Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bahay pero nanatili pa rin akong walang imik-- aakyat na sana ako sa kwarto ko pero biglang nagsalita si Kuya. "Mag luluto ako kakain ka ba?"tanong niya. Hindi ko inaasahan na iimikan niya ako pero hindi pa rin nawawala yung tampo ko kaya mabilis akong umiling. "Hindi na wala akong gana."sagot ko na lang at tuluyan na akong pumunta sa kwarto ko. Ni- lock ko yung pinto at ginawa ko na yung night routine ko tsaka humiga na sa kama para matulog. Lumipas ang ilang minuto na nakapikit ako ay hindi pa rin ako dinatnan ng antok. Hindi ko kasi maiwasan na isipin yung sinabi ni Amerhan. Sasakupin ng dilim ang liwanag? Sasakupin ng dilim ang liwanag?? Ano bang ibig niyang sabihin?? Sinasakop ng dilim ang liwan--- teka--- Takipsilim? Gabi? Yun ba a