I MARRIED THE MAFIA TWINS

I MARRIED THE MAFIA TWINS

book_age18+
6.7K
FOLLOW
46.4K
READ
billionaire
dark
forbidden
family
HE
opposites attract
dominant
badboy
bxg
mystery
loser
war
like
intro-logo
Blurb

My Dangerous Lovers- MAFIA WRITING CONTEST- #MyDangerousLovers

❗❗❗ Warning ❗❗❗SPG ❗❗❗Read at your own risk

They grew up in one place. Saying good bye was the hardest. Isang pangako ang iniwan ng batang puso ni Rembrandt para sa kaibigan. Pangako na pinanghawakan ng murang isip ni Lenlen.

“Len, pangako babalik ako, tutuparin natin ang pangarap mong magkasama.” Naiiyak na wika ni Rem sa matalik na kaibigan. Ngunit umuusbong ang pagtingin na hindi mapaliwanag ni Rem.

“Kuya, what the heck? What took you so long?” Naiinis na komento ni Raider, ang kakambal ni Rem.

“Give me a sec, please.” Aniya. Hirap na hirap ang kalooban niyang magpapaalam.

“Mag-iingat ka doon ha? Susulat ka sa akin, okay?” Naiiyak na bilin ni Lenlen.

“I promise. Will you wait for me too?” Sinabit ni Rem ang kwintas na simbolo ng kanilang pagkakaibigan.

There were no words that came out from her. She just nodded. He placed a kiss on her cheek. Rem ran away while his tears were falling down his cheeks.

Years passed, and Emberlynn’s father gave her a mission. To make Raider Rothstein fall for her hard. Is she willing to give up Rembrandt, the man of her dreams? Or Raider finds his way to Emberlynn’s delicate heart?

