Sa kaharian ng SPIRAGO. Nag uusap lang ang ibang Dyos at Dyosa kasama na rin ang ibang mandirigma tungkol sa paghihigpit ng bantay ngayon sa buong kaharian dahil sa nangyaring pagpasok ni Belinda. Habang ang Haring Gloruse at Queen Felicity, kasama ng ibang mga alagad ay naglalakbay patungo sa Kaharian ng Alleta. Sa isang lamesa naman ay naguusap ang ibang mga bampira. "Sana lang matapos nang Alas ang pag babasa ng libro bago sumapit ang panahon na makukuha na niya ang tatak niya."wika ni Anesha. "May tiwala ako sa alas."pag sangayon naman ni Amerhan. "Dyosa Anesha..Amerhan."biglang tawag ni Prinsesa Sheya. "Ohh Prinsesa, bakit?"tanong ni Anesha at tumayo ito. Tumayo na din si Amerhan. "Nasaan ang aking Mahal na Ina at Ama?"tanong ng Prinsesa. "Paumanhin Prinsesa.. Ang inyong mg