Chapter 20

1611 Words

UMUWI ng mansion si Haden na tumuloy sa silid ng Kuya Drake nito. Kabado ito pero hindi na rin makapaghintay na malaman ang totoo. Kung tama ba ang hinala niya. . .o mali siya. "Kuya Haden?" Napalunok ito na natigilan na marinig ang boses ng nakababatang kapatid nitong si Noah. "Hindi pa dumarating si Kuya Drake. Tiyak na nandoon pa 'yon kay Ms Mia." Wika ni Noah na nilapitan na itong nakatuod sa tapat ng pinto. "Gano'n ba?" utal na sagot ni Haden na pilit pina-normal ang tono at mukha. "May kailangan ka ba kay Kuya?" pag-uusisa pa nito na napatitig sa kapatid. Hatinggabi na rin kasi at hindi naman ito basta-basta nagagawi sa silid ng may silid. "Ahem! May itatanong lang sana ako kay Kuya," alibi ni Haden na ikinanguso ng kapatid nitong tila hindi kumbinsido sa sagot ni Haden.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD