ILANG minutong nagkulong sa restroom si Nisha na hinayaan na munang kusang tumigil ang pagtulo ng kanyang luha. Aminado siyang nasaktan siya sa sinabi ni Dale sa kanya. Kahit sanay siyang malamig at masungit ang pakitungo ni Dale sa kanya ay iba ang dating ng binitawan nitong salita ngayon. Lalo na't mga binata at dalaga na sila. Hindi na sila mga bata na 'di alam ang mga binibitawang salita. Buong buhay ni Nisha ay prinsesa ang turing ng lahat sa kanya, maliban kay Dale. Kahit ang mga bodyguard at katulong nila sa buong compound ay amo ang turing kay Nisha. Magiliw at magalang ito sa lahat. Lumaki itong pinunan nila Drake at Mia ang puwang sa puso nito. Ibinigay sa kanya ang lahat ng kailangan niya. Sa pagmamahal bilang magulang at sa material na bagay-bagay. Kasundo rin ni Nisha ang mg