Chapter 29

1664 Words
Tahimik lang na nagmamaneho si Nald ng mga oras na iyon. Ilang beses pa niyang sinulyapan si Jarred sa rare view mirror na nasa back seat. Nandoon din ang anak ni Ella na mahimbing na natutulog sa tabi nito. Napasulyap din si Teo sa rare view mirror na nakaupo sa passenger seat, at napailing. Medyo nagpreno pa si Nald ng may makasalubong silang tricycle. Napasulyap pa siya sa sakay noon na mukhang pamilyar ngunit hindi na lang niya nabigyan ng pansin. "Careful Nald," asik ni Jarred ng sa tingin nila ay muntik ng malaglag si Jarra sa pagkakahiga nito. "Sorry, hindi ko kaagad napansin ang tricycle na kasalubong natin, at nakain natin ang daan," sagot ni Nald. Naiintindihan naman nila lalo na at makitid naman talaga ang daang tinatahak nila. Napansin na lang nila na binuhat ni Jarred ang bata. At habang nilalakbay nila ang daan patungong bayan ay hawak na lang ito ni Jarred habang natutulog. Napakagaan naman ng bata. Bukod sa medyo payat ito ay maliit nga lang ito. Napailing na kang si Nald at Teo sa mga ikinikilos ni Jarred. Galit na galit, pero mahahalata naman ang concern doon sa bata. Pagkarating nila ng hotel at mabilis na bumaba Jarred habang buhat pa rin ang natutulog na si Jarra. Nakatulog kasi ito gawa ng pampatulog na pinaamoy nila sa bata. Hindi naman makakasam sa bata iyon. Iniutos pa ni Jarred na bitbitin ng dalawa ang lychee na binili nila. Pabagsak na naupo si Nald at Teo sa couch ng makapasok sila sa hotel room na inuukupa nila. Nasa kwarto na rin si Jarra at mahimbing na natutulog sa kamang gamit ni Jarred. "Talaga bang ihihiwalay mo ang batang iyan sa kanyang ina? Jarred maawa ka naman doon sa mag-ina. Maawa ka doon sa bata. Wala iyong kasalanan sayo para magkaganyan ka," sermon ni Nald ng makalabas si Jarred ng kwarto. "Babalik akong Maynila. Isasama ko ang bata. Kayo na ang bahala dito. Alam ko namang kaya na niyo ang proyektong ipinapagawa natin. Tawagan lang ninyo ako kung magkakaproblema man, pero sure naman akong hindi mangyayari iyon." "Wait lang Jarred, seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Teo na ikinatango pa ni Jarred. "Hindi pwedeng dito sa hotel magstay ang anak ni Ella. Ipapahatid ko na lang ang kotse ninyong dalawa. At magtig-isa na kayo ng kotse. Ang hirap ninyo pag nataong sa magkahiwalay na lakad na dapat pupuntahan ninyo." "Sino bang nag-offer na isang kotse na lang ang gamitin papunta dito?" ani Teo na parehong sa kanya nakaturo si Jarred at Nald. "Bakit ako?" "Ikaw lang naman ang tamad magbyahe ng walang kausap," sagot ni Nald kaya nakapakamot na lang sa ulo si Teo. "But seriously, isasama ko si Jarra ng Maynila. Babalik din naman ako kaagad. Pag-alam ko na ang gagawin ko kay Ella." "Pero Jarred. Alam nating makakasama sa bata ang malayo sa kanyang ina. May sakit pa iyong bata. Higit sa lahat ang kailangan niya ang kanyang ina," ani Nald na sinang-ayunan ni Teo. "Whatever. Gagawin ko ang alam kung tama. Kung nagugutom kayo. Magluto na lang kayo. May pagkain pa naman kayo dito. Magpapahinga na ako. Bukas maagap ako, kaming luluwas ni Jarra. Hintayin na lang ninyo ang mga sasakyan n'yo sa mga susunod na araw." Hindi na nakapagsalita ang dalawa ng tuluyan na silang talikuran ni Jarred at pumasok sa kwarto. Habang nasa loob ng kwarto ay napagmasdan pa ni Jarred ang maamong mukha ni Jarra. Maliit lang ito at masasabi niyang kamukhang-kamukha ni Ella. Para talagang pinipiga ang puso niya sa kaalamang anak ito ni Ella sa ibang lalaki. Napakuyom na lang ang kanyang kamao para pigilan ang galit na kanyang nadarama. Bigla rin naman siyang natigilan ng magsalita si Jarra. "M-mama," ani Jarra na sa tingin ni Jarred ay nananaginip. "Huwag ka ng iyak mama. Dito na si Jarra," dagdag pa nito at humikbi rin ang bata. Napaiwas na lang ng tingin si Jarred. Hindi niya alam kung bakit naaawa siya kay Jarra. Napaisip naman siyang bigla kung bakit nga ba hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya para kay Ella. Alam niyang galit siya sa dalaga, iyon ang itinanim niya sa isipan niya. Ngunit bakit ngayon parang may gumugulo sa isipan niya. Napailing na lang si Jarred. Walang ano o sino mang pwedeng gumulo sa plano niya mula ng makita niyng muli si Ella. Buo na ang desisyon niya. Kailangang maranasan din ni Ella ang sakit na malayo sa minamahal. Ang pagkakaiba lang nila. Siya iniwan ni Ella. Ngayon kinuha niya si Jarra kay Ella. Kahit mabigat ang dibdib niya ay pinilit niyang mahiga sa tabi ng bata. Hindi niya alam kung anong pwesto ang gagawin niya lalo na at hindi naman siya sanay matulog ng may katabi. Higit sa lahat bata pa. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang nahiga sa tabi ni Jarra. Wala sa loob na hinalikan niya ang noo ng bata. Sa tingin niya ay hindi na ito nananaginip at nawala na rin ang hikbi nito. Akala ni Jarred ay mahihirapan siyang matulog, ngunit ng lumapat ang kanyang braso upang yakapin ang bata at parang bigla siyang hinila ng antok. Nagulat pa si Teo at Nald ng mapasukang nakatulog na kaagad si Jarred habang nakayakap sa bata. Napakunot noo pa sila ng mapansin ang pwesto ng dalawa. "Ano sa tingin mo?" naguguluhang tanong ni Teo na ikinabuntong hininga lang ni Nald. "Hindi ko alam kasi kung iisipin mo napakaimposible lalo na kung taon ang pagitan. Pero isipin mo. Bakit parang pinaglalaruan tayo ng ating mga mata," sagot na lang ni Nald. "Hindi ko alam. Alak lang katapat nito. Inom muna tayo bago matulog. Hayaan na muna natin si Jarred." "Sige, tara. Baka pagnailayo na niya ang bata kay Ella, ay magigising na rin sa katotohanan si Jarred. Marerealize niyang mali ang ginagawa niya. Gusto ko rin naman ng katahimikan para sa kanila. Iyong magkapatawaran sila. Kung wala na silang pag-asa, kahit man lang mapatawad nila ang isa't-isa ay sapat na." "Me too Nald. Me too." Samantala, wala pa ring tigil sa pag-iyak si Ella dahil sa nangyari. "Jarra," paulit-ulit na tawag ni Ella sa pangalan ng anak. Mahinahon na si Nay Angela pati na rin si Maric na ngayon ay nakatingin lang sa nakatulalang si Ella na tinatawag ang anak. "Inay ano po ba talagang nangyari?" tanong Maric habang nakatingin pa rin kay Ella. "Galing ako sa loob ng bahay anak, ng malabasan ko si Jarra na may kausap na tatlong lalaki. Hanggang sa kukunin daw nila si Jarra. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa sinabi noong isa na may lychee siya. Alam mo naman si Jarra basta lychee ang usapan. Nawawala na sa isip ang iba bagay. Tapos noong pagdating sa loob ng sasakyan. Nakita ko na lang na natutulog na si Jarra. Hindi ko alam ang nangyari na. Basta sinabi noong isang lalaki na malaki ang kasalanan ni Ella sa kanya," paliwanag ni Nay Angela na lalong nagpahagulhol kay Ella. "Si Jarred po iyon nay, dati kong kasintahan." "Ano bang dahilan Ella at iniwan mo daw siya? Bakit hindi mo sabihin sa amin ni Maric? Baka makatulong kami sa iyo. Ella alam mo namang itinuring na kitang para anak. Sabihin mo sa akin anak." Nilapitan naman ni Nay Angela si Ella at niyakap ng mahigpit. Doon naman ibinuhos ni Ella ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. Umiyak lang siya nang umiyak hanggang sa tingin niya ay tumigil na sa pag-agos ang kanyang mga luha. Heto na naman siya. Parang wala na namang direksyon ang kanyang buhay. Parang bumalik lang sa simula. Kung saan pakiramdam niya pinagkaitan siya ng mundo. "Ella," tawag ni Maric sa kanya kaya napatingin siya sa dalaga. Wala na doon si Nay Angela at nasa kusina. Nagluluto na ito. "Kung ano man ang problema mo, nandito lang kami ng inay para sa iyo. Kung ano man ang pinagdaanan mo. Walang magbabago. Ako pa rin ang Maric na nakilala mo. At ang inay? Alam mo namang malaki ang utang na loob namin sayo. Kaya wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Natatandaan kong may sinabi kang, mas mabuting hindi ka namin makilala ng lubusan. Kilala ka na namin Ella. Mabait ka at sa lahat ng mabait na nakilala ko, ikaw ang nangunguna." Napangiti naman si Ella sa sinabing iyon ni Maric. Pero nandoon pa rin ang labis na pag-aalala sa anak na wala ngayon sa piling niya. "Sasabihin ko rin Maric sayo, sa inyo ang lahat. Siguro pag handa na ako." "Kailan ka pa magiging handa Ella?" Iling lang ang naisagot ni Ella nandoon na naman ang mga luhang akala niya ay naubos na kanina. Mula sa kwartong kanilang inuukupa ni Jarra ay nakatingin lang si Ella sa may bubungan. Parang sasabog ang puso at isipan niya sa sobrang pag-aalala niya sa anak. Wala itong gamot sa tabi nito. Paano kung bigla na lang itong lagnatin. Hindi niya alam ang nangyayari sa anak. Bigla siyang bumangon at kinuha sa pitaka ang singsing na galing noon kay Jarred at pinagkatitigan. "Ano pa bang gusto mo? Lumayo na ako para magkaroon ka ng magandang buhay at ng hindi sa tulad ko. Basura na ako para sa iyo di ba? Ang basura hindi na pinapansin at hindi na binabalikan pa. Pero bakit nandito ka na naman. Inilayo mo pa sa akin ang anak ko. Jarred pagod na pagod na ako. Ang tagal ko ng gustong sumuko pero lumalaban ako dahil may anak akong umaasa sa akin. May anak akong kailangan ng kalinga ko. Pakiusap patawarin mo na ako at pabayaan mo na kami ng anak ko. Pakiusap." Pagmamakaawa pa ni Ella sa mga singsing na hawak niya na parang sasagot iyon. Hindi siya sanay na mawalay sa anak. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay pinagkaitan na naman siya ng mundo na maging tahimik ang buhay. Umiyak lang nang umiyak si Ella sa mga oras na iyon. Hanggang sa hindi na niya namalayan na hinawi saglit ng antok ang sakit na kanyang nadarama.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD