"Cail, watch out the waiter on your left side, the one handling tray of liquor," boses ni Erhwin mula sa maliit na headset kong suot. Hindi siya mahahalata dahil halos kasing liit lang ito ng pakaw ng hikaw ko at kakulay lang ng balat ko ang wire. "I know," mahinang bulong ko. "What? Are you saying something?" tanong ni Rick na kasalukuyang kong ka-sayaw ngayon sa gitna ng bulwagan. "Ang gwapo mo," sagot ko na lang at lumawak naman ang pagkakangisi niya. "I know baby, that's why you're so in love with me," sabi niya ng may pagmamalaki. Napataas ang kilay ko sa kayabangan niya. "Do you also know how beautiful you are?" pambobola pa niya. "Alam ko, kaya nga bagay tayo eh," sagot ko na ikinalaki lalo ng pagkakangiti niya. "Ang mais," dinig kong boses naman ni Cedric mula sa line. "