Chapter three

1232 Words
*Alex POV* Ako pala si Alexandria Guevarra. Alex for short. Culinary Arts ang kurso ko tulad ng bespren kung si lucas gagraduate na rin ako sa taon na to. Yan ang kinuha ko dahil sa hilig kong magluto, sabi ni papang nakuha ko daw yan sa mamang ko. nakakalungkot lang kasi di ko man lang natikman ang luto ni mamang. diko nga sya nasilayan. namatay sya sa panganganak sakin. tanging si papang lang naging nanay at tatay ko. kahit nabuo ako sa isang pagkakamali kahit kailan di yon pinaramdam sakin ni papang. matalik na magkaibigan ang papang at mamang ko dahil lang sa epekto ng alak di nila inaasahan na may mangyayari sa kanila. at yon tada....ito ako nabuo ako! nag away pa daw sila nun sabi ni papang pagkatapos ng may mangyari sa kanila. diring-diri si papang sa sarili nya. kasi naman mukhang maskolado lang papang ko pero lumalambot yun. Yes my father is a gay! and i accepted it! tangap ko sya at proud ako sa kanya! kasi napaka mapagmahal nyang magulang saakin. hay.. enough na sa kwento ng mga magulang ko. yun nga bukod sa pagluluto, lage ako napagkakamalang lesbian dahil sa porma at kilos ko. pero alam ko sa sarili ko babae padin ako di ko lang talaga trip magsuot ng mga maiiksing damit,palda at lalong tinatawag nilang short short o pekpek short. naasiwa ako.. ewan ba pag pinipilit ako ni papang mag suot ng fit sakin parang di ako makakilos.. di ako comportable. okay nako sa ayos ko. simple ganun! mas ok kaya tshirt lang na maluwang.. comportble pang suotin. diba? kanya-kanya naman kasing trip yan! tanging bespren ko lang hindi ako pinagsasabihan sa porma ko,.. okay lang naman daw pananamit ko atleast may sinusuot.. tama nga naman sya! sya nga eh di ko nalang pinapansin porma nyang parang ewan. nagsalita ako noh.. mas ok pa ata pormahan ko kesa dun. balot na balot pa yun minsan.. mahihiya ang buhok ni jose rizal sa ayos ng buhok nya. kung maka tuck in pa eh aabot na ata sa dibdib nya. kaya nga siguro nagkakasundo kami kasi tanggap namin isat-isa kahit parehas kaming naiiba sa tingin ng mga tao. nerd sya boyish ako. wala eh ganito kami eh. bata palang kami nabubully na talaga yung bespren ko.. ako lage nagtatangol sa kanya.. siga to eh! naging close kami hanggang sa maging bespren na. pati nga mommy nya at si papang naging mag bespren na din.. lage ko syang nakikita dati sa labas ng bahay nila nakaupo, parang may inaantay. sabi nya daddy nya daw baka sakaling bumalik. iniwan daw kasi sila ng daddy nya, alam ko koreano/taiwanese daddy nya, yun sabi nya. naawa ako sa kanya kaya mula nun lage ko na syang nilalaro. mukhang wala namang plano bumalik daddy nya,hanggang ngayon maggagraduate nalang kami ng college di naman dumating daddy nya. Para na ngang kapatid turing namin sa isa't-isa. (sya siguro oo!) ako din kaya! (eh bat effected ka sa text nya nung nakaraang gabi?) hindi ah! (sus kahit lasing di maniniwala sayo!) aba naku! teka bat ba ako nakikipagtalo sa sarili ko. "kamusta na kaya yung mokong nayun! ginugulo padin kaya yun ng mga grupo ni kenneth? - nakahiga ako sa kama ko ngayon, nag oojt kasi ako sa isang restaurant malapit lang naman sa school.. pero di nako dumaan sa school sa sobrang pagod dahil sa dami ng customer. tinignan ko phone ko pero kahit isang text galing sa kanya wala. "hoy! kakain na daw! - anak ng.. walang hiya talaga tong pinsan ko. "di ba uso yung katok? basta basta ka lang pumapasok eh! magkakasakit ako sa puso sa sobrang gulat eh! - sigaw ko aa kanya. "ay sarey nemen. teka.. - sabi nya sabay labas at sinara yung pinto. tok..tok.. "ayan okay na ba? - ngiting ngiti pa yung loka loka pag pasok nya ulit sa room ko.jusko!!!! sinamaan ko lang sya ng tingin. sabunotan ko kaya to. "mga iha... labas na kayo kakain na.. - maarteng sigaw ng papang ko. "lika na insan kain na tayo dali.. para maka punta na tayong perya. - aya ng pinsan ko at mukhang excited pa. "perya? ano gagawin natin dun? - takang tanong ko at kelan pa sya nahilig sa perya. "magswiswimming.. duh! - sarcastic na sabi nya sabay labas ng kwarto ko. ako nalang yata matino sa pamilyang to! dito na tumira pinsan ko mula ng naglayas sa kanila dahil sa lage syang binubugbog ng nanay nyang adik sa sugal. pamangkin sya ng papang ko.. tatay nya yung kapatid ni papang kaso patay na din ito. kaya dito na sya saamin. kung ako yung paboyish sya naman yung pakikay.. "Alex... - tawag ulit ni papang.. hay makalabas na nga. "Oh upo na anak... masamang pinag aantay ang pagkain.. - maarteng sabi ni papang.. Sabay sabay kaming nag sign of the cross. nakagawian na namin na ako mag lelead ng prayer bago kami kumain. "Bless us, O Lord, and these Thy gifts, which we are about to receive from Thy bounty, through Christ our Lord. Amen. "Kainan na...- masayang sabi ng pinsan ko. .. Nasa perya kami ngayon.. ayaw ko sanang lumabas at may pasok pako bukas.. mwf yung ojt ko.. tth naman pasok ko sa school.. dalawang subject lang pero syempre nakakatamad parin lumabas.. Wala naman ako magawa kinaladkad nako ng pinsan ko eh.. "Stef naman eh.. wala kasi ako sa mood ngayon eh. Ano ba kasi meron at ayaw mong sa weekend nalang tayo mamasyal dito. - maktol ko sa pinsan ko. "Pede ba insan wag kang kj..duh! - sabi nya sabay irap sakin.. bigla naman lumaki ngiti nya ng may dalawang lalaki papalapit samin. "pasensya na stef nahuli kami ha... hi alex.. -bati nung lalaki kilala ko sya.. sya si marco ang crush ni stef.. yunh bruha ko namang pinsan todo ngiti.. kaya pala nag yaya dito. "H..hi..alex..- nahihiyang bati ng kasama ni marco.. si thomas ang mangliligaw ko dati.. tatlong beses ko na atang binasted to eh.. di parin nadala. Ngumiti lang ako sa kanila. Pano ba ko makakatakas dito.. "Ano girls let's go? San nyo gusto mauna? - ngiting aya ni marco. "Tara..ahmm marco.. doon tayo oh.. sa horror train.. mukhang exciting eh.. - malanding sabi ng pinsan ko kay marco with matching hawak pa sa braso ni marco.. LANDI!! "Ahmmm..alex gu..gusto mo don? Ta..tara..? - si thomas... nauna ng umalis pinsan ko hila hila nya si marco. Itong malanding to dinadamay pako sa kalokohan nya. ayuko kasama si thomas. Di naman sa wala akong tiwala sa kanya pero ayuko lang sa makulit. "Ah thomas.. mauna kana dun susunod na lang ako.. di din naman ako sasakay don sa horror eklabo na yun. Sumama kana sa kanila. Antayin ko nalang kayo sa may exit dun. Cr lang ako. -pagdadahilan ko. Sana naman makisama. "Di.. di nalang din ako sasakay..samahan na kita. - ay naku naman tong mokong nato. "Di na sayang naman kung di ka sasakay.. isa pa saglit lang naman ako.. naccr na talaga ako eh.. sege na pumunta kana dun.. saglit lang talaga ako. - pagkukumbinsi ko at tinulak ko na sya..wala naman syang magawa kaya umoo nalang sya. Kaya dalidali ako pumunta ng cr dahil alam ko tinitignan pa din nya ako. Nang mapansin kung di na sya naka tingin agad akong nagtago. Inantay ko muna makasakay sya dun sa train bago ako tumakbo palabas ng perya. Habang binabaktas ko yung daan pauwi nakita ko si lucas.. ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD