HE PROPOSED, I SAID YES

2118 Words
THE PAST... THE CONTINUATION... KRISTINA’s POV: After our super enjoyable stopover in Singapore, we really had fun. I enjoyed my time with Darius. I felt like we were married. The way he cared for me was thoughtful and sweet. I can picture our life together. He was attentive to everything I needed. How can I be so lucky to have him in my life? Pabalik na kami ng Pilipinas. It was an experience I will cherish for the rest of my life. Paglapag ng private jet ni Romulo sa pandaigdigan paliparan ng bansa, naninibago pa rin ako. My total experience was surreal. “Hon, ihahatid na kita sa inyo? My driver is waiting at the exit." Malambing na tanong ni Darius sa akin. “Sure hon,” ikinawit ko ang aking kamay sa braso niya at lumakad na kami palabas ng exit. Kendra and other of our friends my kanya-kanya silang lakad. “Hey Darius, gusto niyo sumabay na sa akin?” Romulo offered. I rolled my eyes, nasa likuran namin siya pero si Darius na ang sumagot. “Hindi na dre, may sasakyan naman ako.” Magalang na tanggi ni Darius. Why can he see that Romulo is trying to get between us? Naiinis na ako sa kabaitan ng boyfriend ko talaga. “Oh, by the way, we have a party in the mansion at year-end. Would you like to come?” I mimicked his words. Kung makita niya siguro ang nakamurot na mukha ko baka masampal niya ako ng wala sa oras. “Hon, gusto mo?” Tanong niya sa akin. As I turned around, I saw Romulo staring back at me. “Sorry Romulo we have plans. Next time na lang siguro ha? Bye!” Agad ko nang hinila si Darius ng hindi hinintay ang sagot nito “Anong plano hon?” Inosenteng tanong niya sa akin sabay bukas ng pintuan ng kotse. Nang makapasok kami, hinarap niya ako. “What was that about?” Tanong niya, hindi ko alam paano i-open na hindi weird ang isasagot ko. “Kasi hon, gusto lang naman kitang masolo masama ba iyon? Diba, magkasama na naman tayo, eh gusto ko lang naman tayong dalawa lang.” himutok ko sa kanya. “No, something is wrong with you kahit noong nasa Bali tayo, at Singapore. Lalo na kapag kaharap mo si Romulo. May problema ka ba sa kanya hon?” Umiling ako. To dismiss his suspicions. “Ano ka ba hon, ayaw mo ba akong makasama na tayo lang?” Pinalungkot ko ang aking mukha. Alam kong duda siya sa sagot ko pero ngumiti pa rin siya at pinisil ang tungki ng aking ilong. “Hon!” Tinawanan lang ako at biglang hinalikan sa pisngi. Nahiya tuloy ako sa driver niya. Ilang minuto pa nasa tapat na kami ng bahay namin. Inaya ko siyang pumasok at nagpaunlak naman ito. Sinalubong kami nila mama at papa sa pintuan. Their faces were happy. “Ma, Pa.” humalik ako sa pisngi nila. “Good afternoon, ma'am, sir.” Bati ni Darius sa mga magulang ko. Kahit ilang beses siyang sinabihan na tito at tita na lang tawag niya sa mga magulang ko nakakalimutan pa rin niya. “Hijo, buti naman nakauwi kayo ng maayos. Come inside. I have important to discuss with you.” Napatingin ako kay papa. “What is it, Papa?” Maagap kong tanong. Nginisihan lang niya ako. Sabay pisil sa baba ko. “Guys, talk. You get some rest, okay?” Napatingin ako kay Darius nagkibit balikat lang ito. Nasundan ko silang dalawa na pumasok sa opisina ni dad dito sa bahay. Si Mama naman agad pumunta sa kusina para ipaghanda ng merienda ang dalawa kaya sa kanya ako sumunod. “Ma, anong business ang pag-uusapan nila Papa at Darius?” Usisa ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at sumilay ang ngiti nito. Si mama nakakaloko din minsan. “Ma!” Nagpapadyak pa ako na parang bata. “Aba’y malay ko, sabi nga ng papa mo boy’s talk so wala akong alam ano ka ba!” Bulalas ni mama pero hindi niya ako matingnan ng diretso. Nang matapos na si mama gumawa ng meryenda ako na ang nag-alok na maghahatid pero tinaasan lang ako ng kilay. “Mama naman eh ako na kasi maghahatid.” Pagpupumilit ko pero wala. She passed me just now. Naiinis akong umakyat sa kuwarto ko. Pagbagsak akong humiga sa kama. Ang aking mga paa nakalapat pa sa sahig. Nagpadala ako ng mensahe sa messenger ni Darius. [Hon, ano sabi ni papa?] SEEN [Gusto mo ipagluluto kita ng paborito mo hon?”] SEEN [DARIUS TOLEDO SUMAGOT KA NGA!] SEEN Mas lalo akong naiinis ng pinadalhan ako ng emoji na kiss. “Arghh!” Binato ko ang aking telepono sa gitna ng kama at pumasok sa banyo para maligo dahil binubuhay ni Darius ang inis ko dahil sa palihim nilang na usapan ni papa. Lalong hindi ako mapakali. Naghanda ako ng bubble bath para ma-relax ang isip ko, maybe it was just business. Nang lampas kalahati na iyon agad akong nag hubad ng damit at sumampa sa tub. “Oh heaven!” mahinang usal ko. As I close my eyes, I concentrate on breathing deeply. Lumitaw sa balintataw ko ang gwapong mukha ni Darius, his smile, his dazzling eyes. Gosh I love him very much! Hindi ko na namalayan kung ilang oras akong naka babad sa tub ng marinig ko ang katok sa pintuan. “Pasok!” Dumungaw ang ulo ni mama. “Anak pwede mo ba akong samahan sa salon pagkatapos mong maligo?” Nagmulat ako at tumingin kay mama. “Si Darius ma?” “Umuwi na, sabi niya dadalawin ka na lang daw niya sa makalawa.” Sagot ni mama. Agad akong sumimangot. “Bakit hindi nagpaalam sa akin.” Naiinis kong tanong “So, gusto mo pumasok dito si Darius habang naliligo ka? Aba Kristina babae ka pa rin!” Himig ni mama na tila pagalit at nanenermon pa. “Ma, Si Darius ang tipong hindi gagawa ng kalokohan ng walang basbas niyo o nang simbahan. Sinubukan ko na ngang landiin ng nasa Bali kami. Wa epek ma!” “Kristina yang bibig mo!” “Totoo naman po, hindi kaya bakla si Darius ma?” Tanong ko sa kanya. “Boyfriend mo pinaghihinalaan mong bakla, o baka naman nirerespeto ka lang?” Pagtatanggol ni mama. “Kanino ka ba kakampi ma, kanina sabi ko hindi siya nagpapaalam para pumasok ngayon naman sinabi mo na nirerespeto ako. Ang gulo niyo!” “Hala sige na bilisan mo na diyan at sasamahan mo pa ako. Umalis din ang papa mo!” “Oho.” Dinig ko ang paglapat ng pintuan. Agad akong tumayo at lumipat sa kabilang cubicle kong saan ang shower. Ilang sandali pa, tapos na akong nag-ayos. Simple lang ang suot, a bandage crop top, off-shoulder and high-waist shorts. Bumaba ako. Tanaw ko si mama na nagbubuklat ng magazine, tila naiinip kakahintay sa akin. “Nakakatulog na ako sa paghihintay sayo.” Bungad niya sa akin. Agad kong kinuha ang kamay niya at iginiya palabas ng bahay. Naka abang na doon si Mang Macario na mag magmaneho sa amin. Sa isang sikat na salon sa Makati kami dinala. Agad akong bumaba. Pagpasok namin sa salon, sinalubong agad kami. “Madam ito na ba si Kristina mo? Ganda, sobra mana sayo.” Pambobola nang tingin ko manager. “Walang iba, o alam mo na pagandahin mo kami lalo,” hirit ni mama. Napakunot ako ng noo. Agad akong hinila, akala ko ba si Mama lang bakit pati ako? Pero hindi na ako nag reklamo. I-enjoy ko na lang ang pagpapasalon. Inabot din kami ng halos limang oras. Pagtingin ko sa aking pambisig na relo, mag ala sais na ng gabi hindi ko na namalayan ang oras. Sobra ata akong nag-enjoy. “Ma gutom na ako, gusto ko nang kumain.” Saad ko sa kanya. Itinaas niya ang hintuturo niya na nagpapahiwatig na sandali lang. Sumenyas na lang ako ng zip my lips. I am tapping my nose; something is not right. Binundol ako ng kakaibang kaba. Kinapa ko ang kaliwang dibdib ko kung saan malakas ang pintig ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan. “Tara na.” Sumunod ako kay mama. There is something strange about the way she moves. Hindi ko lang alam kung ano. Nang makarating kami sa sasakyan agad akong sumakay. Mama was quiet. Which is new to me. Nang umusad ang sasakyan hindi ang daan pauwi ang tinatahak namin. “Ma, saan tayo pupunta?” Nagtataka kong tanong. “Kakain.” Simpleng sagot nito. Napatingin ako sa kanya abala na ito ka kakalikot ng telepono niya. Malaking karatula ng Pasay Lameda Hotel humimpil ang sasakyan. Hindi na ako nag uusisa pa baka dito nagbook si Mama. Pagpasok namin sa lobby, diretso si Mama sa elevator. Sumunod pa rin ako sa kanya, ng hindi na umusisa pa. Siguro dahil gutom na ako besides kakain lang naman. Pinindot ni mama ang R button. Ilang sandali pa, humimpil ang lift pero hindi bumukas iyon at namatay ang ilaw. Takot na takot ako. “Mama?” “I am here Kristina,” Nagtagpo ang aming kamay. Agad kong kinuha ang phone para bukas ang flashlight dahil takot na takot ako. Nanginginig na ang buong kalamnan ko. Tinapat ko sa bell button ang flashlight at pinindot ang mic. “Please help. We're stuck in the elevator.” Walang sumagot. Hinila ako ni mama palabas. Hindi ko namalayan na bumukas ang elevator. Unti-unting lumiwanag ang ilaw sa bawat paghakbang namin. Tila may motion sensor ito. Napatingin ako kay Mama pero wala na siya sa tabi ko. “Ma!” Pero walang sumagot hanggang sa umiilaw ang dinaanan ko na mayro’ng nakasabog na tulips petals. Napatakip ako ng aking bibig. Ito na ba iyon? Diyos ko kung prank ito makakasapak ako ng tao ng wala sa oras. Hanggang sa marinig ko ang pagtipan ng piyesa sa piano. Isang pamilyar na kanta na gustong-gusto namin ni Darius. I wanna dance with somebody by Whitney Houston. Lalong lumakas ang kabog ng puso ko. Nang kumanta na si Kendra kasabay ng disco music. Dinala ako ng aking mga paa kung sang ang musikang naririnig ko. Tumambad sa akin si Kendra na sumasayaw habang kumakanta. Samantalang si Darius nasa paanan ng mini stage na napapalamutian ng mga bulaklak at mga lobo na iba't ibang disenyo at kulay. Tears fell down my cheeks. Ito na nga iyon. Parang hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Parang unti-unti nanginginig ang tuhod ko. Pakiramdam ko sasabog na ang aking puso sa sobrang saya. Nang matapos kumanta si Kendra, nasa kabilang gilid ko sina papa at mama ng hindi ko namamalayan. “Congratulations anak.” Panabay nilang pagbati sa akin. Agad ko silang niyakap. I can’t contain my happiness. “Salamat pa, ma.” Kumalas ako at sinalubong ang mga mata ni Darius na puno ng pagmamahal at saya. "Kristina, I'm sorry I took so long to ask you this question you've been dying to hear almost two years ago. Hindi kita matanong, kasi gusto ko siguraduhin ang kinabukasan natin kung bubuo tayo ng pamilya. I worked hard for it every day, and finally, with your parents' blessing. Now is the perfect time. “Maria Kristina Rothstein, will you marry me?” Parang tumigil ang pag-inog ng aking mundo. Ilang segundong tumigil ang puso ko, at nahigit ang aking paghinga. This surprise proposal made me cry in happiness. Tinakbo ko si Darius na nakatayo in his formal three-piece suit. Samantalang ako naka crop top at high waist shorts lang. Hindi ako prepared! Tumigil ako sa harapan niya at lumuhod ito sabay hain ng red velvet box with diamond ring in it. “Hon?” Pukaw niya sa akin. Umiiyak pa rin ako. Pero tango ako ng tango. At ito na iyon, I've been waiting for this a long time. Lumingon ako sa buong paligid. My friends and family, and surrounds us. Napadako ang tingin ko sa isang taong parang nagliliyab ang mga mata. Romulo? Nang ibinalik ko ang aking mga mata kay Darius nakaluhod pa rin ito. “Yes hon, I will marry you!” Isang malakas na fireworks ang lumitaw sa madilim na kalangitan. “Whoa!” Malakas kong sigaw. I don't know how Darius did it but this is flawless. Sinapo niya ang aking mukha at dahan-dahan niyang inangkin ang aking mga labi sa harap ng mga kaibigan ko at ng aking mga magulang. Wala akong pagsidlan ng kaligayahan. “I love you so much hon,” matapos ang matamis na halikan namin ni Darius. “I love you so much too, hon…” Finally!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD