Episode 2: Year 2021-Nelrose

1858 Words
Napatalon ako sa gulat nang makita kong dilat na dilat ang mata ni Tiyang, ang gulo pa ng buhok nito. Namumula pa ang mata nito dahil kagigising pa lamang. Para itong aswang, promise! May pinagmanahan pala si Cyrish, ang foster sister ko. "Saan ka na naman nanggaling, bata ka?" galit na singhal ng matanda sa anak-anakan na si Nelrose. Nakapamaywang pa ito. "Hoy, huwag mo 'kong tingnan ng ganyan." Nakairap lang ako sa kanya. Nanay ko na siya kung tutuusin dahil siya na ang nagpalaki sa akin. Nakasanayan ko nang tawagin siya na Tiyang dahil hindi naman siya ang tunay kong ina. Inumaga na naman ako ng uwi. Pagod ako! Putak nang putak itong matanda. Naririndi ako sa bunganga ni Tiyang. "Para kang pokpok dahil inuumaga ka lagi. Saan ka ba nanggaling?" salubong ang kilay ni Aling Joy. "Bakit hindi ka maghanap ng trabaho para may silbi ka naman? Palamunin na nga kita, dinadagdagan mo pa ang kulubot ko! Hindi ka ba nahihiya sa buong barangay? Ikaw lang ang pinag-uusapan ng mga tao rito!" "Sino ba ang nagsabi sa 'yo, Madam Joy, na pumutak ka nang pumutak?" asar kong buwelta. "Kaya ka nagkaka-wrinkles, eh!" "Aba't, sumasagot ka pa?" gigil na bulyaw ng matanda. Nilayasan ko na ang tiyahin ko. Tinalikuran ko na ito dahil sumasakit ang tainga ko sa kaingayan nito. "Tiyang, matutulog na ho ako!" "Nelrose, kinakausap pa kita!" sigaw ng babae. Dinedma niya ang babae. Pagod siya. Ala-sais na ng umaga. Sumasakit na ang ulo niya dahil inaantok na s'ya. Kailangan niyang magpahinga dahil aariba na naman s'ya mamaya. Ganito ang buhay niya. Gising s'ya sa gabi, tulog sa umaga. Sabi nga nila, pokpok siya. Ok, fine! Ako lang naman si Nelrose, ang babaeng maganda. Habulin ng mga kalalakihan ang beauty ko. Pinagkakaisahan. Oo! Pinagkakaisahan ako ng mga tsismosa dahil inggit ang mga ito sa taglay kong ganda. Mas masaya ako kapag sumapit na ang dilim. Mas nagiging alive ako kapag gabi na. Naalala ko ang mga pangyayari kagabi kaya napapangiti na naman ako. "Hey, Ms. Beautiful," bati ng isang lalaki. Isang guwapong nilalang ang biglang lumapit sa akin. From head to foot nang sipatin ko siya. Hmm, perfect! Kasama ko ang mga barkada ko ngayon. Tumambay muna kaming magkakaibigan sa basketball court dahil ito ang tinagurian naming "tambayan ng bayan." "Yes, handsome?" sagot ko sabay ngiti--isang ngiti na ubod ang tamis. "I'm Abellius, what's your name?" Napa-twinkle eyes na lang ako nang lumabas ang biloy niya sa magkabilang pisngi. Grabe! Ang guwapo ng lalaking 'to. Ang puso ko! Bigla akong tinamaan ni Kupido. Love at first sight ba ito? "Nelrose," maarte kong sagot bago ko siya kinamayan. Sh*t! Ang lambot ng kamay niya. "Parang ngayon lang kita nakita rito?" Ayokong bumitaw sa kamay n'ya pero s'ya na ang kusang nagbawi. Sayang! "Yes, bakasyunista lang ako rito." Nakangiting paliwanag ng lalaki na agad lumabas ang biloy nang ngumiti ito. "Tagarito ka ba?" kapagkuwa'y tanong ni Mr. Guwapo. Kinikilig ako sa lalaking 'to. "Yes, Abellius!" Umusog si Abellius palapit kay Nelrose. "Do you mind if I'll get your number? Ikaw lang ang nakita kong maganda rito." Sinundan ito ng lalaki ng isang makalaglag panty na ngiti. "Yes!" sigaw ng utak ko pero 'di ko ito isinatinig. "Uhm," atubili ako pero deep inside ay gustong-gusto ko kaya magpapakipot muna ako. "Abellius, baka may magalit?" kimi akong ngumiti. Bigla akong inakbayan ni Mr. Guwapo. Parang tumigil ang t***k ng puso ko, ang lapit-lapit n'ya sa 'kin. "I'm single," bulong ng lalaki. "Same here!" mabilis kong sagot na nakataas pa ang kamay. Napahalakhak naman si Mr. Guwapo nang mabilis pa sa isang segundo ang sagot ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao. May mga umirap pa sa akin. Pakialam ko! Ang mga tsismosa, ako na naman ang nakita. Kasalanan ko ba kung maganda ako? Nakikita ko ang inggit sa mata ng mga ito nang suyurin nila ako ng mapanlait na tingin. "Can I have it, Nelrose?" "Sure!" tinype ko sa phone n'ya ang number ko. Heaven ang feeling ko dahil habulin talaga ako ng mga guwapo. "Taga-saan ka, Abellius?" "Mondabor." Tumirik ang eyeballs ko sa pag-iisip kung saan ang Montabor. "Sa'n 'yon? Kahit pigain ko ang utak ko, 'di ko talaga alam ang Montabor na 'yan." "Diyan lang sa tabi-tabi 'yan," sagot ni Mr. Guwapo. Magdamag kaming magkausap ni Mr. Guwapo. Sobrang kinilig ako sa presensiya n'ya. In just one night, napa-yes niya ako. Boyfriend ko na s'ya kaya agad kong nakuha ang first kiss ko ng gabi ring iyon. "I'm glad I met you, Nelrose." Isang mabilis na halik ang binigay ni Abellius, sa pisngi lamang ito. "I'll see you again, ok? We just text." Marami kaming napag-usapan ni Abellius. Inumaga na kami sa pakikipagkwentuhan nang 'di namin namamalayan. Nauna nang umuwi ang iba kong barkada kaya kami na lang ang natira sa basketball court. "Sure, text mo 'ko," ang saya ko kasi instant boyfriend ko na si Mr. Guwapo. Hinatid pa ako ni Abellius sa bahay pero hindi ko na s'ya pinatuloy. Tulog pa ang mga tao sa loob. Sampid lang ako sa tiyahin ko, baka ano pa ang isipin nito na nagdadala ako ng lalaki sa bahay. Hindi ko alam kung saan at kung sino ang mga magulang ko. Patay na ang turing ko sa mga ito dahil hindi man lang dumalaw o nagpakita ang mga ito. Kahit si Tiyang, hindi rin niya kilala ang mga ito. Sa tapat daw ng kumbento ako nakita kaya inampon ako nito nang wala pa itong anak. Tanging si Tiyang Joy lamang ang nakagisnan kong pamilya kaya kahit anong ingay nito, stick to her pa rin ako sa kanya. "Thank you, Abellius." "I'll see you tonight," bulong ng lalaki. Nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin, isang maalab na halik ang pinagsaluhan namin. Halos ayaw pang bumitaw ng lalaki pero tinulak ko na s'ya. May narinig akong kaluskos sa loob ng bahay. Nag-aagaw na ang liwanag sa dilim. Anumang sandali ay magigising na ang bungangera kong tiyahin. "Tonight, Abellius?" nakangiti kong bulong. "I'll see you." Kinintalan ko pa siya ng halik sa labi. Hindi ako maka-get over sa lalaking 'to. Ang yummy nito! Macho with good looks? Panalo ito! Nag-flying kiss pa ito bago umalis. Para akong nasa alapaap nang buksan ko ang pintuan. May duplicate ako ng susi kaya nakakapasok ako. Ang tiyahin kong bungangera, gising na! Napatingin ito bigla nang pumasok ako kaya ni-ready ko na ang tainga ko sa mala-armalite niyang bunganga. "Nelrose!! Inumaga ka na naman?!" malakas na hiyaw ni Tiyang. Pasok sa tainga, lusot sa kabila. Ang ingay! Tinalikuran ko si Tiyang at mabilis kong sinara ang pinto sa kwarto nang makapasok sa loob. Naririnig ko pa rin ang pagdadakdak ni Tiyang. Yari sa plywood ang bawat kwarto namin. Tatlo ang kwarto sa bahay na ito. Ang malaking kwarto ang inokupa ni Tiyang at ang maliit na kwarto ang akin. Kasinlaki lamang ito sa kwarto ng kapatid kong si Cyrish. Hiwalay na rin sa asawa si Tiyang kaya kami-kami na lang din ang magkakasama sa buhay. Nakahiga na ako sa maliit kong kama pero ang ngiti ko, hindi mawala-wala. Napahawak pa ako sa aking labi. May boyfriend na ako. Siguradong kaiinggitan na naman ako ng mga mahadera sa labas. "Nelrose!!! Maghanap ka ng trabaho, puwede? Puro tambay sa labas ang g-ginagawa mo." Panay putak naman ng tiyahin ko sa labas. Tinakpan ko ng unan ang tainga ko. Nakakainis talaga si Tiyang. Wala itong kasawa-sawa sa pagtatalak. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog. Pinasakan ko ng headset ang tainga ko. Mabilis akong antukin kapag ganitong may music. Naalala ko si Abellius kaya napangiti na naman ako. Magkikita na naman kami mamayang gabi. May sinasabi ang lalaki na pagdadalhan sa akin. Ipapasyal daw ako ng kumag. Na-excite ako! Saan kaya kami pupunta? Nakangiti akong pumikit, hinihila na rin ako ng antok. Mas nag-e-enjoy akong tumambay sa labas kaysa rito sa bahay. Isang message ang na-receive ko, si Abellius alyas Mr. Guwapo ang nag-text. Napanganga ako. Nag-send lang naman ng nude photo nito ang lalaki. Wew! Naging maalinsangan ang paligid ko. Hindi ko alam kung magre-reply ako sa kanya. Shocked ako! Napatili ako nang malakas sa sobrang pagkakilig, siya namang bukas ng pinto. Sina Tiyang Joy at Cyrish ang biglang pumasok. "Nelrose!" hiyaw ni Tiyang. "Aswang!' napasigaw ako sa gulat. Ang pinsan kong si Cyrish, sabog-sabog ang buhok at napakagulo ng buhok nito. Tumakip na halos sa buong mukha ng bruha ang hanggang baywang nitong kulot na buhok. Nasa likod ni Tiyang si Cyrish na kagigising lang din. Matatakutin talaga ako kaya hate ko ang mga horror movies. "Ano ka ba!" sita ni Tiyang Joy na may bahid pag-aalala sa boses. "Napa'no ka?" Wow! Si Tiyang, concern sa 'kin. "Ate, ang bibig mo! Gusto ko pang matulog." Reklamo ni Cyrish na agad pumasok sa loob. "May dumaan lang na daga, Tiyang," nakangisi kong explain. Hinawi ng pinsan ko ang buhok nito bago ako pinandilatan nang bongga. Kilalang-kilala na talaga ako nito. 'Yong titig ni Cyrish, nagdududa. "Nanay," may lambing na tawag ni Cyrish sa ina. "Sige na po, lumabas ka na. Dito na 'ko matutulog. Inaantok pa 'ko." Halos itulak na ni Cyrish ang ina para lumabas na ito. "Isa ka pa!" inis na sabat ni Tiyang. Kusa na itong umalis pero nag-iwan pa ito ng irap sa amin. Magsasalita pa sana ito pero naisara na ni Cyrish ang pinto. Sabay kaming napabungisngis ni Cyrish. Maloko rin 'tong kapatid s***h pinsan ko kuno. Mana talaga sa akin ang bruha kahit hindi ko siya tunay na kadugo, pamilya ang turing ko sa kanila. Nilabas ko ang cellphone sa unan. Bigla ko itong tinago kanina, mahirap nang makita ni Tiyang. Napatakip ng bibig si Cyrish nang makita ang picture sa screen ko. Sabay kaming tumili nang ubod lakas. Natigilan kami pareho nang makarinig ng yabag na papalapit. Mabilis kaming nagtalukbong ng kumot. "Kanina pa kayong dalawa. Tumayo kayo riyan, Cyrish, Nelrose. Pareho lang kayong dalawa, mga busy kayo sa kagagala niyo sa gabi. Kailan kayo maghahanap ng trabaho? Gala kayo nang gala." Katahimikan... "N-Nelrose, Cyrish!" sigaw ni Tiyang. Walang sumagot sa amin. Dumakdak nang dumakdak si Tiyang hanggang sa mapagod ito. Ubod lakas nitong sinara ang pinto nang 'di kami sumagot. "Hoy, Ate Rose, kailan tayo mag-a-apply ng trabaho?" bulong ni Cyrish. "Relax ka lang, ako ang bahala," mabilis kong sagot bago tinanggal ang kumot. Maalinsangan ngayon dahil summer. Mainit pa ang buga ng electric fan kaya 'di rin ito nakatulong sa init ng panahon. Dalawang taon ang tanda ko kay Cyrish, twenty three na 'ko ngayong taon. "Sino 'yan?" kinikilig na tukoy ni Cyrish sa picture. "Abellius." Nakangisi kong sagot sa bruha. "Ang guwapo n'ya kaya lang--" "Hep, don't worry. Leave it to me," nakangisi kong putol sa sinasabi nito. Alam kong idudugtong nito ang salitang pang-mature content lang. "May pupuntahan tayong raket mamaya kaya matulog ka na. Mag-alarm ka ng tanghali, Cyrish." Sumunod naman si Cyrish pero yumakap pa ang bruha. Nairita ako dahil mainit na nga, sumisiksik pa ito sa 'kin. Maliit lang ang kama ko kaya nagsisiksikan kaming dalawa. "Ate, baka may pinsan 'yang si Abellius. Pakilala mo sa 'kin." "Manahimik ka nga, Cyrish."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD