"Cail, tingin mo alin dito ang babagay sa akin?" tanong ni ate habang itinataas niya sa harapan ko ang dalawang cocktail dress. "Lahat naman bagay sa 'yo eh," walang gana kong sagot sa kanya habang nakahilata ako sa sofa. Hinihintay ko lang siyang umalis para pumasok sa trabaho. Kanina pa siya hindi mapakali sa damit niyang pinagpipilian. Paulit-ulit na rin siya ng tanong sa akin at pabalik-balik na sa harapan ng salamin. Marami akong gagawin sa araw na ito. Hindi ako patahimikin ng kaiisip kay Colton. Kailangan ko siyang mahanap sa lalong madaling panahon. "'Yon lang ba ang kaya mong isagot bebe ko?" sabi niya habang nagkakandahaba ang kanyang nguso. Bebe ko? Napangiwi na lang ako. Naglalambing na naman. Gumaganyan lang 'yan kapag may kailangan sa akin. Alam ko na mga style niya. "T