NANGINGITI si Drake na maingat inasikaso ang dalaga. Pinunasan niya ito ng soft towel at maligamgam na tubig bago binihisan ng white long sleeve polo nito at boxer ang dalaga bago maingat na sumampa ng kama na pinaunan ito sa braso niya. "Gia, buhay ka nga." Hindi na mabilang kung ilang beses iyon sinambit ni Drake na paulit-ulit hinahagkan ang dalaga. "Uhmm. . .get off me. Ano ba? Stop kissing me," reklamong ungol ng dalaga na nanatiling nakapikit na mahinang tinutulak ang mukha ng humahalik sa kanya. Napahagikhik naman si Drake na bakas sa tono ang antok at kalasingan nito. Pinagbunggo-bunggo pa nito ang tungki ng ilong nila na paulit-ulit nagi-smack kiss sa dalaga. "Bumangon ka na muna, wife. Magkwentuhan naman tayo, hmm?" malambing bulong ni Drake na yakap-yakap itong nakaunan