"Let's start. I'm listening," sabi ko habang nakaupo ako ng maayos sa sofa at nagre-relax. Narito kaming dalawa ni Erhwin sa isang silid sa loob ng safehouse. Siya ay nakasandal pa rin hanggang ngayon sa nakasaradong pinto. Nagpapahinga ang dalawa niyang braso sa dibdib at nakatitig lang sa akin. Ang iba ay nasa labas na rin at nagpapahinga. Pansin ko ang pagtaas ng dibdib niya at pagbuga ng malakas na hangin. "A'right. This safe house where you are right now is an organization. An organization founded by Vincent Parker, Cedric's Grandfather." Napaayos ako ng upo sa unang mga salitang ibinunyag niya. "It's a private, secretive government organization fields with agents that involved in some operations. And also supported by your father." Natigilan ako sa aking narinig. My father?
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books