ic_default
chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE: Tahimik akong umiiyak sa pinaka sulok ng kumbento. Pinagtataguan ko si Rembrandt dahil ayoko siyang kausapin. Aalis na siya papunta sa malayong lugar. Hindi ko alam kung saan. Siya lang ang kaibigan ko. Sila ang may ari ng San Felipe il convento. Naging magkaibigan kami noong may pagdiriwang sa kumbento. Ipinagtanggol niya ako sa kanyang pilyong kapatid na si Raider. “Lenlen please come out!” Dinig kong malakas na sigaw ni Rem. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi maka likha ng ingay. Sinok, hikbi at tulo ng luha na walang ampat sa aking mukha. Ayoko siyang umalis pero wala naman akong magagawa para pigilan siya. Walang anu-ano may nag takip ng aking bibig lalo. “Shhh. I found you!” Bulong sa akin ng kakambal ni Rem. Si Raider! Wala na itong nagawang mabuti sa tahimik kong buhay. Kundi puro ka delubyo ang dala niya. Siniko ko siya sa dibdib. Dinig kong napaigik siya sa sakit. “Ouch, s**t!” “Iyang bibig mo kahit kailan ang bad!” Madiin ngunit mahina kong bwelta sa kanya. “Why are you hiding with Rem?” Bulong niya malapit sa tenga ko. Nanindig ang aking balahibo. “Ano ba ginagawa mo dito? Ano ba pakialam mo kung magtatago ako sa kanya! Umalis ka nga.” Pagtataboy ko kay Raider. “Ayoko nga, paano kung sisigaw ako tawagin ko si kuya gusto mo?” Banta niya sa akin. Iling ako ng iling. Lalo umagos ang luha sa aking mga mata. “Lenlen, please.” Tawag na puno ng pakiusap ni Rem. Binitawan ni Raider ang bibig ko at ngumising nakaharap sa akin. “You like him, don't you?” Umiwas ako ng tingin at hindi siya sinagot. Wala rin tigil ang kakasinok ko. Naninikip na ang aking dibdib. Pakiramdam ko hihimatayin na ako sa kadahilanang iiwan na ako ni Rembrandt. “Tsk! Tsk! Kawawa ka naman payatot. Alam mo bang hindi na kami babalik dito sa Italy?” Lalong lumakas ang hikbi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. “Kailan mo ba ako titigilan huh?!” “Kapag umalis na kami? Kapag wala na si kuya sayo? At higit sa lahat kapag tumaba kana! Para kasing isang ihip lang sayo ng malakas na amihan. Liliparin kana. Kumakain ka pa ba?” Pang-iinsulto nito sa akin. Dinig ko ang papalayong yabag ni Rem. Nakahinga ako sandali ng maayos. Ramdam ko rin ang pag agos ng pawis sa aking noo. Nagpunas ako ng luha gamit ang aking damit. “Yuck! Did you just use your faded, ugly t-shirt to wipe your tears? Eww, so disgusting!” “Pakialam mo, bakit ka ba nandito. Umalis ka na nga!” Pagtataboy ko sa kanya. “Eh kung ayoko? Di ikaw ang umalis!” Sinamaan ko siya ng tingin. “Oh, I am scared!” Sumilip ako sa buong paligid. Wala na si Rembrandt. Itinulak ko si Raider. Para makalabas ako mula sa aking pinagkukublihan. “Alis!” Madiin kong utos sa kanya. “What if I don’t want to? What are you going to do, payatot?” “Ah gano’n hah!” Isang malakas na sipa ang tumama sa hita niya. “s**t!” “Ang bibig mo na sa kumbento tayo!” Sita ko sa kanya. “Why did you do that?” “Diba sabi mo ano gagawin ko? Ayan di sinipa kita para umalis ka! Ang sikip-sikip na nga nakikisiksik ka pa dito!” “Nag-aaway na naman ba kayo?” Parang nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang malamyos na boses ni Rem. Pero hindi ko siya magawang tingnan. Alam ko namamaga ang aking mga mata. “Raider, what are you doing here anyway.” “Hinahanap siya kasi hinahanap mo. Nagtatago siya diyan. Ayaw niya atang makipag usap sayo, diba Lenlen?” Isang malakas na suntok ang tumama sa dibdib niya at tumakbo ako papalayo. “The heck!” “Lenlen! / Lenlen!” Pero para akong bingi, na walang narinig kahit pa tinawag nila ako. Agad akong pumasok sa silid aklatan. Dito ako madalas tumatambay kapag wala akong pasok. Mahilig akong magbasa. Walang katao-katao. Tahimik akong umupo sa dati kung pwesto. Sa dami ng mesa at upuan ang bahaging ito ang pinaka espesyal sa akin. Nagbuklat ako ng libro. Pero kahit anong tutok ko doon, parang lutang pa rin ang isip ko. Tinitigan ko ang bakanteng upuan sa katapat ko. Ito rin ang