Chapter 50

1614 Words

UMILING si Mia na niyakap si Sky. Ilang minuto ang mga itong tahimik na magkayakap habang tahimik na umiiyak si Sky. Hindi naman tinago ni Mia sa kanya ang totoo. Kung sino ang ama ni Dale. At ang nangyari sa kanila ni Drake. Ilang beses na rin siyang kinausap ng mga kapatid ni Drake tungkol sa mag-ina. Pinaliwanag din ng mga kapatid ni Drake dito kung saan nagmumula ang galit ni Mia kaya sila naghiwalay. Sa mahigit isang taon niyang nakasama si Mia ay aminado itong napamahal na sa kanya ang mag-ina. Maging si Dale ay tunay na anak ang turing nito sa kanya mula umpisa. Kaya sobrang hirap din sa kanya na magpaubaya. Alam naman niyang mas may karapatan pa rin si Drake sa mag-ina kaysa sa kanya. At kahit siya na ang karelasyon ni Mia ngayon ay hindi siya manhid para hindi maramdamang si Dr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD