KAPWA tahimik sina Drake at Mia habang magkatabi sa backseat. Nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Gustong-gusto itong kausapin ni Drake. Kulitin at lambingin pero nagdadalawang-isip ito na baka mailang ang dalaga sa kanya. Hanggang sa makarating na sila sa condominium ng dalaga na ikinabasag ni Mia sa nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Uhm, sige. Mauna na ako sa'yo." Pamamaalam ni Mia dito. "Ahem! Hindi pa ako nag-aagahan eh. Pwede bang makikape sa unit mo?" alibi ni Drake para malaman ang unit number nito. Pilit ngumiti si Mia na tumangong ikinalapad ng ngiti ni Drake. Napatitig si Mia dito na ito ang unang beses niyang makitang muli ang pagngiti ni Drake na abot ang kinang sa mga mata nito. "Alam mo, mas lalo kang gumugwapo kapag nakangiti ka. Mas palagay din ang l