CHRIST's POV SAINT BEATRICE HOSPITAL Naka ngiti lang ko at nakapasok pa ang dalawang kamay ko sa bulsa ko habang nag lalakad papunta sa kwarto ni Luke. Haaayyss. Ganito pala ang pakiramdam. Sobrang saya ko talaga sa nangyayari sa pagitan namin ni Summer. Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako nang ganito lalo na at hindi ko naman talaga toh hiniling. Matagal ko nang sinukuan ang pag ibig dahil sa babaeng unang nang-iwan sa akin-- ang Mama ko... Pero dahil kay Summer ay nagbago na lang bigla ang ikot ng mundo ko. Well-- gusto ko naman ang pagbabagong yun. . . Maya maya pa ay nakarating na ako sa room ni Luke at agad kong nakita si Raikko na naka upo pa rin sa upuan na pinag iwanan ko sa kanila ni Rence kanina. Umupo ako sa tabi niya. "Ohh. Nasan si Rence?"tanong ko. "Umuwi