pwesto ni Rem kapag nandito kami. Mapait akong ngumiti. Ilang araw na lang aalis na sila. Mariin akong pumikit dahil aagos na naman ang luha ko. Pasaway kasi. Iyak ako ng iyak wala naman akong mapapala kundi sakit lang ng dibdib. Aalis pa rin naman siya. Napasapo ako ng aking mukha. Hindi ko alam gaano katagal iyon. “Are you mad at me?” Malumanay na tanong ni Rem. Hindi ko na naulinigan ang mga yabag niya. Kahit kailan kapag gusto niya akong gulatin hindi ko narinig iyon. Para itong magnanakaw basta na lang susulpot at gugulatin ako. Pero sa pagkakataong ito hindi niya ginawa. Hindi ko rin alam paano ba sasagutin ang tanong niya. Hindi ako galit pero bakit ang sakit-sakit. “Hin—Hindi.” Sabay iling ko. Ngumiti siya at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito. Ang gwapo-gwapo niya lang talaga. “Kung hindi ka galit, bakit mo ako pinagtataguan?” May himig na tampo sa boses niya. Hindi ko alam ang aking sasabihin. “Hindi naman talaga ako galit.” Mahina kong sagot. “Hindi ka galit pero masama ang loob mo?” Paniniyak niyang tanong. Tumango ako. Ayon na naman ang sutil kong mga luha. Unti-unti na namang namumuo sa mga mata ko. “Diba babalik na naman ako?” “Paano kung hindi na kana babalik?” “Sino may sabi sayong hindi ako babalik?” Tanong ni Rem sa akin. Gusto ko sanang isumbong ang hudyo niyang kapatid pero hindi ko sinabi. Baka mag-away pa sila. Ako rin naman babalikan noon kapag nagkataon. “Wala naisip ko na baka hindi kana babalik.” Pagsisinungaling ko sa kanya. “Silly! Diba sabi mo gusto mong sumakay sa eroplano, gusto mong mag beach, at gusto mong hanapin mo ang totoong mga magulang mo?” “Oo naman.” Maagap kong sagot. Tila excited pa ako. “Diba gusto mong pumunta sa beach na nakikita natin sa magazine?” “Uhmm.” Napagakat ako ng aking pang-ibabang labi, dahil kapag ganito si Rem kalambing napapawi ang tampo ko. “Kapag malaki kana, tapos kapag naka graduate na ko dadalhin kita sa lahat ng lugar sa Pilipinas na pangarap mo Lenlen. Pangako.” Lumamlam ang mga mata nito. “Paano kung hindi nga! Nakakainis ka naman eh.” “May pangako na ba akong hindi ko natupad sayo?” Sabay kuha niya ng dalawang kamay ko at mahigpit niyang pinisil. “Wala naman kasi akong hiniling na nangako ka.” Napakamot ito ng batok. “Oo nga ano? Di bale this time sa hiling mong babalik ako, pangako, tutuparin ko iyon.” Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Panghahawakan ko ang pangakong iyon ni Rem. Inabot ko sa kanya ang paborito niyang libro. Kahit ilang beses na niyang nabasa iyon. Iyon pa rin ang kinukuha niya sa dinami-dami ng libro dito sa library. Hindi ko alam kung bakit. Huminga ako ng malalim para tanungin siya. “Bakit sa napakaraming libro dito sa library iyan pa rin ang binabasa mo? Hindi ka ba nagsasawa diyan? Hindi naman nagbabago ang nakasulat diyan. Kahit ata pumikit ka memorize mo na ang nakasulat diyan eh.” Inosente kong tanong. Bahagya siyang ngumiti. Kita ko ang lungkot sa gwapong mukha niya na abot hanggang mga mata nito. “In time, I will tell you bakit ko gusto ang kwentong ito. Meanwhile I brought you something.” Hinila niya ako palabas ng library. Pinaupo niya ako sa shed sa gilid ng kumbento. Madalas din kami dito tuwing summer. Dahil bumubukadkad ang mga rosas na tanim ko. “Now, close your eyes.” Utos niya sa akin. “Na naman? Palagi ka na lang may surpresa kada punta mo rito.” Wika ko. “Because Lenlen you deserve everything beautiful, like you.” Papuri nito. Umingos ako sa kanya. Kasi binobola na naman niya ako. “Payatot kaya ako!” Nakakunot ang noo niya. “Sino nagsabi?” “Wala! Ano na bubuksan ko na ba mga mata ko. Ang tagal naman!” Naiinip kong komento. “Sandali. Grabe naman, nagmamadali may lakad lang?” Natatawang sagot nito. “Eh, kasi ang tagal naiinip na ako.” Piningot niya ang ilong. “Aray naman Rem ang sakit!” Ang lakas ng tawa nito. Nahawa na rin naman ako. Hindi naman masakit talaga. Nag-iinarte lang ako. “Arte!” “Tse!” “Tada!” Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala, ito ang gustong-gusto ko talaga. Ukulele. Agad ko siyang niyakap. “Thank you Rem-rem. Pangako iingatan ko ito.” Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa saya. “Ehem, you can't let go now.” Agad akong kumalas. Alam ko pulang-pula na ang mukha ko. “I’m sure you do. When you are feeling sad or lonely, remember that I am too, okay? Kaya bawal kang malungkot.” Tumango ako. Pinunasan niya ang mga luha sa aking mga mata. *** THE GOODBYES Naging abala ako sa aking pag aaral sa loob ng limang araw. Walang oras na hindi ako malungkot dahil, sa bawat araw, papalapit ng papalapit ang pag alis ni Rem. Malungkot man ako, alam na babalik siya para tuparin ang pangako niya sa akin. Bata pa naman ako. Aabalahin ko ang aking sarili sa pag-aaral. Gusto kong maging nurse. Pagsapit ng sabado, lalong naging mabigat ang pakiramdam ko. Wala na rin akong ganang kumain. “Hoy Lenlen, balita ko aalis na ang knight in shining Armor mo. Paano ba iyan wala ka ng kakampi ngayon.” Pang aasar ni Aldo. Kagaya ko iniwan din siya sa labas ng kumbento noong baby pa siya. “Wala kang pakialam! Eh ano ngayon? Bakit tingin mo natatakot ako sayo? Hindi no!” Malakas kong sagot sa kanya. “Tingnan natin, wala ng Rembrandt at Raider na magtatanggol sayo. Lagot ka sa akin!” Napakunot ang noo ko. Kailan naman kaya ako pinagtanggol ni Raider! Wala nga iyong ginawa kundi asarin ako. “Diyan kana nga! Baka masapak pa kita!” “Aba si Lenlen palaban.” Pang-aasar nito lalo. Hindi ko na iyon pinansin. Nang hinila ako ni Rem. Nagpupumiglas ako. Nang maamoy ko ang pamilyar niyang bango. Nanlaki ang mga mata ko. Raider? “It’s me.” bulong nito malapit sa aking tenga. “Raider?” “Yeah!” “Anong ginagawa mo! Bakit mo ako dinala dito! May balak kang masama no!” Takot na takot ako. Baka sasaktan niya ako. “No, I just want to mark what is mine!” Lumapat ang labi niya sa akin. Hindi iyon gumalaw. Pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Inipon ko ang aking buong lakas para itulak siya pero wala akong nagawa. Nang pinakawalan niya ako. Isang malakas na sampal ang ginawa ko. Bigla niyang binuhay ang ilaw. “I will find you! When I do, I will make you, my wife!” Agad niyang binuksan ang pintuan. Iniwan niya ako roon na tulala. Hindi maproseso ng batang isip ko ang sinabi niya. Pinunasan ko ang aking bibig. Diring-diri ako sa halik na iyon. Ilang sandali pa lumabas na ako sa cleaning room at tinakbo kung saan ang shed. Doon maghihintay si Rem. Malayo pa lang tanaw ko na siya. Pakiramdam ko niloko ko siya dahil sa marahas na paghalik ni Raider kanina sa akin. “Rem!” Tawag ko sa kanya. Agad itong napatayo at ngumiti. Sinalubong niya ako ng yakap. Pakiramdam ko ligtas ako sa mga bisig niya. Mahigpit ang yakap kong iyon, ayoko siyang umalis. “Len, pangako babalik ako, tutuparin natin ang pangarap mong magkasama.” Dinig kong pangako ni Rem. Ramdam ko na basang-basa ang aking balikat. Umiiyak si Rem. Alam kong ayaw niya. Wala lang siyang magawa. “Kuya, what the heck? What took you so long?” Naiinis na komento ni Raider, ang kakambal ni Rem. Kumalas ako at nilingon si Raider at sinamaan ng tingin. Pero hindi ako pinansin. “Give me a sec, please.” Sagot ni Rem. “Mag-iingat ka doon ha? Susulat ka sa akin, okay?” Naiiyak kong bilin sa kanya. “I promise. Will you wait for me too?” Napahawak ako sa kwintas na sinuot ni Rem sa leeg ko. Wala akong nasabi. Kundi tango lang. Nagulat ako ng dumampi ang malambot na labi ni Rem sa aking pisngi. Agad siyang tumakbo papalayo. Malakas akong sumigaw. “Rem! Maghihintay ako!” Tumigil siya pero hindi na siya lumingon pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pisilin Mo, Mr Wild (SSPG)

read
24.8K
bc

Lick It Harder (SSPG)

read
33.4K
bc

Loving the betrayed wife (Tagalog)

read
9.2K
bc

Kalabit (SSPG)

read
146.8K
bc

Wife For A Year

read
64.6K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
73.4K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
29.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook