadugo ni Vera. Wala silang relasyon!"
"Tigilan mo na ako Yna!”
"Sige! Kapag hindi ka kumilos tungkol sa pamangkin mo, isa sa mga anak mo ang patatatakan ko at ibebenta sa Kamara. Gusto mo ba yun? Mamili ka... si Jean? Malaki na yun, dose na yun at dinudugo na kaya pwede na. O si Sammy, kahit walong taon lang yun eh mapapagkamalan na yung katorse. Si Steph kaya? Gustong-gusto ng mga rafa ang dugo ng wala pang dalawang taong sangg..."
PAK!
Nagulat si Vera sa narinig. Her uncle never hits anyone. Lalo syang naiyak sa isiping dahil sa kanya ay nasaktan nito ang asawa.
"Kahit biro ay wag na wag mo akong tatakutin, lalong-lalo pagdating sa mga anak natin! Hinding-hindi sila matatatakan o maibebenta sa Kamara kahit mamatay pa tayong lahat sa gutom!"
"Hayop ka! Nakalimutan mo atang may tatak ako! Alam mo bang kayang-kaya kitang ireklamo sa Lupon dahil sa ginawa mong p*******t sa akin? Ni hindi ka nila papakinggan dahil wala kang tatak. Siguradong Ipatatapon ka nila kasama ng pamangkin mo sa labas ng Agar para pagpyestahan ng mga shallit!"
"Sige! Gawin mo! At least mamamatay akong malinis ang dugo hindi kagaya mong wala ngang lason ang katawan pero may lason ang isipan!"
"Sumusobra ka na!"
"Ikaw ang sumusobra! Sige nga kakayanin ng konsensya mong malayo sa mga anak natin habang kinakain sila ng mga rafa?!? Anong klase kang ina?!?"
Hagulhol ni Yna ang narinig ni Vera.
"Lahat sinakripisyo ko pero sa dulo ako pa rin ang madumi? May tatak na ako nang makilala mo. Ikaw ang napili kong magpadami ng lahi ko dahil akala ko ay gaganda ang buhay ko sa iyo dahil malinis ka. Pero anong nangyari? Ayaw mong patatakan ni isa sa mga anak natin pati ang pamangkin mo. Kung pumayag ka lang patatakan sila eh di sana may supply tayo galing sa government. O kung nagpatatak ka, sana meron tayong karapatang magkaroon ng sariling bahay. Sinunod kita, dahil sabi mo mas ligtas ang kaluluwa ng mga anak natin kapag wala silang tatak. Nawala ang privilege ko sa government dahil ikaw ang naging asawa ko. Ngayon naman ay mamamatay ang mga anak ko sa gutom dahil sa katigasan ng puso mo!"
"Magbungkal tayo ng lupa Yna. Magtanim tayo ng sarili nating pagkain. Wag lang ang hinihiling mo, hindi ko kaya!" Samuel's voice softened, Vera could hear the desperation in his voice.
"Magtanim?! Paano?! Daang taon nang walang ulan sa Agar. Saan mo iipunin ang yelo sa panahon ng nyebe para gamiting patubig? Patay na ang lupa, matanda na ang mundo. Hinihintay na lang natin ang kamatayan natin. Pagaanin mo naman ang natitira nating buhay kahit konte lang."
Yna's voice sounded desperate too. Vera can't help but blame herself.
"Kung makapagpatubo ka man ng pagkain, sa tingin mo, papayagan tayo ng mga rafa na mamuhay ng Malaya sa kanila? Isusumbong tayo ng mga taga rito, sasabihin nilang nagrerebelde tayo sa patakaran. Dugo kapalit ng pagkain, yun ang kalakaran dito, alam mo yan!"
Silence.
"Paano kapag nalaman ng mga rafa na nagpipilit tayong maging independent? Paano kung paalisin tayo sa lugar na ito at itapon sa labas ng gate? Saan tayo pupunta? Paano ang mga anak natin?" Nakaaawa ang boses ni Yna.
"Hahanap tayo ng ibang komunidad..."
"Saan?! Gaya ng komunidad ng kapatid mo?! Walang bantay sa gabi kaya sinusugod ng mga rufus tuwing dumidilim at mga shallit naman sa umaga. Ano ang ending? Nawala rin ang community na yun kasama ng mga natirang taong matitigas ang ulo. Kung hindi mo nailigtas si Vera eh di pati sya ay kampon na rin ng dilim ngayon. Ang laki ng utang sa atin ng pamangkin mo, dapat na nyang bayaran ang mga utang na yan!" Nagiging firm na naman ang boses ni Yna. Pilit kinu-convince ang asawa.
Vera felt hopeless and desperate too as she listens to her family's fight about her.
"Ilang buwan na lang ay tag-lamig na naman, ikamamatay natin ang lamig kapag wala tayong pambayad para sa heater. Makikisiksik na naman tayo kay kuya. Ano na naman ang hihingin nung pabor kapalit sa mga utang natin sa kanya? Kilala mo naman yun, ang gulang! Walang kama-kamag-anak. Alin? Kung hindi ko lang laging pinapa-alala sa kanya na inayos mo ang bahay nya ay matagal na tayong sinipa noon dito. Pagod na ako Samuel. Ayoko na ng buhay na ganito." Umiyak na naman si Yna, napakasakit sa puso ni Vera ang marinig ito.
Umakyat sya sa taas. Ayaw na nyang marinig pa ang usapan ng mag-asawa. Lumabas na lang sya para bantayan ang mga pamangking naglalaro sa likod bahay.
"Ate Vera, kwentuhan mo naman kami..." sabi ni Jean
"Sige ba..." suminghot si Vera
"Umiiyak ka ba ate?" Si Sammy
"Hindi, napuwing lang..."
******
Agar is a class 3 community. They have enough protection from Laabtha for as long as they can reach their quota of populating the place with more humans for vampires to eat. Ang class ng community ay tataas kung dadami rin ang mga batang ipapanganak at madedeliver sa Kamara para ibenta kapag lumaki na.
The community has perimeter fence to prevent shallit and rufus from entering. Kahit protektado ang Agar, hindi naman mayaman na community ito para magkaroon ng masustansyang supply ng pagkain at ibang resources. Bukod sa hindi masyadong madami ang populasyon ay mababang uri ang dugo ng mga taga Agar base sa standard ng mga rafa.
People can roam around safely during daylight. Vera can't go very far though since she has no mark. HIndi sya priority citizen at kung may mangyari sa kanyang masama o magkaroon sya ng altercation kahit kaninong may marka ay wala syang human rights para lumaban o ipagtanggol ang sarili.
Iniisip na dati ni Vera kung paano sya makakatulong sa pamilya. She made sure that she helps around the house and is in charged of the kids. Para sa ganitong paraan ay hindi sya maging pabigat. Bukod dito ay walang ibang pwedeng trabaho sa Agar, kumain at magparami ang trabaho ng mga tao dito. Pagbibenta lang talaga ng dugo ang kabuhayang pwedeng gawin ng lahat. Ang pag-repair nga ng mga bahay sa Agar ay trabahong ginagawa ni Samuel na patago at umaasa lang ito sa proteksyon ni Gido, para walang magsumbong sa lupon na wala itong tatak.
It's true that they owe Gido a lot, but still, Vera is firm in her decision. She'd rather die than be Gido's wife.
******
Hindi kalayuan ay nakatanaw si Guada sa bahay nila Gido kung saan kita nito si Vera at mga batang naglalaro. Umismid ang babae pero maya-maya ay makahulugan itong ngumiti. Kanina lang ay kausap nya si Gido at humingi ng tulong ito sa kanya para sa plano nito sa dalagang nakikitira sa bahay ng lalaki.
Sinilip ni Guada ang nasa bulsa saka muling tinanaw si Vera. Napangiti ito, excited sa gagawin ni Gido sa dalaga mamayang gabi.