PALAKAD-LAKAD si Inspector Haden Madrigal sa gawi ng pool nilang pamilya na napapahimas sa baba. Malalim ang iniisip na napapahimas ng baba nito. "Hey, Kuya. What's bothering you?" pagsulpot ng nakababatang kapatid nitong si Noah na ikinalingon ni Haden dito. Pilit itong ngumiti na inabot ang bigay ni Noah na kape at sinundan itong naupo sa isa sa mga nakahilerang lounge chair sa gilid ng pool. "I don't know, Noah. Pero. . . nahihiwagaan ako kay Ms Mia. Parang may kakaiba sa kanya." Wika nito na ikinangisi ng nakababatang kapatid. "You mean. . . type mo ang multong iyon, Kuya?" tudyo nito na ikinasamid ni Haden sa kape nito na naibuga. Malutong itong napahalakhak na sunod-sunod na naubo ang Kuya Haden nitong pinaningkitan itong napa-piece sign sa kapatid. "Kidding aside, Kuya. I