CHAPTER 02

1025 Words
"Bakit mo ako sinusundan??!! Sino ka??!!"galit na tanong ko sa kanya. At mas lalo kong hinigpitan ang pagkaka hawak ko sa kanya pero nanatili parin siyang walang kibo. Alam kong hindi siya tao kaya nilabas ko ang pangil ko. "Ikaw ang huling alas...tama ba?"sabi niya na kalmado ang tono. "Nais lang kitang bigyan ng babala. Huwag na huwag kang magtitiwala sa kahit kanino, at tanging sarili mo lang ang pagkatiwalaan mo. Wag kang papakampante. Lahat nang kilos mo, binabantayan nila...lahat ay naghahangad na maging isang makapangyarihan, masyado ng bulag ang lahat...basta buksan mo lang ang puso mo para makita mo yun."sabi niya at may kinuha siyang bagay sa bulsa niya. Binitawan ko naman siya.. Binibigay niya sakin ang isang maliit na libro. "Ingatan mo toh, nasa libro na yan ang lahat ng tungkol sa huling alas at ikaw yun. Ngunit, hindi mo makikita ang nakasulat diyan kung hindi mo bubuksan ang puso mo. Wag mong pairalin ang mata mo para makakita. Naka paloob din sa libro na yan ang lahat ng kapangyarihan na pwedeng taglayin ng isang alas at kung papano papalabasin ito. Basta, wag na wag kang mag titiwala...tandaan mo yan."sabi niya at bigla siyang nawala. Nilingon lingon ko ang paligid ko pero hindi ko na siya nakita... isang bampirang taga sunod?? Alam kong bampirang taga sunod siya kasi kaya n'yang iwala ang sarili niya sa oras na gusto niya. Itinago ko na lang yung libro na binigay niya at nag madaling kunin ulit ang mga bagahe ko. *Lahat ng kilos mo, binabantayan nila.* Naalala ko ang sinabi niya. Nagmadali na ko at pumara ng taxi. "Califorina Airport please."sabi ko. Siguro tama sina Dad, kailangan ko munang magtago at sa Pilipinas ang lugar na yun. ***** Nasa loob na ako ng eroplano...naalala ko bigla yung libro na binigay ng isang misteryosong lalaki. Kinuha ko yun sa bulsa ng jacket ko, binuksan ko ang unang pahina noon. 'BUKSAN ANG MATA PARA MAKITA ANG GUSTONG MAKITA NG MATA! AT BUKSAN ANG PUSO PARA MAKITA ANG TOTOO.' Yun ang naka sulat sa unang pahina ng libro, at nang buksan ko ang sunod na pahina ay wala na itong naka sulat. Blangko na yun hanggang dulo. Itinago ko na lang ulit yun pero iniisip ko parin ang sinabi ng bampirang taga sunod... *Huwag na huwag kang magtitiwala sa kahit kanino, at tanging sarili mo lang ang pagkatiwalaan mo. * Anong ibig niyang sabihin dun? At kung isa siyang taga sunod na bampira..sino ang nagmamay-ari sa kanya? Sino ang may hawak sa kanya para sundin ang mga ipinag-uutos nito? . . FASTFORWARD Nasa harap ako ngayon ng isang bahay, hindi siya gaano kalaki di tulad ng bahay namin sa California, pero hindi din naman ito maliit. Kakatok pa lang sana ako ng biglang may malakas na hangin ang parang dumaan sa harap ko. "Nandito kana pala."napa tingin ako sa likod ko ng may biglang mahsalita dito. At nakita ko siya...ang Kuya ko. "Kuya??"tawag ko sa kanya. "Ako nga."sabi niya. "Sa loob na tayo magusap, akin na yang mga bagahe mo."sabi niya at tinulungan niya kong buhatin yung mga bag na dala-dala ko. Nang makapasok na kami, nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay niya. Kung tutuusin, malaki pa ang bahay na toh para saming dalawa lang. "Welcome in the Philippines, hindi ka ba nahirapan sa pagbyahe mo?"tanong niya sakin. "Ahmm hindi naman kuya."sagot ko. Napansin kong biglang nag bago ang expression ng mukha niya.Gusto ko sanang malaman kung anong iniisip niya kaya lang, hindi gagana yun dahil isa din siyang bampira. "Kuya okay ka lang?"tanong ko sa kanya. "Okay lang...ina-alala ko lang sina Mom. Wala ka na sa mansyon, tiyak na hinahanap ka na ng mga alagad ni Ada."sabi niya. Nagbago din bigla ang expression ko... Inaalala ko sila lalo na yung sitwasyon nila nung umalis ako. Lumapit sa'kin si Kuya. "Pero wag kang magalala...ligtas ka dito. Hindi kita pababayaan."sabi niya. Niyakap ko si Kuya at niyakap din niya ko pabalik... "Hindi ako natatakot para sa sarili ko Kuya, natatakot ako para sa inyo nina Dad."sabi ko. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko.... "Hangga't kaya mong maging matapang...wala man sayo ang kapangyarihan mo...o may kapangyarihan kana, maliligtas mo kami...hindi lang kami kundi ang buong mundo. Pero dahil nandito ka sa Pilipinas, kalimutan mo muna ang pagiging bampira mo."sabi niya at lumayo siya ng konti sakin. Hinarap niya ako..... "Gusto kong maranasan mo man lang ang isang maging normal gaya nang nararanasan ko. Hindi mo kailangang matakot at magtago...nandito ako para bantayan ka at iligtas ka, hanggat wala pa sayo ang tatak mo."sabi ni Kuya. Niyakap ko ulit siya... Mga ilang minuto din kaming magkayakap ng biglang mag salita ulit si Kuya. "Unti unti nang lumilitaw ang tatak mo."sabi ni Kuya. Napahawak naman ako sa Batok ko... "Asan ang tatak mo Kuya?"tanong ko sa kanya. Tinaas niya yung polo niya sa may bandang pulso niya at nakita ko ang tatak ni Kuya na kidlat. Namangha tuloy ako sa ganda nun. "Wag kang magalala, darating din sa punto na magkakaroon ka na ng tatak mo. Pero,gusto kong sabihin sayo na ang pagkakaroon ng tatak ay isang responsibilidad... Sige umakyat ka na sa taas at magpahinga, mamaya may pag-uusapan tayo."sabi ni Kuya. Ngumiti na lag ako at umakyat na ko sa taas, kung saan nandoon daw ang kwarto ko. . . Nagising ako ng mga bandang 8:00 na ng gabi.Nagpalit muna ako ng damit bago ako bumaba... Nakita ko si Kuya na may binabasa... "Kuya?"tawag ko sa kanya, agad naman siyang tumingin sakin. Lumapit ako at nakita ko kung ano yung binabasa niya...yun yung libro na binigay ng isang taga sunod na bampira. "Bakit na sayo toh?"takang tanong niya. "Alam mo kung ano yan?"tanong ko din sa kanya. "Nakita ko na toh noon, pero hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari."sabi niya. Umupo ako sa harap niya. "Binigay yan ng isang taga sunod na bampira."sagot ko sa kanya. "Kaya lang hindi ko mabasa ang nasa loob niyan Kuya...diba may tatak kana? Baka makita mo kuya ang naka sulat diyan."sabi ko sa kanya. "Tanging ang alas lang ang makakabasa nanh nakasulat dito..."sabi niya sa'kin. Tumahimik na lang ako. Ini-abot nya ulit sa'kin yung libro. "Itago mo yan Summer, para kapag sa oras na nabuksan mo na ang puso mo, mababasa mo na ang nakasulat diyan."sabi niya sa'kin. "Akala ko ba Kuya hindi mo nababasa? Pano mo nalaman na kailangang buksan ang puso para mabasa ang nasa loob nitong libro?"takang tanong ko sa kanya. Lumakad siya at parang may kinuha siya sa isang box....... "Dahil meron din akong sariling libro...na tulad ng ganyan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD